ang unang pagtatagpo

1486 Words
    NINE YEARS AGO… nakilala ko ang babaeng hindi masyadong dalagang Pilipina. Hindi mahinhin at tipikal na dalagang Pilipina.      Hindi talaga. “Ahhhhhh!!!!” sigaw niya habang nawawalan na ng balanse sa bisekleta niya at mukhang papabangga na sa akin. Hindi nga mahinhin. Biruin mo naman nakapalda pa. Pero mas nakakabahala yung mas malakas pa siyang sumigaw sa akin na mukhang ako naman yung matatamaan niya.      “Ahhhh alis alis alis!!!!!” sigaw niya ulit sa akin na parang kasalanan ko pa. Umilag naman ako pero para bang nakamagnet sa akin yung bisekleta niya na lumiko-liko sa kung saan ako nakapuwesto.  Hanggang sa…  “Sabing ilaaagggg!!!!” Boogsh… Masakit pala…masagasaan. Pero mas masakit ma-hit-and-run. Akalain mo yun, biglang nawala yung babaeng yun. Makakatikim talaga sa akin yun kapag nagkrus ulit landas namin.  Ang swerte naman talaga ng first day of school ko. ***********************************************************************************************************     “Hello, I am Chess Ferrer. 17” mahinhin na pakilala ko sa harap ng bago kong mga classmates. Medyo nahiya ako dahil sa nahuli ma naman ako sa klase. Makakatikim talaga yung babaeng bumanga sa akin. Nang pinaupo na ako ng teacher namin, may biglang tumawag sa akin.   “Uy! Dito ka na upo dali dali, kasi mahilig akong magchess eh” biglang tumawa ang lahat… Uso pa din ba bully sa college.     Sa lakas ng tawanan nila, isang boses ng halakhak ang nangingibabaw. Ang lakas naman takte abot hanggang tatlong kanto. Tawang tawa ah. Kaninong tawa ba yun. Lumingon lingon ako… hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa isang babae na nakadungaw sa bintana habang pilit na tinatakpan ang bibig niya pero tumatakas pa din ang maingay na boses. At doon ko unang nasilayan ang buhakhak ng isang hindi mahinhin na dalagang Pilipina.     Teka…     Napalingon siya sa akin at bigla kaming nagkatitigan. Parang sabay namin napagtanto… sabay namin naalala ang isa’t isa. Takte. Siya nga yun, yung nakabangga sa akin kanina. Aba ang liit nga pala talaga ng mundo, the university rather.      Dinilatan ko siya ng mata. Aba dinilatan din ako. Tinaasan ko siya ng kilay, tinaasan din ako. Wala na ngang apology, nagmamaldita pa. Inirapan niya ako at tumingin ulit sa bintana. Aba naman talaga. Lumakad ako papunta sa kanya at umupo katabi niya. Gulat na gulat siya paglingon niya.      “Wala akong atraso sayo ha.” Biglang depensa niya.     “May sinabi ako?” Bulong ko.   “Hindi ka umilag, sabi ko ilag.”     “So kasalanan kong umilag ako pero binagga mo pa rin ako.”     “Nabangga ka kasi hindi ka po umilag. I warned you. Sumigaw ako.”     “So dapat magpasalamat ako kase you warned me?”     “No. Pero wala akong atraso, I warned you. Period.”     “Pero nabangga pa rin ako. Kahit sorry man lang, wala?”      “Ikaw dapat magsorry sa bike ko nabangga mo.”      “Ang bike mo ang bumangga sa akin!”      “Ikaw ang bumangga sa bike ko.” Sigaw niya. Malakas na pagsigaw na hindi namin namalayan nakatitig na pala sa amin ang buong klase.  “Gusto niyong ikwento sa harap ang banggaan na yan? Pwede naman.” Galit na sabi ng professor namin. Nagtawanan silang lahat. Kung pwede lang lamunin ng lupa eh.     Bigla siyang tumayo at palihim na sinenyasan ako sa ilalim ng “f*ck you sign” bago tuluyang lumakad paalis. Tiningnan ko siya habang naglalakad palabas. Kasing tangkad ko siya. Medyo morena. May bilog na mata at mahahabang pilikmata. Halata ang tigyawat sa kanyang mga pisngi na namumula. Magaslaw siya. Sobrang gaslaw.  “College will be tough, but your course, Psychology, will make it fun…” sambit ng teacher namin bago pumatak ang oras sa alas dose. “Pero sana wala ng magbanggaan.” Pasingit ng teacher namin at tumawa ulit ang lahat. Parang charm ko takaga yung babaeng yun, ano. Bad charm.   ************************************************************************************************************   “Chess” may isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Paglingon ko, isang matangkad na lalakeng nakasalamin ang bumungad sa akin. Kilala ko ‘to. Teka…      “Ayyy Kuya Sam!!!”      Schoolmate ko pala nung high school. Nasa fourth year na siya ngayon. Nag-usap kami ng mga ilang minuto bago niya napag-desisyonan na inominate ako bilang class representative na hindi ako naka say “yes” or “no” man lang. Tumawa siya at tinapik ang likod ko assuring me that it’s okay, siya na bahala.   