CHAPTER 58

2045 Words

Tulala lang si Anina habang iniisip ang naganap kanina. Mukhang nasaktan niya si Mikaela. Hindi niya naman masisisi ang sarili niya. Ginawa niya lang naman ang best niya. Wala siyang tinatapakang ibang tao. Pero bakit pakiramdam niya ay galit sa kanya ang kaibigan? "Nay?" aniya sa nanay niya na nagluluto sa kusina. "Hmm?" anito habang nagsasalin ng sabaw sa mangkok. Gabi na kasi at maghahapunan na sila maya-maya pa pero tila wala pa siya sa huwisyo niya. "Kung ginawa mo po ang best mo pero parang guilty ka sa naging resulta at sa naging epekto nito sa iba, ano pong ibig sabihin no'n?" inosente niyang tanong sa nanay niya. Hindi niya kasi maiwasang hindi isipin ang naging reaksyon ni Mikaela kanina nang i-anunsyo na ang resulta. Parang hindi ito masaya. Kaya para siyang nakukonsensya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD