CHAPTER 8

1034 Words

Maaga akong nagising kanina at maaga rin akong nag hanap ng mapapasukan. Wala naman kaming pasok ngayon kaya naisipan kong maghanap na lang ng trabaho. Kahit ano naman ay kaya kong gawin. At wala akong hindi kakayanin lalo pa ngayon na ako na lang ang mag-isa.  “Uy! Kanina ka pa tahimik diyan, makakahanap ka rin ng trabaho ano ka ba!” napalingon ako kay Aila na kasalukuyan kong kasama. Nagpasama kasi siya sa mall kanina kaya dumiretsyo na ako.  Nandito kaming dalawa sa food court at kumakain. Halos wala rin naman akong gana kumain dahil iniisip ko kung saan ako kukuha ng pagkain ko sa mga susunod na araw. Tapos ‘yung renta pa mamaya pag uwi ko hindi ko alam kung saan ko hahanapin. Huminga ako nang malalim saka nginitian si Aila. Ayoko namang pati siya ay ma-stress pa sa problema ko. Lal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD