Hindi ko alam kung bakit nagmamadali at hindi mapakali si Aizen. Hindi niya rin naman kasi sinabi kung ano ang dahilan kung bakit niya sinabing tatakas kami. “A-anong tatakas? Saan na naman tayo pupunta? Hindi pa ba tayo ligtas dito?” tanong ko sa kaniya. Ilang segundo kaming nagkatitigan pero agad naman niya siyang umiwas ng tingin at nilagpasan lang ako. “Uy! Aizen! Sagutin mo naman ang tanong ko!” ulit ko sa kanya habang sinusundan siya papunta kwarto. Hindi siya nagsasalita pero naka kuyom ang mga kamay niya na tila ba may kung ano ang nangyari sa pinuntahan niya. Napansin ko rin na may maliit na sugat ang kamao niya kaya kumunot ang noo ko. “Teka, anong nangyari sa kamay mo? May naka-away ka na naman ba?” Ang dami ko nang tanong sa kaniya pero wala ni isa ang nasagot niya. Aga

