Nagsalubong ang dalawang kilay ni Mikaela at tila naguluhan kung bakit bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Bakit pakiramdam niya, nasa side ni Anina si Mrs. Suitz this time? Nanginginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa portfolio ng mga designs niya. “T-Tita.” She uttered saka nagsimulang pumasok sa loob si Mrs. Suitz giving everyone a very serious facial expression. She looks calm behind her serious face. Parang maamong tupa na walang gagawing masama. “Mom, kanina ka pa ba nandiyan? You startled us.” Reklamo ni Isagani. “How dare you not invite me to this meeting, son?” Napakamot ng ulo niya ang binata. “Mom, akala ko naman sa final meeting na lang kayo dadalo. Sa final presentation mismo like you always do.” “Anyway, Mikaela, may iba ka pa bang sasabihin about your desig

