Buhat-buhat ni Isagani si Anina na parang pangkasal habang tinatakbo niya ito papuntang clinic. Nagulat na lang kasi siya nang bigla itong bumulagta sa sahig. Nataranta siya at hindi pa alam kung ano ang gagawin noong una. He just found out himself na binubuhat na ang dalaga. "Bahala na!" Nang makarating sa clinic ay inihaya niya ito sa puting-puti at malambot na kama. Mabuti na lang at naroon ang nurse para i-check ang vital signs nito. "She collapse awhile ago, nurse." "Gano'n ba. Maybe it's because of excessive work or fatigue. Is this the first time this happened?" tanong muli ng nurse. "Actually, kaka-hire lang sa kanya and she has been tarining the whole day." Tumango-tango ang nurse. "So that's it. I guess it happened kasi nanibago ang katawan ng patient natin sa training.

