bc

Andriano's Fat Baby

book_age12+
7.2K
FOLLOW
43.9K
READ
love-triangle
age gap
second chance
drama
betrayal
cheating
weak to strong
chubby
affair
shy
like
intro-logo
Blurb

Patti Garcia is a fat young woman who is married to Andriano Villafuerte, a wealthy businessman. While she believed she had finally found her fairytale-like love story, she discovers that not all fairytales have happy endings.

She suffered a miscarriage and found out that her husband was having an affair. When she chose to leave him, a series of tragic events happened. Her father died of a heart attack, and she was involved in an accident.

A few days later, she woke up with a man offering her a deal in exchange for her revenge. She returned three years later as Tricia Silvantes, a seductive and fierce model.

Will she be able to exact her vengeance? Or will she fall victim to Andriano's temptation?

chap-preview
Free preview
Chapter One
MALALAKI ang subong ginagawa ng dalawampu't isang taong gulang na dalagang si Patti habang nakaupo sa hapagkainan at nag-aagahan. Sarap na sarap siya sa kinakaing longganisa, itlog na maalat, kamatis at sinangag na luto pa ng kaniyang pinakamamahal na itay. "O, anak! Hindi ka pa pala tapos? Aba, kanina ka pa kumakain diyan, ah? Mahuhuli ka na, anak," untag ni Miyong, ang itay niya habang may pagmamadali nitong inilapag sa lamesa ang isang malaking crock pot na pinaglalagyan ng niluto nitong ulam para sa kanilang karinderya. Sumimangot si Patti habang nginunguya ang isang buong longganisa sa loob ng bibig. "Itay, kinakabahan ako." Natigilan sa pagsasandok ng adobong manok si Miyong at natuon sa kaniya ang atensiyon. "Aba'y, bakit ka naman kakabahan? Anak, matalino ka. Kayang-kaya mo iyan!" Muling sumubo ng kalahating longganisa si Patti at isang slice ng kamatis. "Hindi naman ako kinakabahan dahil doon, itay." Inabot niya ang malamig na tubig sa tabi ng sariling plato at ininom iyon upang itulak sa lalamunan ang mga pagkain laman ng bibig. Halos mabilaukan pa siya matapos maubos ang tubig. Muling huminto sa ginagawa si Miyong, may hinala na ito kung ano ang tinutukoy ng anak. Iniwan nito ang ginagawa at lumapit sa silyang kinauupuan niya saka siya inakbayan sa balikat. "Anak, huwag mong intindihin ang mga bata! Kapag may nanukso sa iyo, batukan mo!" "Itay naman!" kunot ang noong dabog niya at muling kumuha ng longganisa saka sumubo. Natawa naman si Miyong. "Joke lang iyon, anak! Basta, huwag mo na lang silang intindihin. Ang mahalaga, magawa mo nang maayos ang demo mo." Umupo ito sa tabi niya at malapad na ngumiti. "Hindi ba't pangarap mo iyan? Ang makapagturo ka sa eskuwelahan kung saan ka nagtapos?" Tumigil siya sa pagkain at hinarap ang ama. Ngumiti siya rito saka tumango ng ilang ulit. Pinagsalin naman siya ng tubig ni Miyong sa walang laman niyang baso. Nakatitig ang lalaki sa kaniya habang inuubos niya ang natitirang tatlong longganisa sa plato niya. "Anak, tama na iyan. Baka hindi ka na makahinga." "Itay, naman, e!" Muling nagsalubong ang dalawang kilay niya. "I hate you na talaga! Isa na rin kayo sa mga nanunukso sa akin!" Malakas na tumawa ang itay niya sa narinig. Inirapan niya naman ito. Lagi siya nitong binibiro nang ganoon, lalo na kapag napapabayaan siya sa lamesa. Pagsapit ng alas-siete y medya, tumayo na siya at kinuha ang maliit na sling bag sa ibabaw ng mesa. Tumungo siya sa pinto ng kanilang bahay na nasa harap lamang ng hagdan paakyat sa pangalawang palapag ng kanilang bahay. Nakasunod sa likuran niya si Miyong bitbit ang isang envelope bag. "Basta, anak. Galingan mo, ha? Make us proud, anak!" anito at hinalikan pa siya sa pisngi. Mahigpit siya nitong inakbayan habang nakakuyom ang kamao sa ere at tsini-cheer siya. Ngumiti siya nang malapad bago tinanggap ang envelope bag. "Oo na, itay! Paulit-ulit ka naman!" sinundan niya ng tawa ang sinabi. Tuluyan na siyang lumabas ng kanilang bahay at kumaway pa sa ama bago humakbang palayo. Dala ang transparent school envelope bag sa isang kamay na naglalaman ng materials na gagamitin para sa kaniyang demo, nakangiti niyang binagtas ang kahabaan ng kalsada papunta sa eskuwelahang pagde-demo-an niya. Sa bayan ng Amadeo, Cavite, halos magkakakilala na ang mga tao dahil sa liit ng lugar nila. Walking distance lang din ang paaralan mula sa kanilang bahay kaya hindi na siya nag-abalang sumakay ng motor. Halos limang minutong lakaran lang kasi ang kailangan niyang lakarin. Buong oras ng paglalakad ay nakababa lamang ang kaniyang tingin. Iniiwasan niyang makipag-eye contact sa ibang tao, lalo na sa mga bata dahil baka kutyain siya ng mga ito. Paano ba naman, nakasuot siya ng white blouse at black slacks na fit na fit sa kaniya. Aba'y halos pumutok na ang damit na suot niya sa laki ng kaniyang bilbil. Mabuti na lamang at may dala siyang envelope bag kaya kahit papaano, naitatago niya ang mga fats niya sa pamamagitan ng pagyakap sa bag sa harap ng kaniyang tiyan. Ang mahaba naman at bagsak na bagsak niyang buhok ay hindi na niya itinali upang matakpan nang bahagya ang kaniyang mukha. Bago marating ang eskuwelahan, madaraanan niya ang isang talyer na may katabing sari-sari store na pagmamay-ari naman ng matandang babae na si Lola Basha. Kakilala ito ng itay niya at madalas, tumatambay siya sa tindahan nito upang makipag-chikahan. Pero nang mga sandaling iyon, wala siyang balak makipagkuwentuhan sa matanda dahil sa natatanaw niya. May isang magarang itim na sasakyan ang nakaparada sa tapat ng talyer at may dalawang lalaking nag-uusap sa tabi nito. Mukhang mayaman ang mga ito dahil sa suot nila. Ang isa ay naka-amerikana habang ang kausap naman nito ay nakabarong. Nakuha ng lalaking naka-amerikana ang atensiyon niya. Matikas ang tindig nito at kahit pa nakagilid at hindi niya makita nang gaano ang mukha, masasabi niya agad na magandang lalaki ito. Nang mabaling sa kaniya ang paningin ng binata ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Binalak niyang lumipat sa kabilang kalsada upang maiwasan ang mga ito, ngunit nang makita ang ilang mga kabataang lalaki roon ay binawi niya ang balak. Dumiretso siya ng lakad habang nakababa ang tingin. Nang malapit na sa talyer ay mas binilisan pa niya ang mga hakbang. Ngunit nang matapat siya sa lalaking naka-amerikana, halos mamilog ang mga mata niya nang bigla itong humarap at pasadya siyang banggain. Hindi naman ganoon kalakas para masaktan siya, pero sapat para mawalan siya ng balanse. Tila nag-slow-mo ang paligid. Kitang-kita niya ang sementong daanan na babagsakan niya ngunit mabilis siyang nahawakan ng lalaki sa kamay at sa kanyang baywang. Nabitiwan niya ang hawak na envelope bag at maliit niyang sling bag nang pumulupot sa leeg nito ang dalawang kamay niya. Isa, dalawa, tatlo. Hindi na niya mabilang kung ilang segundo niyang tinitigan ang dalawang pares ng kulay itim na mga mata ng lalaki. Ngunit nang mapansin niya ang bigla nitong pamumula, na tila ba nabibigatan sa kaniya, mabilis niyang naalala ang posesiyon nila. Agad siyang tumayo at natatarantang pinulot ang mga gamit niyang nahulog. Akmang pupulutin pa ng binata ang maliit niyang sling bag ngunit mabilis niya itong inagaw. Niyakap niya sa tapat ng dibdib ang mga gamit at matalim na tinitigan ang lalaki. Walang emosiyon ang mukha nitong tumitig pabalik sa kaniya. Subalit nang mapansin nito ang masama niyang tingin ay tila natigilan ito. Alam niyang sinadya ng lalaki na patirin siya. Nakita niya ang pasimpleng paggalaw ng paa nito nang mapatapat siya rito. Gustuhin man niyang awayin ang binata. Dahil sa nararamdamang pagkapahiya, lalo pa't nasa kanila ang atensiyon ng mga tao sa paligid, pigil ang sariling humakbang siya palayo rito. Malakas ang kabog ng kaniyang puso. Para iyong nakipagkarerahan sa mga kabayo. Pakiramdam pa niya ay nahihirapan siyang huminga. At sa pagkakataong iyon, alam niyang hindi ito dahil sa katabaan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.3K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook