“Hindi na ma’am. Okay na ako. Thank you! Ang sarap po ng mga luto niyo! Paturo naman! Para alam mo na, pag naka alis na ako dito kay Boss ma-ipagluto ko naman ang girlfriend ko!” biro niya. Matapos ng maiksing pag uusap namin ni Troy ay agad na akong bumalik sa dalampasigan bitbit ang isang tasa ng kape. Malakas ang ang hangin kaya mabuti na lang at may dala akong jacket. Halos dito na ako naka tambay tuwing umaga at gabi kaya alam ko na ang klima. Alam ko na rin kung kailan ako magdadala ng jacket at hindi. Lumipas ang halos limang minuto, hindi na ganoon ka-init ang kape ko dahil ang lakas ng hangin kaya agd ko na ‘yon ininom. Nalulungkot na naman ako. Ewan ko ba, gusto ko na matapos ‘to. Gusto ko na lang lumayo kay Aizen dahil nakakatakot na ‘yung nararamdaman ko. Habang tumatag

