Celestine
Kinwento ko kila Amy ang nangyari sa akin kahapon.
"So who's that lucky guy?" Tanong nila.
Napaisip din ako, napakamot ako ng ulo ko dahil nakalimutan ko ang name ng guy.
"Seriously?! He save you! Then you just forget that guy name. Poor guy, his your hero Cj." Amy.
"I know, I know. But his face? I will never forget that guy face."
Nung naubos na namin ang food namin, isa-isa na kaming tumayo. Lumingon muna ako sa direksyon kung saan ang pwesto nila kuya.
Yung boses lang ni Rebecca na ririnig ko dahil sa lakas ng tawa nito habang katabi niya si Sebastian.
Napailing nalang ako makita kong kasama nila si Rebecca "Te, yaan mona baka madiskitahan ka nanaman ni Rebecca."
Napatingin ako kay Michelle dahil sa sinabi niya. "Napatingin lang sa kanila pagdidiskitahan agad ako? Ang babaw niya naman."
"Nagtaka ka pa." Michelle.
Umalis nalang kame sa lugar na yun.
★
Sa labas palang ako ng bahay naririnig ko na ang ingay galing sa loob ng bahay, kakauwi ko lang galing school.
Pagpasok ko sa bahay napansin ko si Carter naglalaro ng Mobile Legend at maingay ito habang naglalaro dahil kinakausap nito ang kasama nito sa paglaro.
Siya lang pala yung maingay kala ko ano na meron sa bahay.
Nakita ko sila Kuya sa living room na seryoso nag uusap kasama sila Sebastian, akala ko pati dito kabit-kabit niya si Rebecca.
Di nila ako napansin kaya umakyat na ako sa taas patungo sa kwarto ko, napahiga agad ako pagkatapos ko magpalit ng damit.
NAGISING ako sa sunod-sunod na katok "Wait." I said. Bumangon na ako sa higaan ko, humikab muna ako.
Napatingin ako sa wall clock ko, its already 6pm in the evening. Nakatulog pala ako pagkauwi ko dito, baka naman wala na sila dito.
Lumapit na ako sa pinto at binuksan ko ito. "What?" Napatulala ako ng makita ko si Sebastian sa harap ko.
Magsalita pa sana ito kaso napatingin ito sa bandang dibdib ko, ako mismo napatingin din sa dibdib ko.
Nataranta akong takpan ang dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay ng marealize kong wala pa akong bra at bakat talaga ito kahit nakadamit ako.
Muli kong sinira ang pinto dahil sa hiya. "What do you want?"
Rinig kong napaubo ito. "Tinatawag ka ng kapatid mo, para mag dinner."
Narinig kong mga hakbang nito papalayo, napabuntong hininga ako. Napahila ako ng buhok ko out of frustration, naalala ko yung kahihiyan na naramdaman ko kanina.
Bakit si Sebastian pa, kaloka. Nakita niya tuloy yung dalawa kong bundok.
"CELESTINE!!!" Rinig kong sigaw ni kuya.
Kaya nagmadali na ako gumamit ng panloob ko, taranta akong lumabas sa kwarto at nagmadali na akong bumaba.
Napayuko ako ng marating ko na ang dining hall. Umupo na ako sa tabi ni kuya, di ko magawang tingnan ang mga ito dahil baka magkrus ang mga tingin namin ni Sebastian.
Kase naman bakit sa lahat ng kaibigan ni kuya si Sebastian pa yung pumunta sa kwarto ko para tawagan ako.
"Right time sis, kakahain lang din nila manang ang pagkain akala ko tulog kapa nung tinawagan kita"
Napatingin ako kay kuya, pero di ito nakatingin sa akin dahil busy ito maglagay ng kanin sa plato nito.
Napakunot ang noo ko sabay tingin sa direksyon kung saan si Sebastian, busy ito nakikinig kay Carter.
Napailing ako sa iniisip ko.
Kumuha nalang ako ng makakain ko, mas mabuting mapadali akong matapos kumain para maiwan kona sila dito.
Habang kumakain ako nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila.
Himala nga about school pinaguusapan nila o sadyang ayaw lang nila na marinig ko ang tungkol sa gangster na yan.
Ilang minuto tumayo si Franky para sagutin yung tumawag dito.
Ilang minuto rin ang nagdaan tapos na ako kumain, tumayo na ako at nagpaalam na ako kay kuya na aakyat na sa kwarto.
Ilang hakbang palang nagagawa ko ng magsalita si Franky.
"What is your connection to Tessa?"
Napalingon ako dito, nakatingin ito kay kuya si kuya ata yung tinatanong nito.
"Wait. Do you mean Theresa Alvarez?" Tanong Carter kay Franky.
Tumango ito, at sabay sila ni Carter at Sebastian napatingin kay Kuya. "Siya ba ang rason kung bakit parati kang wala?" Tanong ni Sebastian kay kuya in a serious tone.
Napayuko si kuya.
Sabay silang tatlong napailing " I heard Edward is Back." Franky.
Lumingon si kuya sa akin ng makita niya ako taranta itong tumayo at lumapit sa akin.
Hinalik niya ako sa noo "Matulog kana at maaga kapa bukas."
Kaya wala akong magawa kundi umakyat na ako patungo sa kwarto ko, anong meron sa Tessa na yan kung bakit naging seryoso ang mga ito? Yung maiksing salita lang binibitawan nila pero nagkakaintindihan parin sila kaya wala ako masyado na gets sa pinaguusapan nila.
Napailing nalang ako pumasok sa kwarto.
