Hindi pa rin alam ni Anina kung ano ang mararamdaman niya sa mga sinabi sa kanya ni Isagani. Habang nasa cafeteria sila ng resort ay hindi niya maiwasang mag-isip nang kung anu-ano kaharap ang kanyang milk tea. Kung sakali mang ipakilala na siya ni Isagani sa buong Isla Catalina, will she be worth it? Papayag kaya ang mommy nito? Paano naman si Mikaela? Ano na lang ang magiging reaksyon ng buong taga Isla Catalina kapag nalaman nila na ang ipinalit ni Isagani kay Mikela ay 'di hamak na taga isla lang? Wala pang narating sa buhay. Para tuloy gusto na lang niyang umatras. Para tuloy gusto na lang niyang maglaho. Ang daming 'what if's' na bumabagabag sa kanya. "Tulala tayo diyan, ah?" Bungad ni Wade sa kanya. "Ano'ng meron? Bukod sa nagkakamabutihan na kayo ni Isagani?" Nanlaki ang mga mata

