Celestine
Paguwi ko kanina di na ako lumabas ng kwarto kinulong ko ang sarili ko sa kwarto ko. Buti nalang mga katulong lang nandun.
NAPATINGIN ako kung anong oras na, gabi na pala. Ilang oras pala ako nagkulong sa kwarto, tumayo ako at nagtungo sa salamin kita parin yung pamumula ng pisnge ko dahil sa malakas na sampal ni Rebecca.
Naalala ko tuloy si Sebastian, naguguluhan ako kung bakit andun siya sa waiting area. At kung bakit pinigilan niya ako? Napailing ako.
"Celestine!!!!!!"
I sigh ng marinig ko ang boses ng magaling kong kapatid.
"Buhay ka pa pala?"
"Hindi ako nakikipagbiruan, I wanna see your face! Dahil gagawin ko din yung ginawa nila sayo, higit pa sa ginawa nila sayo!"
Nataranta akong buksan ang pinto "Stop! Di niyo ba naiisip dahil sa ginawa niyo mas lalo akong napapahamak? Kaya pwede ba huwag niyo na pakealam ang buhay ko." Inis kong sabi dito.
"I just want to protect you."
"Protect? You want to protect me?" Tumawa ako saglit pagkasabi ko nun. "Why can't I find you when I need you? Why is Sebastian the one who appears every time someone bullies me? Why not you? Am I not important to you, Kuya? I need you but you are always gone! Then now you will show that you seem concerned? It's too late!" Naiiyak kong sabi.
"What's going on here?" Nagulat kaming dalawa sa pagsulpot nila mama sa likod nito.
Pinunas ko agad ang mukha ko gamit ang kamay ko dahil sa pagiyak ko.
Napakunot noo sila ng makita ako "What happen to your face?!" Galit na tanong ni Daddy. "Klein! Ano nangyari sa kapatid mo!!?"
"Wala ito, Pa." Pagsisinungaling ko.
"Someone's bullying her at school."
"Kuya!" Inis kong sigaw dahil nilaglag niya ako.
"Ano!? Bakit di mo sinabi sa amin Celestine? Bakit sa ganitong paraan pa namin dapat malaman. We asked you right? If someone bullies you, but you say nothing." Galit na sabi ni mama.
"Because I know you will react like this. I'm not a child anymore, Ma. For me to report to you those who are bullying me, because then you were no longer by my side when I needed you. So I was able to stand alone without you. "
Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Mama. "How can I protect you if you are with your grandmother-"
"Because you gave me to them, I grew up without you by my side. So I'm used to not telling you what's going on in my life. All this time I grew up without you in my life-" naiiyak kong sabi
"That's for your own good. So it would be better for you to live there with your grandmother, because it is too chaotic here. You are my only daughter so we want to protect you. I'm sorry if that's how you felt when you lived there because we really want to be with you but we are always not here so how can we guide you?."
"But you didn't even call or even visit, so what do you expect me to feel? Because you seem to have forgotten me." Napaluhod ako dahil nanghihina na ang mga tuhod ko. Inalalayan agad ako ni Kuya napahagugol na din ako dahil nalabas kona rin yung sakit na noon ko pa kinikimkim.
Lumapit sila papa at mama sa akin napaluhod na din sila sa harap ko. Niyakap nila ako ng mahigpit "Sinubukan ka namin kunin sa lola mo pero di siya pumayag. Masakit sa amin bilang isang magulang na pinagdamot ka nila sa amin di naman namin inasahan na mahahantong kame sa ganun. Di ko masisi ang lola niyo sa ginawa niya dahil all this time galit parin siya sa akin dahil para sa kanya inilayo ko ang mommy niyo sa kanila." Explain ni Daddy sa amin.
Napatingin ako kila mama na umiiyak na rin, pinunasan ni mama yung mukha ko dahil sa mga luha ko "I'm sorry because I made you feel like a worthless parent"
Nag group hug kame "It's OK. Because somehow you also released the weight you were carrying in your heart before and we removed the misunderstanding" sabi ni mama sabay ngiti.
★
Sebastian and I crossed paths, I immediately avoided him
ARAW-araw yan ang gawain ko kada magkita kame sa isang lugar magkrus ang mga landas namin dahil dun di na ako binuhully nila Rebecca.
Napansin ko din na di na nila kasama si Amy baka nga di na muli sila nagsama nung araw na pinili akong kampihan ni Amy kesa sa mga kaibigan nito.
Sa bahay nalang din kame nag uusap nila kuya pagdating sa school para kaming mga strangers, dahil sinusubukan kong umiwas sa gulo at naiintindihan yun ni Kuya.
Nagpaalam ako kay Michelle na pupunta ako sa library eh hate niya ang libro kaya di daw siya sasama kaya ako nalang mag isa pumunta sa library.
Mas lalo kame naging close ni Michelle di ko nga akalain na magkakaroon agad ako ng kaibigan sa paglipat ko dito.
Nakahanap na akong book na kailangan ko kaya naghanap na ako ng table ng mapansin ko si Amy mag isa lang ito.
"Hi." Nahiya kong bati.
Lumingon ito sa akin ng makita ako bigla nagkaroon ng ngiti sa mga labi nito. "Hi." At nag alok siya ng upuan na sa tabi niya kaya umupo na agad ako.
"Bakit di mona sila kasama?" Tanong habang hinahanap ko yung page na dapat basahin ko.
"Matagal ko ng gusto kumawala sa grupo nila, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil natatakot ako noon mawalan ng kaibigan."
"Di ba nagagalit si Kuya Kianno na sila kaibigan mo?"
Umiling ito "Basta di ako kasali sa pagbully sa mga studyante. Mabait na kaibigan si Rebecca pero masama ugali niya pag dating sa iba."
Tumango-tango ako "I see."
"Bakit di mo kasama si Michelle ngayon?"
"She hates book. Kung gusto mo sa amin kana lang sasama?"
She smiled at me "Okay lang ba? Baka magalit si Michelle."
"Sus. Di yun, basta simula ngayon sa amin kana sasabay."
Masaya itong nakatingin sa akin. "Thank you"
★
Pinakilala ko muli si Michelle at Amy sa isa't-isa ika nga para sa bagong simula.
Masaya kameng tatlo kapag magkasama kame at buti nalang di nagalit si Rebecca ng makita niya na kasama na namin si Amy.
Free time namin ngayon kaya nagkekwentuhan lang kame sa isang open field dito sa loob ng University.
Lumingon si Michelle sa akin. "Anyway, di mo parin ba nakikilala ang kuya ko?"
Umiling ako. "Sabagay magkalayo ang building natin sa kanila."
"Ano ba course ng kuya mo?"
"Business Ad."
"Oh."
"Baka siya na yung the one mo, Cj." Biro ni Amy sa akin.
Cj na rin tawag nila sa akin, nahihirapan daw sila sa Celestine masyadong mahaba.
"Naaaa. Wala ako oras sa mga ganun."
Sinindot ako sa tagiliran ni Michelle "Weh baka may iba kang natitipuhan?" Ngisi nitong sabi.
Umiling ako habang tumatawa panay kase kantyaw nila sa akin.
"Wala nga."
Tumawa sila na parang di naniniwala.
"In denial." Sabay pa nilang sabi.
Napailing nalang ako.
Napatingin si Michelle sa phone nito "Di daw magmeet si Prof." Sabi niya sa amin.
Masaya kame ni Amy ng marinig namin yun. "Haaaay makauwi na nga at ako'y magbeauty rest." Sabi ko.
Tumawa sila sa sinabi ko. "Kailan ba kayo pupunta sa bahay ko at makapagbonding tayo?" Nagtatampo na sabi ni Michelle sa amin.
"Soon." Natatawa kong sabi.
Sumimangot ito. "Promise next time." -Amy.
Pagdating namin sa parking lot ng school namin nagpaalam na kame sa isat-isa. Nilibot ko ang mata ko kaso di ko nakikita ang kotse na gamit ni Manong.
I tried to call Manong Ben kaso cannot be reached. Then I tried to call Klein cannot be reached din.
Kaya naglakad na ako palabas ng school, pagdating ko sa waiting area wala gaano taxi dumaan minsan may mga pasehero na ito.
Kaya naisipan ko maglakad hanggang sa makahanap ng taxi.
Busy ako sa phone habang naglalakad ng maramdam ko dahan-dahan akong nililibutan ng kalalakihan.
Parang mga gang-street ang mga ito, nagpanggap akong busy sa phone pero ang ginagawa ko ay idial sila kuya o si Manong Ben kaso cannot be reached parin.
Naramdam kong lumapit na sila sa akin.
"Himala may magandang binibini na padpad dito sa lungga namin" sabi nung kasama nito.
Parang gusto nila ako kainin ng buhay, kinabahan ako ng tingnan nila ako mula ulo hanggang - paa.
"Hoy!" Napalingon ako sa isang lalaking sumigaw. Napalingon narin ang mga kalalakihan dito, nasa isang eskinita na pala ako ng di ko namamalayan.
Dahan-dahan itong lumapit sa amin at nung nakalapit na ito hinawakan nito ang kamay ko. Nagulat naman ako sinubukan ko sana tanggalin ang pagkahawak nito kaso mahigpit ang pagkahawak nito sa akin.
"Dude, wag ang girlfriend ko." Sabi ng guy na sumigaw kanina. Tiningnan niya ako sabay kindat, napakunot noo ako sa ginawa niya.
Napatingin ako dito mula ula hanggang paa parang di naman ito mukhang tambay kase ang linis ng mukha at ang pananamit nito. At ofcourse ang gwapo niya pero mas gwapo si Sebastian.
Napatigil ako sa pag iisip dahil pati si Sebastian nasagi nalang sa isip ko.
Tumawa ang mga lalaki "Papakawalan namin kayo, kung makatakas kayo ng buhay dito."
Napatingin ang guy sa akin at nginitian niya ako. "Ready?" Bulong ng guy sa akin
Napakunot noo ako sa sinabi nito dahil di ko ito naintindihan kung ano pinapahiwatig nito.
Ilang segundo sila nagkatinginan ng mga kalalakihan, ng magsalita na sana mukhang leader ng mga ito kaso bigla muli sumigaw ang guy na katabi ko.
Kaso napalaki ang mga mata ko ng magets ko yung sigaw nito. "TAKBOOOOOOO!"
Di ko napansin napasabay na din pala ako sa pagtakbo dahil sa paghila nito sa akin. Takbo kame ng takbo ito din guy na humila sa akin tumatawa habang tumatakbo kame.
Nang mapansin namin nakawala na kame sa mga ito at huminto na kame.
Pareho kame hingal na hingal. "Gago ka, akala ko pa naman kaya mo silang labanan."
"Your welcome." Nakangiti nitong sabi.
"Salamat. Kahit pinagod mo ako sa kakatakbo."
"Di naman kase nila sinabi na magsuntukan kame ang sabi nila kung kaya natin makatakas ng buhay."
Napailing ako habang nakangiti dahil napabilib din ako sa isip nito. "Thank you." Pag uulit ko.
"Naaaa. Wala yun - teka bakit nakarating ka lugar na yun?"
Napakagat ako ng labi. Sasagot pa sana ako kaso nagsalita ito muli "Atleast safe ka, okay na yun. Anyway my name is Lennon." Sabay lahad nito ng kamay niya.
Tinanggap ko ang kamay nito "Celestine Joanne. Cj for short."
"Pagabi na, you need to go home. Next time make sure may kasama ka at mas mabuti ng di ka naglalakad mas safe yung magtaxi kesa maglakad." Sabi nito ng di naaalis ang mga ngiti sa mga labi nito.
Pumara ito ng taxi, pinagbukas niya ako ng pinto ng huminto ang isang taxi sa amin.
"Hope to see you again." Sabi nito.
I smiled at him. "When that happens, then I will count you as one of my friends." I replied
"Deal!"
Nagpaalam na ako pagkasakay ko, I waved at him as the driver started the car.
He waved back.
I sigh. So thankful dahil dumating si Lennon sa araw na kailangan ko ng tulong. Akala ko katapusan ko na, napailing ako di ko talaga akalain ang biglaang pangyayari. Next time di na ako maglalakad baka mangyari ang nangyari ngayon hindi parati andyan ang isang Lennon para sagipin ako.