Chapter 9

2027 Words
Sabay kame nakarating ni Amy sa room, naabutan kase namin ang isat isa sa parking lot na kakarating lang. "CJ!!!!" Sabay kame lumingon ni Amy kay Michelle na hingal na hingal itong lumapit sa amin. "Mich, what happen?" Takang tanong ko.  Kita kase sa itsura nito na tumakbo ito papuntang room eh. "Sebastian-" pangalan palang narinig ko napaupo na ako. "Kasali siya sa gulo ngayon sa openfield."  Napatayo agad ako sa sinabi nito. "What?!!!" Napatingin kame kay Rebecca na gulat din sa news ni Michelle. Taranta itong tumakbo palabas ng room. "Mag-isa lang si Sebastian." Dahil sa sinabi nito napatayo agad ako "Are you sure?" Tango lang sagot ni Michelle kaya di na ako nagdalawang isip na tumakbo palabas ng room sumunod naman sila Michelle sa akin. Pagkadating namin sa open-field nakaluhod si Sebastian, duguan ang mukha nito.  "Ano Sebastian! Yan lang kaya mo?" Napailing ako sa gagong yun dahil matapang siya ngayon mag isa lang si Sebastian. Sebastian smirk at him, inabot ko ang phone ko kila Michelle. "Call my brother" Napatingin ako kay Rebecca nakatayo lang ito nakatingin kay Sebastian, kita sa mukha nito ang takot. "Your weak, Sebastian." Sigaw ng kalaban nito. Napansin kong pilit na tumayo ni Sebastian napailing ako at lumapit dito. "Cj!" Rinig kong tawag nila Amy sa pangalan ko. Gulat si Sebastian makita ako sa harap nito kaya napaluhod na rin ako sa harap nito. "Stop." "Get out of here!" Sigaw nito sa akin "Sugatan kana. Ano gusto mo idagdag pa yan? Kase kung yan gusto mo ako nalang ang dadagdag niyan." Mahina kong sabi dito. Galit itong nakatingin sa akin "Ano ba ginagawa mo dito?" "Di ko alam, okay." "Love story ba pinapanood namin dito?" Singit ng kaaway nito sa amin. Tatayo na sana si Sebastian pero pinigilan ko ito. "Please." "Give me one perfect reason for you to stop me." Napabuntong hininga ako. "I don't want to see you hurt" sabi ko nalang para tumigil ito. Di ito nagsalita at nakatingin lang ito sa akin, ilang segundo rin ito nakatingin sa akin at kasabay nun ang pagdating nila kuya. "Ilayo mona si Sebastian dito, Cj." Napatingin ako kay kuya. "Dont worry nothing bad will happen to me" Tumango ako at lumapit ako kila Michelle di pa ako nagsimula magsalita naunahan na ako ni Michelle "Kame ng bahala sa kapatid mo." At inilayo kona si Sebastian sa lugar na yun, inutos niya akong dalhin ko siya sa kotse nito. Pagkarating namin sa parking lot dumiretso agad kame sa kotse nito at may kinuha ito sa likod bago kame pumasok sa loob ng kotse nito. "Reading-ready ka uh? Alam na alam na masusugatan." Sabi ko at inopen kona ang kit at kinuha ko yung mga kailangan para sa sugat nito. "Ako na." Sabi nito. "Ako na, umupo kanalang dyan. Bakit ba nakipag suntukan ka ang aga-aga." "Sige mamayang gabi nalang ako makipagsuntukan." Rinig kong bulong nito. Napatingin ako dito, inilapad ko yung cotton sa bandang labi nito at diniin ko ito "At nagbiro ka pa." "s**t!" Pinalayo niya agad ang mukha nito. "Masakit? Gusto mo dagdagan ko pa yan?" Napailing ito at lumapit na muli ito sa akin, kaya maayos ko nang ginamot ito. Napahinto ako ng marealize ko labi niya pala ang ginagamot ko, napatingin ako sa mga labi nito. Bakit parang ang lambot mga labi niya? Haaays napailing ako. Concentrate Celestine!? Ginamot kona ulit ito, mga ilang minuto rin natapos na ako. "Thank you." Sabi ko. Kase parang walang balak ito magpasalamat, napatingin lang ito sa akin. Sabi ko nga wala. Bubuksan kona sa yung pinto ng kotse nito banda sa akin. Kaso pinigilan niya ako at nilock niya ito "Where do you think your going?" Napakunot noo ako "Malamang babalik kung saan sila kuya." "No. You stay here" sabi nito at sabay pikit ng mga mata nito. "I need to sleep. "Ako pa ba magpapatulog sayo?" Sarcastic kong tanong. Masamang tingin ang binigay niya sa akin. I sigh. Wala akong magawa kundi titigan nalang siya habang natutulog. Ang gwapo niya kahit tulog pero mukhang mabait siya pag tulog kase pag ito gising satanas ang kaharap ko. Nagring yung phone nito, kinuha ko ito oara tingnan kung sino. Si Rebecca lang pala, sinilent ko ito para di magising si Sebastian dahil sa tawag ng bruha. Ilang minuto lang din ito nakatulog, gulat pa ito ng pagkagising nito nasa tabi ko siya. Panandaliang amnesia hahaha. "Baka pwede na ako umalis?" Tiningnan niya lang ako. Yan na sabi ko tulog lang ito mabait eh kase paggising parang gusto ako kainin ng buhay. "Teka lang bakit ba nakipag away ka sa mga lalaking yun?" "Sila ang humanap ng away di ako." "So?" "It's not my fault that the woman is chasing me and her girlfriend is also chasing me" "Yabang." "Sinagot ko lang ang tanong mo." "Whatever. Oh siya maiwan na kita kaya buksan mo na ang pinto ng kotse mo." Wala ito magawa kundi sundin yung inuutos ko, pagkababa ko. Narinig kong sinabi niya thank you pero mahina lang ang pagkasabi niya. Kaya humarap agad ako dito kaso sinirado na niya yung pinto at agad niya pinaharurot ang kotse nito. Tatawagan ko sana sila Michelle kaso naalala ko na naiwan ko pala yung phone ko sa kanila, dumiretso nalang ako sa room namin. Pagkadating ko sa room andun sila kuya sa labas ng room ko nung makita niya ako lumapit agad ito sa akin. "Nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong ni kuya. Umiling ako "Si Sebastian?" Sabay tingin niya sa likuran ko.  "Umuwi na."  "Sige pumasok kana, nagexcuse ako sa prof mo kase ilang minuto ka nang late." Tumango ako at nagpaalam na ako na pumasok sa room. Pagpasok ko ng room galit na nakatingin si Rebecca sa akin, napailing nalang ako. Yung mga kaibigan ko naman abot mata na yung ngiti nila sa akin. "May utang kang kwento sa amin." Bulong na sabi ni Michelle habang nakangiti. Napailing nalang ako, inabot na saakin ni Amy yung phone ko. May new message ako kaya inopen ko ito. From: Unknown "I don't want to see you hurt " Naalala ko bigla yung sinabi ko kay Sebastian, napatakip ako ng bibig dahil di ko mapigilan ngumiti. Shit. Di ako magkamali na sakanya to galing ang text, dahil ang pagkakaalam ko pabulong ko sinabu sa kanya ang katagang yun na kame lang makakarinig dalawa. Napailing ako, di ko alam kung magkaaway ba kame o ewaaaaan. ★ "Manang, si kuya?"  "Kakaalis lang, ija." Sagot nito habang nililinis ang sink namin. Napansin ko sa counter ang phone ni Kuya, naiwan niya sigura.  Bigla ko naalala yung text kaya agad ko ito kinuha at chineck sa contact ang number ni Sebastian. Napangiti ako ng makita ko na kay Sebastian nga ang text na yun. Binalik kona yung phone ni kuya kung saan ko ito kinuha. Masaya akong umakyat pabalik sa kwarto. ° Si Rebecca agad kaharap ko pagpasok ko palang sa room. "Stealing my boyfriend is a crime." Saad niya. "I didn't steal your boyfriend." "He save your boyfriend na dapat ikaw yung gumawa kaso takot ka, kaya si Celestine ang nalang ang tumulong na dapat ay ikaw." Singit ni Michelle, kasama niya si Amy. "Ganun pala yun? Pag wala ako, dapat siya yung nandun doon? Kumbaga option siya, Right?" Nakangising sabi ni Rebecca jay Michelle. Lalapitan pa sana Michelle ito pero pinigilan ko siya. "Kaya matuto kang lumugar di ibig sabihin na di ko tinulungan si Sebastian ay dapat ikaw na yung gumalaw." Magsasalita pa sana ako ng may bumukas ng pinto ng room namin at may mga lalake na pumasok. Ako agad ang tiningnan nila, kinabahan ako ng lumapit ito sa akin. "Siya ba yung girlfriend ni Sebastian?" Tanong ng lalake na humawak sa kamay ko sa mga kasama nito. Napailing ako dito. "Hindi ako ang girlfriend!" Galit kong sabi dito. "Kung hindi ikaw edi sino?" At tinuro ni Michelle si Rebecca. Kaya gulat si Rebecca sa pagturo ni Michelle sa kanya. "Hah? Bakit ako?" "Kakasabi mo lang na boyfriend mo si Sebastian diba?." "SHUT UP!" Napatahimik lahat dahil sa pagsigaw ng guy nasa harap ko. "Silang dalawa yung dalhin