Ilang araw na ang nakalilipas simula nang masaksihan ng dalawang mga mata ni Anina ang paghahalikan nina Isagani at Mikaela sa opisina nito. Ilang araw na rin siyang bangag at walang tulong. Hindi na siya pumasok pa sa trabaho. Nasasaktan siya lalo dahil ni hindi man lang siya hinahanap ni Isagani. Nangangamba na rin ang mga magulang niya dahil pangiti-ngiti naman ito pero kitang-kita nila ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito. Ayaw nilang magtanong kahit ilang beses na silang nag-attempt. Tuwing sinusubukan kasi nila ay umiiwas ang dalaga. Kung hindi nito iniiba ang usapan ay bigla bigla itong lumalayo. Napansin rin nila na madalas na itong tahimik. Hindi tulad noon na kahit saang parte ng bahay nila ay maririnig mo ang boses niya. Nakailang balik na nga rin si Wade para sunduin s

