CHAPTER 6

1013 Words
Napilitan akong kumain kasama si Franco dahil hindi niya pinapakita sa akin si Aizen hangga’t hindi pa ako kumakain. Wala naman akong magawa kundi sumunod sa gusto niya. Sana lang talaga ay hindi niya ako niloloko at totoong alam niya kung nasaan si Aizen.  “Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo. Hindi mo ba nagustuhan?” tanong niya sa akin nang akmang kakain na siya at napansin niyang hindi ko man lang nagalaw ang pagkain sa harap ko.  Hindi ko naman kasi alam kung totoo na makikita ko ba si Aizen o hindi. Hindi naman ako natatakot kay Franco pero hindi ko kayang kumain na iniisip ko pa rin kung nasaan si Aizen.  “Wala akong gana, Franco. Kung gusto mo, kainin mo na rin pati ‘yung sa akin.” mahina at walang gana na sabi ko sa kaniya saka isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan. Inayos ko ang salamin ko sa mga mata at saka huminga nang malalim.  Magsasalita na sana si Franco nang bigla naming narinig ang pamilyar na boses at nag tatawanan na papalapit sa kinaroroonan namin. Marahan akong lumingon sa likod ko at saka ko nakita si Aizen na kausap ang iba pa niyang mga kasama habang nagtatawanan.  Agad naman kumunot ang noo ko. Sumama ako dahil akala ko nasapanganib si Aizen pero nakikita ko siya sa harap ko at nagtatawanan habang ka-kwentuhan ang mga kaibigan niya. Bigla tuloy akong naguluhan at saka hindi makagalaw sa kina-uupuan ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Kung magagalit ba ako dahil wala naman palang nangyaring masama sa kaniya.  Masyado akong nag-alala.Hindi ko rin alam kung magagalit ako dahil nagmukha lang akong tanga dito sa harap ni Franco.  Nang makita ako ni Aizen na nakaupo at nakalingon sa kaniya ay bigla siyang napahinto sa paglalakad at maging sa pagtawa niya. Kumunot ang noo niya at alam kong nagtataka siya kung bakit ako nandito.  Hindi ko rin naman alam kung bakit ako basta basta sumama kay Franco. Hindi naman ako sigurado sa nabasa ko pero ginawa ko pa rin dahil nag aalala ako sa kaniya.  “A-anong ginagawa mo dito? Bakit mo kasama si Franco?” gulat na tanong niya sa akin at halos hindi na rin siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Maging ang mga kasamahan niya ay nagulat nang makita niya ako.  “Nakakapagtataka lang. Wala ba kayong number ng isa’t isa? Akala ko ba ay mag jowa kayo?” tanong ni Franco habang nilalasap ang pagkain sa harap niya. Hindi ko alam ang gagawin ko at magiging reaksyon sa narinig ko mula kay Franco.  Hindi ko rin alam kung plano niya ba ang lahat ng ‘to. Kung ano man ang binabalak niya ay dapat na ako maging alerto.  Padabog at mabigat ang bawat hakbang ni Aizen habang papalapit sa akin. Hinila niya ang kamay ko at marahas na hinatak kaya napatayo ako.  “A-nong binabalak mo, Franco? Gusto mong gumanti sa akin? Gagamitin siya?” Isang mainit na tensyon ang namagitan sa mga mata nilang dalawa. Hindi ko alam ang nangyayari at kung ano man ang bagay na meron silang dalawa para maging dahilan ng ganitong galit. Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Iyon ay kaba na baka may masaktan sa kanilang dalawa.  Ngumiti si Franco na para bang gusto niya pang galitin lalo si Aizen. Kumakain lang ito na para bang wala siyang narinig mula kay Aizen.  “Hindi ko siya ginagamit, Aizen. Baka ikaw ang gumagamit sa kaniya. Hindi mo naman talaga siya girlfriend hindi ba?” tanong ni Franco saka niya binaba ang kubyertos na hawak niya. Pinasadahan ko si Aizen ng tingin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Madiin pa rin niyang hinahawakan ang braso ko. “Bakit ko naman siya, gagamitin? Sa oras na lapitan mo pa siya ulit, hindi ako magdadalawang isip na papadalhan ka ng red notes, Franco. Matagal na akong nagtitimpi sa’yo. At masyado mo nang sinasagad ang pasensya ko.” Galit na banta sa kaniya ni Aizen at saka hinatak ako palayo.  Pero bago pa man kami tuluyang makalayo ay bigla naming narinig ang pag galaw ng upuan kaya napahinto kaming dalawa. Ang diin ng pagkakahawak ni Aizen sa braso ko at medyo nasasaktan na ako.  “Lahat na lang ng mga bagay na gusto ko, Aizen inaagaw mo.” Malakas na sabi ni Franco na agad kong ikinagulat. Hindi ko pa rin alam kung ano ang pinag aawayan nila pero hindi na ito maganda. “Kailan ba naging sa’yo ang akin, Franco?” sagot ni Aizen at marahan akong binitawan saka nilingon si Franco.  Umiling siya at tinitigan ng diresyo si Franco. Kinakabahan ako sa posible pa mangyari. Lalo na at naalala ko ang sinabi sa akin ni Franco kanina. Na mag iingat raw ako kay Aizen dahil hindi ko alam kung ano pa ang mga kaya niyang gawin.  Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Natatakot lang ako na baka may masaktan sa kanila pero hindi ako sa mismong personalidad nila.  Naniniwala ako, na kung ano man ang panlabas na pinapakita nila? Alam kong may mas malalim pa na pinanghuhugutan iyon. At kung ano man ‘yun alam kong isa na ang galit sa dahilan na ‘yun.  "Inuulit ko, Franco. Tigilan mo na ako kundi? baka tuluyan ko nang makalimutan ang pinagsamahan natin."  Matapos sabihin ni Aizen iyon ay agad niya akong hinila palayo sa lugar na 'yon. Madiin at ma-awtoridad ang pag hila niya sa akin kaya nasasaktan ako.  "Ano na naman ang iniisip mo at sumama ka sa lalaking 'yon? Hindi pa ba sapat na sinabi ko sa'yong 'wag ka na makipag ugnayan sa kahit na kanino man doon sa mga nakita mo nung araw na 'yun? Hindi ka talaga nadala 'no?" Galit na sabi niya sa akin nang makalayo na kami.  "Gus-"  Hindi pa ako nakakapag salita at bigla na niyang pinutol ang sasabihin ko. "Hindi mo lang nilagay sa panganib ang buhay mo. Hindi mo ba na isip na gulo ang pinasok mo? At hindi ka na makakalabas pa." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD