Kinaumagahan ay maagang nagising si Anina mula sa boses ng nanay niya mula sa kusina. Ke aga-aga ay talak ito nang talak kesyo anong oras na raw at tulog pa rin ang dalaga. "Nay, naririnig kita mula sa kuwarto." Pipikit pikit nitong wika na halatang kagigising lang. Kinusot kusot pa niya ang mga mata niya.. Naabutan niyang nakapamewang ang nanay niya habang nagsasangag ng kanin. "Ikaw na bata ka, may trabaho ka, hindi ba? Bakit anong oras ka nang nagigising? Hindi ba dapat ay handa ka na ng mga oras na 'to?" Pangaral nito sa kanya. Napadako tuloy agad ang dalawang mga mata ni Anina sa wall clock nila na nakasabit sa dingding ng kanilang munting tahanan. Nakita niyang alas sais y medya pa lang ng umaga. Naihilamos niya ang kanyang palad. "Nay naman! Alas otso pa ang pasok ko. Alas

