Kung kailan ba naman hindi ako nagdala ng payong, tsaka rin naman biglang bumuhos ang ulan. Halos mag aalas nuwebe na, lagot talaga ako kay Tita nito. Lowbat pa naman ako. Nagpasilong muna ako sa waiting shed habang naghihintay tumila ang ulan. Akala ko tumigil na kamalasan ko.
Maya-maya may dumating na nakamotor. Babae. Nakahelmet. Kasing tangkad ko.
Binaling ko ang atensyon ko sa ulap. Ang dilim ng langit ngayon. May malungkot ata na anghel. Yan kasi sabi ng ng Tita ko, kapag madilim ang kalangitan, may nalulungkot na anghel. Napaisip ako noon, kung masaya sa langit, bakit pa sila nalulungkot? Sinagot din ng Tita ko yan, sabi niya hindi niya rin alam. Kaya hindi ko na inalam. Hindi rin naman ako sure kung may anghel…
“May pansindi ka?” Lumingon ako… takte… isang anghel.
Teka. Ang babaeng hindi mahinhin to ah! Naka jacket siya na itim, denim pants, at rubber shoes na puti. Bahagyang basa ang mataas niyang buhok. Nangungusap ang bilog niyang mata.
“May pansindi ka ba?” irita niyang sabi ulit. Mala-anghel ang mukha pero may pagkademonyo yung ugali eh. Pinaglihi ba ‘to sa sama ng loob?
“Wala.” Simangot kong sagot.
“Edi wala. Hindi mo naman kailangan tumitig.”
Parang bigla akong nagka mini heart attack. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ‘to. Titig my ass.
Hindi na ako kumibo at inirapan ko lang siya.
“Par nga pala.” Medyo maangas niyang sabi. Aba, nakikipagkilala pa talaga. Ano bang kailangan nito.
"Okay.” Mahina kong sagot sabay tango.
“Naisip ko lang naman magpakilala.”
“Bakit?” Pagtataka ko.
“Kase para alam mo naman yung pangalan ng na-kiss mo.”
Napaubo ako bigla nang malakas. Lalagnatin siguro ako. Parang namumula ata ako. Teka? Namumula ako? Parang gusto kong tumakbo na ewan. Anong klaseng pakiramdam ba ‘to?
“Chess right?” sabay ngiti. Tumango lang ako. Pilit na pinipigilan ang mga insekto sa tiyan ko. Chess umayos ka nga!
Tahimik ulit. Ayokong punan ang katahimikan ng mga salita dahil wala din namang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam ano iniisip niya. Nakatitig lang siya sa isang pirasong sigarilyo sa kamay niya habang nakaupo.
“Gusto mo?” biglang pagbasag niya sa katahimikan. Inabot niya ang isang pakete ng sigarilyo.
“I don’t smoke, salamat.” Pilit kong pinipigilan ang kaba at ang 'di mawaring pakiramdam. Takte ano ba 'to.
“Wala din namang pangsindi eh.” Natatawa niyang sagot.
Bigla din akong natawa. “Ang tanga naman nun.” Sambit ko.
“It’s more of poetic.” Kampante niyang sabi habang nilalaro sa mga kamay niya ang sigarilyo.
“Saan banda?”
“Holding something you can’t have. It’s there. It’s in your hands, but it can’t be yours. Ganun.”
“Lasing ka ba?" Ano bang ininom nito? O baka may nasinghot?
“Hindi no.”
“If you can’t have it, it’s not meant for you in the first place.”
“Pero pag may pansindi ako, it’s a different story.” Mahina niyang sabi sabay ngiti. Tumingin siya sa akin at muntik na akong ma-freeze nang wala sa oras. Anong klaseng titig ba kasi yan? Umiwas akong ng tingin. Narinig ko ang mahina niyang tawa.
Tumahimik ulit ang paligid. Maya-maya tumila na rin ang ulan.
“Hatid na kita.” Bigla niyang anyaya sabay abot ng helmet niya sa akin.
“No. Thanks.” Kalmado kong sagot; kahit pigil na pigil na ko sa malakas na kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung sa takot? Sa inis? Sa ewan...
“Sige na. Pa ‘sorry’ ko na sa’yo.” Pagpupumilit niya.
“Okay lang naman kahit yung salitang 'Sorry' nalang sabihin mo.”
“Action speaks louder than words diba?”
“Hindi okay lang talaga.”
“I insist, pa ‘thank you’ mo na din sa akin kase kinampihan kita laban dun kay Stephanie na yun.”
“Kampihan? Eh kayo una nagrambulan eh.”
“Okay okay okay. Hindi ka ba talaga sasakay?” “Hindi. Okay nga lang.”
“Fine. Hindi kita pipilitin. Sige ka madami daw kidnapper dito. Bye” huling salita niya bago nagpaharurot nang drive.
Inirapan ko siya bago nagsimulang maglakad. Habang binabaybay ko ang daan, hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot. Ang dili kase. Napaka unusual. Medyo malayo layo yung terminal. Minsan kase may mga kasamahan ako papunta dun, eh ngayon nauna sila kasi naglibrary pa ako. Ang swerte lang.
“Pssstt…”
Biglang nagtayuan ang balahibo ko nang may marinig na mahinang boses sa di kalayuan.
“Miss…” Biglang lumabas sa di ko alam na magic door ang isang lalaking mahaba ang balbas at may dala dalang patalim. Pumikit ako sa sobrang takot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatakbo? Manlalaban? Eh madalas sa nanlalaban pinapatay eh.
“Akin na yang bag mo…” sigaw niya sa akin na hindi ko alam kung nananakot ba sya o baka kinakabahan lang din siya. “Akin na!” Sigaw niya ulit.
Tatakbo na sana ako nang biglang… may dumating na taong nakamotor. Huminto siya mismo sa harap namin at binatukan ng hekmet ang lalaki saka sinipa ng kanan niyang paa. Hinagis niya sa akin ang helmet na swerte namang na catch ko.
“Sakay dali!”
Hinakbang ko ang mga paa ko papunta sa kanya. At ilang minuto lang nakasakay na ako sa likod ng babaeng hindi mahinhin. Parang nag shutdown ata yung brain factory ko at hindi na gumagana yung filter ko. Yung pader na pilit kong tinatayo para hindi mapasukan ng kung ano ano ay biglang gumuho.
At doon nagsimula ang pagkabog ng dibdib ko kasabay ng mga insekto sa tiyan ko… kabog na di ko maintindihan habang nakakapit sa bewang niya… kabog na di ko mapigilan habang nakatitig lamang sa mga likuran niya habang binabaybay ang daan… kabog na di naman dapat mangyari kasi nga… babae din ako.