Buong Psychology Department ang nagtipon tipon sa mga oras na ‘yun. Nasa isang malaking auditorium kami, at mga halos dalawang daan ang dumalo from freshmen to senior. Medyo maliit lang din kase ang population ng kurso namin sa school.     “Par, Chess, Stephanie at Jonathan. Great mga freshmen nominees natin. Sige raise your hands nalang ah if tawagin ko yung pangalan.”      Nang tinawag na ang pangalan ni Stephanie, nagsimula ng magbilang ang student secretary na nakabalot ang leeg sa scarf .   “Okay 34” malakas niyang sabi.      “Ha? Teka mali 50 yung nabilang ko eh” galit na sabi ni Stephanie.      “Ay girl ikaw nalang magsecretary dito?”      “Dinadaya mo siguro ako!”      “Attituding ka girl? Bakit naman ako mandadaya ano mapapala ko?”      “Eh balak niyo ipanalo yang isa diyan. Narinig ko kanina!!!” sabay tingin at dilat ng mata sa akin. Nang marinig ko yung mataray niyang boses, nanlamig ako. Teka, totoo pala yung mean girls sa private school no? Galing kase ako sa public, gangster at jejemon lang uso sa amin. Ito naman kase si tita, sabi ko naman okay na ako sa state college namin sa probinsya eh.     “HAHAHAHA” biglang may malakas na tawa akong narinig ko sa gilid ko.     “Seryoso kayo?” pataas na tonong tanong ng isang babae.     “Childish…” dagdag niya habang tumawa ulit. Lumingon ako at… tadhana nga naman. Ang babaeng hindi mahinhin! May kung anong kalamalasan talaga dala nitong tao to sa araw ko. Tumingin siya sa akin at umirap. Umirap din ako sa kanya.      Tumahimik ang lahat bago may malakas na kalampag akong narinig. Sinugod na pala siya ni Stephanie at sinabunutan. “Childish pala ah!” sigaw ni Stephanie sa kanya. At dahil magkatabi kami ng babaeng nakabunggo sa akin, hindi ako nakatakas sa kamay ni Stephanie na hinila ang damit ko bago ako sinabunutan na akala mo eh kindergarten na nag aagawan ng isang pirasong candy.   Tama nga sila biruin niyo na ang lasing, pati na din ang bagong gising, ‘wag na ‘wag lang ang competitive na taong pikon.     Pilit kong sinasangga yung kamay ko laban sa mga kamay niya, habang inaawat siya nitong babaeng hindi mahinhin. Teka tatlo lang ba kami dito? Ano ‘to libreng live action ng isang pelikula? Parang maling department ata napasok ko ah…     “Tama na ano ba!!!!” sigaw ng babaeng hindi mahinhin bago tinulak ni Stephanie at natapilok sa wirings… bago pa man ako nakapag depensa ulit sa mga kamay ni Stephanie na pilit ginugulo ang buhok ko, natulak niya ako ng bahagya at nasamang dumapa kasama ng babaeng hindi mahinhin.      Yun nga lang…      Sabay sa pagdapa namin ay ang pagdampi din ng mga labi namin sa isa’t isa.      1…2…3…4…5??? Or 6…7??? Hindi ko alam ang saktong bilang ng segundo sa paglalapat ng mga labi namin, pero ang alam ko nalasahan ko pa ang mangga at bagoong na siguro kakakain lang niya.     Nagkatitigan kami. Bilog nga mga mata niya. Mataas nga pilik mata niya. Maganda pala siya. Teka teka teka. Ano ba ‘tong naiisip ko.      “Maam nagbanggan na naman po sila.” Narinig kong sigaw ng isang lalake, bago ko namalayan na nakatitig pala silang lahat sa aming dalawa habang magkapatong. Takte. Anong klaseng first day of school ba ‘to?   *********************************************************************************************************   Matapos ang araw na yun… hindi ko na muli nakita ulit yung babaeng hindi mahinhin na yun. Hindi na din naman ako minamalas. Pero para bang may bumabagabag sa akin simula ng araw na yun. Hindi naman dahil sa nanalo ako bilang representative ng first year. Hindi rin dahil sa mga sugat na natamo ko sa pagbangga ng bisekleta niya. Hindi rin dahil sa pangaral na natanggap namin sa guidance matapos ang away na yun.      Siguro… dahil ‘to sa lasa ng mangga at bagoong na natikman ko nung araw na yun? Eh araw’t gabi eh hindi na ako nilubayan… ewan ko ba kung gusto ko lang kumain ng mangga… o dahil sa nagustuhan ko kung saan ko yun nalasahan? Ewan.      “Kain tayo Chess!” anyaya ng isa kong kaklase sa canteen.      "Sige sige ano yan?” sagot ko.      “Mangga’t bagoong.”      Biglang kumabog nang mabilis yung dibdib ko nang malakas at napalunok. Ano ba ‘tong utak ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD