Episode 1
Zyron was busy to sign some paper on his table when his phone rang. Hindi niya tinitingnan kung sino ang tumatawag basta nalang niya itong sinagot.
"Yes. Zyron Guttierres speaking?" saad niya sa kabilang linya.
"Koleen Garcia." maarteng sagot ng nasa kabilang linya.
Ramdam niya ang inis ng nasa kabilang linya dahil padabog niyang sinagot ang tawag nito.
"Siguro may kasama ka diyang ibang babae kaya hindi mo tinitingnan kung sino ang tumatawag sa'yo? Siguro mas mabuting maghiwalay nalang tayo para hindi na ako nakakasagabal sa iyo." naiinis na saad ni Koleen ang kaniyang long time girlfriend.
"Babe busy lang ako kaya hindi ko tiningnan kung sino ang caller." paliwanag niya sa tupakin niyang girlfriend.
"Wala akong pakialam. Basta maghiwalay na tayo tapos ang usapan." Saad nito saka siya binabaan ng tawag.
Sinubukan pa niyang kontakin ito pero out of coverage na ito. Saglit pa ay tumunog na naman ang kaniyang cellphone. Inis niya itong sinagot.
"Okay. I'm giving you a time. But please don't break-up with me." malakas niyang sigaw sa kabilang linya.
Tumawa naman ang nasa kabilang linya. "Anak huwag muna siyang habulin ayoko sa kaniya. Marami pa naman diyang ibang babae. Iyong kasundo ko at mabait. Maarte na pangit pa “ paliwanag ng ina niya. Na siya palang tumatawag.
Mahirap ang relasyong napasok ko dahil hindi magkasundo ang Mommy ko at ang mahal kung girlfriend.
“Anak kailangan mong umuwi dito dahil magkikita kita ang mga kamag—anakan at kapamilya natin dito sa bahay. Inaasahan Kita.”
“But Mom I’m busy-“ mabilis siya nitong binabaan ng tawag. Ganito ito kung magtampo. He try call her but out of coverage area din.
Mahirap pala talagang pumasok sa isang relasyon na hindi sang-ayon ang mga magulang mo. Mahirap harapin.
Napahilot nalang siya sa kaniyang sentido upang kahit paano ay makalma siya.
He try to call her girlfriend again. “Babe hindi tayo matutuloy sa Paris dahil pinapauwi ako ni Mom sa bahay.”
“See. Mas mahalaga pa sa’yo ang masama mong ina kaysa sa girlfriend mo.” Naiinis na saad nito.
Doon uminit ang ulo niya. “Babe kung naiinis ka sa akin sa akin lang dapat hindi iyong idadamay mo pa si Mommy.”
“Maghiwalay na tayo.” Padabog na saad nito saka pinatay ang tawag.
Sanay na siya sa ugali ng kasintahan. Kapag may gusto ito at hindi kaagad niya naibigay ay laging iniimik nito ay mas mabuting maghiwalay nalang tayo. Kaya hindi na siya bago dito.
Koleen is a nurse pero kung umasta ito ay unprofessional. Imbes kasi na ito ang umintindi ng ugali ng isang pasyente ay ito dapat ang iintindihin.
Mahirap timbangin ang sitwasyon ngayon dahil nangako siya kay Koleen na magba bakasyon sila nito sa Paris pero tumawag ang ina niya at pinauuwi siya.
Kahit anong galit ng girlfriend niya wala itong magagawa sa desisyon niyang umuwi. Pagkatapos nalang niyang ayusin ang tampo ng Mommy niya saka niya aayusin ang problema nila.
***
Tumaas ang kilay ni Rhiane ng tumawag na naman ang Mama niya. Pinipilit kasi siya nitong umuwi ng Philippines kasama nito pero busy kasi siya sa company ng papa niya. My father died 5 months ago, plane crash. Sumabog ang eroplanong sinasakyan nito pauwi dito sa France, gusto niyang maging maayos ulit ang Mama niya kaya binigyang suggestions niya ito na umuwi muna ng Pilipinas kela Ninang Aileen. Kaso ang problema ayaw umalis ng hindi soya kasama.
“Okay. Mama sasama na ako pauwi ng Pilipinas tatapusin ko lang ang mga dapat tapusin ok?”
“Salamat anak. Sige igagayak ko na ang mga damit mo.” excited na saad nito.
Nakagayak na ang mga damit nito noong isang linggo pa. Siya nalang iyong iniintay nito.
“Mama kailan ba ang flight natin?”
“Ngayong araw kaya bilisan mo ang kilos mo diyan ok. Pagkatapos ng trabaho deretso agad dito sa bahay ng makaalis na tayo.”
Sa pagiging excited ng boses nito para bang may plano ito na dapat siyang kabahan. Pero binalewala lang niya ang kabang naramdaman.
Tumaas ang kilay ni Rhiane ng sabihin ng piluto na malapit ng lumapag ang sinasakyan nilang eroplano. Seriously kung hindi lang niya mahal ang ina niya ay mag papaiwan talaga siya sa France. Gusto din kasi niyang makalimot ang ina sa mga alaala ng yumao niyang ama kaya sumama siya. Gustuhin man niyang magpaiwan pero ang sabi ng kaniyang mahal na ina ay hindi daw ito aalis sa oras na magpaiwan siya. Kaya ngayon ay andito siya sa loob ng eroplano kung saan ay nakasimangot siya.
“Try to smile Rhiane.” naiinis na saad ng aking ina.
She smiled to her mother. “Hmm. Like this?”
Her mother looked annoyed. “How about genuinely smile.”
“Mama don’t force me to smile.”
“Anak try to smile baka sabihin ng mga makakasalubong o makakakita sa’yo sabihin mataray ka.” Paliwanag ng ina niya habang na nanalamin.
She smiled. Talo pa siya ng ina dahil ang ina niya ay mahilig maglagay ng kolorete sa mukha samantalang siya naman ay lipstick at pulbo lang. It’s not she didn’t want, sadyang tinatamad lang siya mag-ayos ng mukha niya.
“Anak kapag nakababa na tayo kailangan tagalog ang gamitin mong lengguwahe ha.” Utos nito habang tumayo na at inaasikaso na ang mga dala nilang mga maleta.
Sumunod siya dito ng lumabas na ito sala sila nagtungo sa exit ng nakuha na nila ang lahat ng dala nilang gamit.
Pagkatapak ng paa niya sa labas ng airport ay nahagip ng mga mata niya ang karatulang may nakalagay na ‘Aimee& Rhiane Lyn welcome back’ mabilis niyang kinulbit ang ina niya ng makita niya ang karatula.
“Mama looked.” Utos niya sa ina, mabilis ang paglingon nito sa itinuro niya at agad siyang hinigit palapit sa mga ito.
“Aileen kamusta kana? Ito naba inaanak ko si Zyron?” tanong ng ina niya sa kausap na ginang.
“Oo. Teka si Rhiane ba iyan ang ganda.” nahihiya siya sa papuri nito lalo na ng maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya. Inilibot niya ang paningin at tumigil iyon sa lalaking katabi ni Ninang Marian.
“Anak si Zyron iyan ang anak ni Ninang Marian at Ninong Rusel mo.”
Tumango siya sa paliwanag ng ina. “Anak ito si Ninong Rusel at Ninang Marian mo.” Nakipagbeso beso siya sa mga ito. “At ito si Zyron.”
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin kung makikipag beso ba soya o handshake nalang.
Naramdaman siguro nitong hindi niya alam ang gagawin kaya inilahad nito ang kamay.
“Zyron Guttierres.” Pakilala nito habang nakalahad parin ang kamay. “You’re ahm?”
Tinanggap niya ang kamay na nakalahad nito. “Rhiane Lyn nice to meet you Zyron.”
His handsomeness couldn’t be compared to a model that can make a woman drool in just a simple smile.
Habang naglalakad na silang lahat papunta sa parking lot ng airport panay naman ang kamustahan ng kani-y mga magulang.
“Rhiane kay Zy ka nalang sumabay. Dito nalang ako kay Ninang Marian at Ninong Rusel mo sasabay.” Hindi pa man siya nakakasagot ay nakasakay na ang mama niya sa sasakyan nila Ninang Marian niya.
Heto na naman ang kabang naramdaman niya. Para bang may plano talaga ang ina niya na labag sa kalooban niya.
Wala na siyang nagawa dahil gustuhin man niyang mag taxi ay hindi naman niya alam kung saan dila dapat pupunta.