Kinaumagahan, habang nasa hallway at naghihintay si Anina kay Wade ay napagpasyahan nitong maupo muna sa may waiting area.. Ang sabi kasi ni Wade ay mali-late daw si Isagani. Napuyat daw kagabi. Sumisikip na naman ang dibdib niya sa pag-iisip kung ano ang dahilan ng pagpupuyat nito. Dahil ba kay Mikaela? E, siya lang naman ang dahilan kung bakit nagmamadaling umuwi si Isagani kagabi, e. Selos na naman ba itong nararamdaman niya? Nai-insecure na naman ba siya kay Mikaela o nasasaktan lang talaga siya sa katotohanan na magkasama sila ni Isagani kagabi? Inis na napakamot ng ulo niya si Anina. Napako ang kanyang tingin sa tunog ng high heels na tila naglalakad papasok sa hotel kaya napalingon siya para tingnan kung sino itong paparating. At mukhang nagsisi pa nga siya. It is Mikaela, smiling

