Napasarap ang pag-uusap nila ni Micheal. Ito pa nga ang nagbitbit ng mga paper bags na hawak niya. Mukhang mabait rin naman ito kung si Anina pa ang magsasabi. May mga pagkakataon nga na halos natutulala na lang siya habang nakatitig sa lalaki tuwing nagsasalita ito. His smile is mesmerizing. Nakakatunaw. Para siyang malulusaw. Tulad ng ice cream na kinakain nila ngayon sa isang food court. Ayaw kasi ni Anina na lumayo sa botique at baka biglang bumalik si Isagani kaya dito na lang sila sa malapit tumambay. Mabuti na lang at pumayag naman si Micheal. Mukhang hindi naman ito gano'n kaarte. "Ah, Anina. Hindi ba at sinabi mo kanina na may kasama kang nagpunta dito?" tanong ni Micheal. Tumango-tango naman ang dalaga. "Oo, ang boss ko. Pero mukhang wala pa nga, e." "Sigurado ka ba na babalik