★
Di nagmeet yung first subject namin kaya naisipan namin kumain muna sa cafeteria.
"Ang lalim ng iniisip natin uh?" Michelle ask ng ilapag niya ang tray ko.
I sigh. "May kilala ba kayong Tessa?"
Sabay silang dalawa umiling. "Eh Edward may kilala kayo?"
"Yes. Why?" Amy.
"Ano meron kay Edward?"
"Basta may kilala akong Edward dahil narinig ko ito sa kuya Kianno mo noon, kailangan nilang protektahan sila Vince at Jacob. You know Vince and Jacob? Kagrupo din yan nila Kianno sadyang ibang school ang mga ito kaya di lang sila apat kundi anim."
"Amy, pito kaya sila."
Umiling ito. "Anim lang sila dahil di kasali si Klein sa grupo nila noon dahil hindi ito gangster. Naging gangster lang si Klein nung namatay yung kakambal nito na si Kianno."
Napatingin si Michelle sa akin."Di mo alam?"
Umiling ako "Remember, lumaki ako ng di sila kasama kaya paano ko malalaman? At bakit kailangan nilang protektahan sila Vince?"
"Because they killed his bestfriend and it was a self-defense dahil sa maling akala. Akala kase ni Edward na may namamagitan sa girlfriend nito at si Vince. Edward was too obsessed to his girlfriend ni walang pwedeng tumingin dito o kumausap man lang dahil kung sino man ay sasaktan niya ito."
"Damn. Creepy." Takot na sabi ni Michelle. "Kung magkakaboyfriend man ako sisiguraduhin kong mas mahal ko ito kase ayoko ng obsessed na guy, toxic ang mga yan."
"Then what happen?" Curious kong tanong.
"Nakita niya si Vince na buhat-buhat nito ang girlfriend nito habang si Jacob naman nasa tabi ni Vince nakaalalay. Sinugod nila sila Vince inagaw agad nito ang girlfriend nito at sabi ng kuya mo pinalibutan daw sila ng mga ito take note huh dalawa lang sila Jacob at Vince sa araw na yun. May binulong yung Edward sa bestfriend nito at gulat nalang sila Vince na naglabas ito ng kutsilyo at palapit ito sa kanila para saksakin si Vince pero napigil ito ni Jacob dahil nahawak nito ang kamay ng bestfriend nito kaso kay Jacob na nakaharap ang kutsilyo,pwersang ibinaling ni jacob ang kutsilyo dito hanggang di niya namalayan sa pwersa nito nasaksak na niya pala ang bestfriend nito sa dibdib."
"Omygosh." Michelle.
"At nakakuha sila ng timing para makatakas nung abala silang tulungan ang kaibigan nilang nag aagaw buhay."
Di ko akalain na sapag tira ko sa probinsya madami na palang hinarap na problema sila kuya.
"Wait. Bakit nila buhat buhat ang girlfriend nito?" I asked.
"Tinulungan nila ito dahil mataas pala ang lagnat nito at madaming bugbog, kaya nakita nila Vince na nakahandusay na ito sa daan kaya di sila nagdalawang isip na tulungan ito."
Napailing ako. "Hindi ba sumagi sa isip niyo na baka si Edward ang pumatay kay Kuya Kianno for revenge?"
Umiling si Amy. "Dahil sa ilang weeks na hinanap nila sila Vince may nangyari kay Edward, na aksidente ito at kailangan dalhin ito sa ibang bansa para gamutin. Kaya alam kong di siya ang pumatay sa Kuya mo dahil di nila alam na si Kianno pala ang nagtatago kila Vince for short di niya kilala kuya mo."
"Dahil sa maling akala nangyari ang di dapat mangyari. Wait. Bakit mo pala tinanong ang tungkol kay Edward?" Tanong ni Michelle sa akin.
"Oo nga." Amy.
"Narinig ko kase sila Kuya nag uusap at nasali ang pangalan ni Edward. But thanks to you Amy may mga nalaman ako tungkol sa kanila at sa kapatid ko."
"Just ask me basta sasagutin ko lang yung mga alam ko at huwag mong hahayaan na malink kuya mo sa Edward na yan. Nakakatakot siya maging kaaway yan ang nalaman ko noon sa kuya mo, dahil wala itong takot pumatay."
★
Nakasalubong ko si Sebastian na kasama si Rebecca at kila kuya. "Sis, pauwi kana?" Tumango ako. "Sumabay kana sa amin."
"No way." Inis na sabi ni Rebecca.
"Shut up!" Inis na sigaw ni Sebastian dito.
"Thanks but im fine, kasama ko sila Michelle at may dadaanan pa kase kame." Pagsisinungaling ko.
Tumango si kuya. "Just call me if you need me okay?"
At nagsimula na sila maglakad "Bakit kase kailangan mo pa isama si Rebecca?"
Rinig kong tanong ni kuya bago sila nakalayo sa akin. Napailing ako, ayoko naman kase sumabay pag andun si Rebecca lalo na't andun si Sebastian magiging impyerno lang ang paligid pag nagkataon.
Nagpasundo na ako kay Manong, mga ilang minuto lang kame sa daan at nakarating na kame sa bahay.
Sabay pa kame ni kuya dumating. "Akala ko may dadaanin kapa?"
Tanong nito nung bumaba ito sa sasakyan napatingin muna ako sa kotse nito at mag isa lang ito. "Kase may emergency si Michelle kaya di kami natuloy."
Tumango lang ito sa sagot ko, sabay na kame pumasok sa loob ng bahay.
Himala maaga ito umuwi galing school.