niyo!" "Teka-" biglang tinakip mga bibig namin ni Rebecca. "Saan niyo dalhin yung kaibigan namin?" Nagalalang tanong ni Amy, sinusubukan nilang agawin ako kaso malalakas ang mga ito. Tinakpan nila ang mga mata namin, di ko makita kung saan nila kame dadalhin pero isa lang ang alam ko kinakabahan ako sa mangyayari. Wala akong idea kung bakit napasali ako dito, ilang minuto rin napahinto na kame sa kakalakad. Pinaupo nila kame at ramdam kong tinali nila ang kamay ko, gusto ko sa pumiglas pero para walang mangyayari pagmiglas ako. Tinanggal na nila ang pagtakip sa mga mata namin at bibig. "What do you want?" Tanong ko agad. "Higanti. Dahil sa kanya di makalakad ang leader namin, teka diba kapatid ka ni Klein?" "Oo at siya yung lumapit kahapon kay Sebastian sa gitna ng openfield habang tinotorture ni Boss si Sebastian." Sagot ng kasama nito. "Sakto pala dinala ka namin dito. Alam mo ba dahil sa kapatid mo kahapon pilay nakauwi yung boss namin?" Omygossh. Di ko akalain na magagawa yun ni kuya, akala ko aayusin nila yun pala mas mapapalala yung sitwasyon. Nilibot ko ang paningin ko at naalala ko ang lugar na ito dito ako last time dinala ni Rebecca. "Teka bakit kasali ako dito?" Taning ni Rebecca. "Rebecca, alam nang lahat ikaw yung girlfriend ni Sebastian kaya huwag mo ng isipin magsinungaling pa." Sagot ng guy. Iniwan nila muna kame dalawa sa loob ng abandon building. "You see, mapapahamak at mapapahamak ka kapag nalaman nila may connection ka kay Sebastian. Gusto mo ba mangyari sayo ang nangyari kay Kianno?" Napakunot noo ako "What are you talking about?" Tumawa ito "Huwag ka nang mag maang- maangan pa Celestine. Dahil alam mo mismo na kapag hayaan mong lumapit sayo si Sebastian mapapahamak ka sa pagiging gangster nito. Alam kong gaano mo hate ang gangster kaya hahayaan mo ba na si Sebastian lang ang dahilan na malalagay ang buhay mo sa kapahamakan?" Napaisip ako sa sinabi ni Rebecca, nakalimutan ko na kapag nasa tabi o kasama ko sila ay mapapahamak talaga ako at yung ayaw kong mangyari. "Ikaw? Okay lang ba sayo na mapahamak ka?" "Sanay na ako." Tumingin ako kay Rebecca. "Huwag kang magalala dahil wala akong balak na pumasok sa buhay ni Sebastian dahil una palang ayoko na kanya, kaya di mo kailangan naisagaw na pagmumukha ko na boyfriend mo si Sebastian dahil wala akong pake." Pagkasabi ko nun bumalik na ang mga lalake. "Untie them. Make sure na hawakan niyi sila ng mahigpit." Nagulat ako dahil nasira yung pinto sa pagsipa ni Sebastian dito. "Ngayong alam na namin kung ano ang weakness niyo." Sabi ng lalake na parang second leader nila. "Bitawan mo kapatid ko!" Galit na sigaw ni kuya. "Di parin ba kayo na dadala? Gusti niyo matulad sa boss niyo!?" Tumawa sila sa sinabi ni kuya at nagsilabasana ang mga kasamahan nito na may dalang armas tulad ng kutsilyo, baseball bat at mga kahoy. Bumilis ang t***k ng puso ko, I don’t want to witness an incident like this. "Let her go" Sebastian said in a cold tone. "Lets make a game I want you to choose kung sino ang gusto niyo sagipin si Rebecca ba o si Celestine na kapatid ni Klein?"  "Si Rebecca." Agad nilang sagot ng di nagdadalawang isip. Nagulat ako sa sagot nila kita ko yung pagkangiti ni Rebecca, di ko akalain na mas pipiliin ni kuya na sagipin si Rebecca kesa ako. "Fine. Pakawalan niyo na si Celestine." Utos nito. Nagulat ako sa sinabi nito kaya nung pinakawalan ako tumakbo agad ako palapit kila kuya. "Run." Bulong ni kuya.  "Pero-" "Sssh. Listen to me, wait me at parking lot. Okay?" Wala akong magawa kundi tumango nalang at tumakbo na ako ng di ako lumingon. Gusto ko umiyak, ayoko marinig na sugatan si kuya o makita man lang siyang pilay. Wala silang armas na dala kundi ang kamao lang mismo nila pano kung masaksak ang isa sa kanila? Paano? Apat lang sila at madami ang kalaban nila kakayanin kaya nila ang mga lalaking yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD