Chapter Three

1162 Words
MALAPAD ang ngiting lumabas ng silid na pinag-demo-an nito si Patti. Na-assign siya sa unang section sa grade 6 kaya kahit papaano ay hindi siya nahirapan sa mga bata. At mukhang mababait din ang mga ito dahil buong oras ay nakinig lamang sila sa kaniya. Sasagot kapag tinatawag o tinatanong, at kapagkuwa'y tatahimik na naman kapag nagpapaliwanag na siya. Ayon sa mga gurong nag-observe sa kaniya, magaling ang ipinakita niya performance. Malaki raw ang tiyansa na matanggap siya roon dahil alumni siya ng eskuwelahan. Malaki ang ngiting lumabas siya ng gate habang yakap sa dibdib ang envelope bag. Kahit ang paki niya sa ibang tao ay nawala na sa nararamdamang saya. Sandali siyang dumaan at tumambay sa tindahan ni Lola Basha upang makipagkuwentuhan. Ibinalita niya rito ang mga nakuhang positibong komento ng mga guro sa demo niya. Tuwang-tuwa ang matanda sa maganda niyang balita. "Siya nga pala, Patti. Kanina dumaan ang anak ko sa karinderya ninyo. Aba, bumili siya ng mga lutong ulam para sa agahan namin. Kaysasarap talaga ng mga luto ng itay mo!" puri ng matanda sa itay niya. Bakas nga sa reaksiyon nito ang katuwaan sa mga lutong ulam na mabibili sa kanilang karinderya. "Siyempre naman, Lola Basha! Si Itay yata ang best cook in town!" natawa siya matapos ng sinabi. "Kaya pataba ka nang pataba, Patti! Dahil diyan sa itay mong masarap magluto." Natawa ang matanda nang makita ang mabilis na paglaho ng ngiti niya. Napalitan iyon ng pabirong pag-ismid. "O siya, lola, at ako'y lilisan na!" paalam niya rito bago nag-abot ng bente pesos para sa binili niyang sting red. Habang naglalakad pabalik sa bahay nila ay ninamnam niya muna ang biniling sting. Paborito niya iyon sa lahat ng soft drinks. Hindi lang siya madalas makainom dahil pinagbabawalan siya ng itay niya dahil sa mataas ang impeksiyon niya sa UTI. Malapit na niyang maubos ang sting nang bigla siyang matigilan sa natanas. May nakaparadang itim na kotse sa labas ng bahay nila. At kung hindi siya nagkakamali, ito ang kotseng nakita niya kanina sa labas ng talyer. Napaisip siya bigla kung bakit nakaparada ito sa tapat ng kanilang bahay. Kahit papaano naman ay may distansiya ang mga bahay sa lugar nila kaya masasabi niyang sa tapat mismo ng bahay nila nakaparada ang kotse. Agad na sumagi sa isip niya ang guwapong lalaki kanina na pasadya siyang binangga. Muli na namang naningkit ang mga mata niya. "Si Itay kaya ang sadya nila?" nasabi niya sa sarili. Nagmamadali siyang humakbang palapit sa gate nilang gawa sa kahoy. Hindi na niya pinansin ang lalaking nakasuot ng barong at nakasandal sa pinto ng kotse na biglang napatuwid ng tayo nang makita siya. Mabilis siyang pumasok ng gate nila at nagmamadaling pumasok sa loob. Kailangan niyang magsumbong sa itay niya. Hindi siya papayag na makapasok sa bahay nila nang ganoong-ganoon na lang ang lalaki. Matapos siya nitong banggain, malaya lang itong makakapasok sa pamamahay niya? Hindi! Hindi siya makapapayag! "Itay!" malakas niyang sigaw na ikinatigil ng pag-uusap ng dalawang lalaki habang nakaupo at nagkakape sa mesa. Nabaling sa kaniya ang atensiyon ng dalawa. Ang itay niya ay malapad na ngumiti saka tumayo, habang ang lalaking bisita naman nito ay bahagyang natigilan nang makita siya. Muli ay sinamaan niya ito ng tingin. "Anak! Naku, mabuti naman at narito ka na! Halika, ipapakilala kita kay—" natigilan sa pagsasalita ang lalaki nang makitang masama ang tingin niya sa binata. "O? Ano'ng nangyari sa iyo't nagmukha ka nang