Wala ako sa sariling naglalakad habang nagiisip kung saan na ako pupunta. Ilang oras na lang at mag didilim at wala pa rin akong naibabalik na pera sa Land Lady. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero patuloy lang ako sa paglalakad. Gusto ko na rin sanang umuwi dahil napapagod na ako pero hindi ko ginawa dahil hindi ako papayag na umuwi na wala akong naabot na pera. “Tulong! Magnanakaw!” isang sigaw mula sa hindi kalayuan ang nagpalingon sa akin. Isang babaeng naka heels at naka damit na kulay itim ang sumisigaw at nag papanic na. Nakita kong papunta sa direksyon ko ang lalaking nag tangay ng bag niya kaya agad akong tumakbo para salubungin siya. Siguro ay natataranta na rin ‘yung lalaking magnanakaw kaya hindi niya ako napansin. Panay ang sulya

