Sa dami nang nangyari the past two days, wala pa rin paramdam si Isagani kay Anina. Tuloy ay nag-aalangan ang dalaga kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nakita niya ulit si Isagani pagpasok niya ngayon sa trabaho. Hindi niya tuloy maikwento dito kung ano ang mga nangyari sa kanya ng mga nakaraang araw. Nalulungkot na siya. Nasasaktan din at the same time sa tuwing naiisp niya na hindi man lang siya naaalala ng binata. Gano'n na ba talaga ito ka-busy para hindi siya maalala? Kahit weekend ay busy ito sa opisina? Wala naman siguro siyang ibang pinagkaka-busy-han? Aniya pa sa isipan. "Hinga lang ng malalim, Anina. Wala namang ginagawang masama si Isagani. Busy lang 'yon sa trabaho. Iyon lang." Pilit niyang sinasabi at inuulit-ulit sa sarili niya habang papasok siya ngayon sa opisina. La