tigre diyan?" Mula sa lalaking nakaupo pa rin sa mesa at walang imik na nakatitig sa kaniya, binaling niya ang tingin sa sariling ama. "Ano'ng ginagawa ng lalaking iyan dito!" pabulong ngunit mariin niyang tanong. Itinaas pa ang isang kamay upang ituro ang binata. Nangunot ang noo ni Miyong. "Nagkita na pala kayo, anak?" Sa puntong iyon ay tumayo naman ang lalaki at akmang magsasalita. Bago pa man nito makapagsalita ng kung anu-ano ay agad na niya itong inunahan. "Itay, iyan ang bumangga sa akin kanina, e!" aniya at saka ito muling itinuro. Natigilan ang lalaki at ang kaniyang itay. Nagkatinginan ang dalawa at tila ba parehong nagulat dahil wala ni isa sa mga ito ang nagawang magsalita. "S-sandali. Miss, hindi ko sinasadya ang pagkakabangga sa iyo." "Anong hindi? Kamuntikan ko nang mahalikan ang semento, itay!" dagdag pa niya upang masigurong magagalit sa lalaki ang itay niya. "Nasalo ka naman agad ni Sir, miss!" biglang singit naman ng driver ng lalaki mula sa kaniyang likuran kaya nabaling dito ang paningin nilang tatlo. Inis na nilingon niya ito at pinamaywangan. "Kahit na! Sinadya niya pa rin iyon! Kitang-kita ng mga mata ko! Sinadya niya akong banggain!" Doon mas lalong natigilan ang itay niyang si Miyong. Tulala itong tumitig mula sa kaniya patungo sa lalaking hindi pa rin magawang magsalita. Sa pangalawang beses sa araw na iyon ay muling namula na tila kamatis ang buo nitong mukha. Binalingan naman niya ang ama at buong puwersang niyugyog ang balikat nito saka binulungan. "Itay! Wala ka man lang bang gagawin?" Sa takot naman ni Maui na sumama ang boss niya sa paningin ng taong pakay nito, muli siyang sumingit sa usapan ng mag-ama. "Miss, hindi naman sinasadya ni Sir, e. Ang mahalaga, nasalo ka niya!" "Tumigil ka!" "Maui, tama na!" Natigilan at nagkatinginan sina Patti at Andriano nang magsabay silang magsalita. Agad naman niyang inirapan ang lalaki. Hindi pa rin nawawala ang galit niya rito dahil sa ginawa nitong pamamahiya sa kaniya kanina. Ultimo ang good news niya sa ama ay nalimutan na niya. Maski ang bote ng sting na binalak niyang itapon sa daan bago makauwi ay nawala na rin sa isip niya. "A-anak, huminahon ka. Huminahon muna tayong lahat." Naningkit ang mga mata niya sa narinig na tinuran ng ama. "Itay, hindi n'yo man lang ba aawayin iyang lalaking iyan!" Muli niya dinuro ang binata na agad namang inilingan ni Miyong at mabilis na ibinaba ang daliri niyang nakaturo dito. "Anak, siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dati kong boss. Iyong madalas kong ikuwento sa iyo noong bata ka pa. Naaalala mo pa ba?" nakangiting tanong ng itay niya. Pumikit siya at ilang beses na umiling. "Ay, itay! Hindi ko iyan maalala at wala akong balak alalahanin!" "Pero, anak—" "No, itay! May kasalanan ang lalaking iyan sa akin!" Muli niyang nilingon ang lalaki at nakitang nakatitig lamang ito sa kaniya. Walang emosiyon ang mukha nito ngunit bawat galaw at kilos niya ay sinusundan ng lalaki. Nilapit ni Miyong ang mukha sa kaniya saka bumulong. "Patricia, anak, siya ang anak ni Sir Mariano. Iyong batang lalaking pinangarap mong pakasalan noon." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nilingon niya ang sariling ama at nakita itong tumango ng ilang beses. Nang muli niyang balingan ng paningin ang lalaki, unti-unting nagbalik sa alaala niya ang mukha ng batang crush na crush niya noon. "May importanteng sadya rito si Andriano, anak. Titira muna siya sa bahay natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD