Chapter 13
“’Dre! You wouldn't believe what I’m about to say,” nagmamadaling usal ng kausap ni Rowan. Nasa kuwarto na siya at nagpapahinga pagkatapos niyang tingnan kung tapos na bang maghugas ng pinggan ang kasama niyang dalaga.
“Chismoso. Ano na naman?” tanong niya.
“Ito naman. Tinanong ko yung kaibigan ng crush mong si Yvonne. Nasa ibang bansa na pala. Sayang. Hindi mo man lang nayayamg mag-date,” mahaba nitong kuwento.
“O, tapos?” tanong niya ulit.
Natigilan ito. “Gago ka ba? Alam kong crush na crush mo yun. Hindi ka pa nga mapakali kapag nakikita siyang umiiyak tapos ngayong wala na siya rito ay parang ayos lang sa ’yo. Hindi mo man lang ba siya namimiss?”
Kunot-noo siyang bumuntonghininga. “Hindi," walang gana niyang sagot.
“Aish. Ewan ko sa ’yo,” naiinis nitong sabi.
“Kasama ko siya,” kaswal niyang sabi.
“Hahaha! Libre lang ang mangarap,” hindi naniniwala nitong sabi.
“Engot. She's here.”
Natigilan ang kanyang kausap. “Pinagsasabi mo, uy?”
“She's my roommate, tangiks ka talagang kaibigan. Nandito siya. Nasa kabilang kuwarto. Magkasama kami sa iisang dormitory.
“What the hell!” hindi makapaniwala na sambit ng kausap. “Seryoso ka ba?” naninigurado nitong tanong.
Tumamgo siya kahit hindi naman siya nakikita nito. “Yes. Kaya tigilan mo ako sa katutukso at gusto ko ng matulog. Magkaiba tayo ng oras,” aniya saka pinatay ang tawag.
HUMIHIKAB na bumangon si Yvonne dahil kailangan niya ng pumasok sa university. Isa pa sa problema niya ay ang pagluluto ng kanyang pagkain. Kahit ang pagprito ng itlog ay hindi niya magawa. Kaagad siyang naligo at nagbihis ng damit bago lumabas ng kuwarto. Good thing may banyo sa loob ng kanyang kuwarto. Nasanay kasi siyang naglalakad ng nakahubad sa bahay nila noon lalo na kapag alam niyang wala siyang kasama.
She tried to peek into the kitchen at mukhang wala roon ang lalaki. Patingkayad siyang naglakad upang hindi makagawa ng ingay.
“What are you doing?”
Gulat siyang napatalon nang marinig itong magsalita. Lumingon siya. Kasalukuyang nagpupunas ng basang buhok ang dalaga. Napakagat-labi siya sabay iwas ng tingin dito.
“I’ll prepare some breakfast. Pautangin mo na lang muna ako ng pagkain at hindi pa ako nakakapag-grocery,” anito at walang pasabi siya nitong nilagpasan.
Walang imik siyang sumunod dito. Dahil alam naman niya kung paano magtimpla ng kape ay siya na lang ang gumawa. She even did some research before doing so at baka mapahiya na naman soya kapag pumalpak.
“Mission successful,” bulong niya sa sarili.
“What did you say?” tanong nito sa kanya.
Nagugulat siyang lumingon dito. “H-Huh? N-Nothing. Kausap ko ang sarili ko.”
Tumango lang ito at hindi na siya pinansin. Natapos silang kumain at mag-isa siyang pumasok sa university. Unang araw pa lang ay tambak na kaagad ang paperworks dahil advance ang learnings sa ibang bansa. She tried to coped at nakakapag-adjust naman siya.
She was one of the active student in her class kaya naman proud na proud sa kanya ang kanyang guro. She's afraid na baka magkaroon na naman siya ng kaaway dahil sa pagiging active niya but walang nangyari. Mababait sa kanya ang kanyang mga kaklase. Everything went well, except her health.
She needed a doctor's appointment right away. Umabot pa ng ilang araw bago siya nabigyan ng appointment. She needed some test at it's not doing well. Hindi siya puwedeng mapagod o kaya ay ang matuwa ng sobra. She need a heart surgery ngunit dahil wala pa siyang pera ay kailangan niya pang mag-ipon.
“How are you?” tanong kaagad sa kanya ni Karina. “My plane just landed,” anito.
“I’m doing well,” pagsisinungaling niya.
“Hmm. I know you're lying. Ramdam na ramdam ko sa boses mo, Yvonne. Ano na ang sabi ng doktor?”
Bumuntonghininga siya. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya sa kaibigan ang totoo. “I-I needed a surgery.”
“Sinasabi ko na nga ba,” anito na animo ay alam na nito ang mangyayari. “Bukas na natin iyang pag-usapan at ayaw kong ma-stressed ka. Anyway, kamusta naman ang guwapo mong roommate?” nanunukso nitong tanong sa kanya.
Napangiwi siya. “Let's not talk about him, Karina. He might have a girlfriend.”
Natawa ito nang mahina. “So, hinihiling mo rin na sana ay wala?”
“Karina, stop it. I’m trying to study.”
“Sus! Nakikipagdaldalan ka nga sa akin, eh. Your excuses are lame, Babe. Lame. Hindi mabenta,” nang-aasar nitong sabi.
Wala na siyang nagawa kundi ang tumawa na lang din sa kalokohan ng kaibigan. “Susunduin ba kita?” tanong niya rito.
“No. Nandito si Daddy. Bibisita na lang ako riyan at ayaw nilang mag-dorm ako. Anyway, they offered you to say in our house.”
She felt lived dahil sa narinig ngunit ayaw niyang makaabala. “I’m fine, Karina at salamat sa offer,” tanggi niya.
“Ikaw ang bahala. Basta ba tumawag ka lang kapag may kailangan ka. I’m willing to help you.”
Mas lalong gumaan ang kanyang pakiramdam. “I will. Thank you.”
Lumipas ang ilang buwan ay naging matiyaga sa pag-aaral si Yvonne. Hindi na rin siya nakikibalita kung ano na ang nangyayari sa mga taong nanakot sa kanya.
Mas lalo rim siyang napapalapit sa binata lalo na at naging maalaga ito sa kanya. Naging tampulan sila ng tukso ng kanilang mga kakilala. Sa parehong unibersidad nag-aaral ang binata kaya naging kampante siyang kasama ito. Dito rin niya nagkukuwento ang pang-araw-araw na nangyayari sa kanyang buhay lalo na ang kanyang sakit.
“Bunny,” tawag nito sa kanya. Nakasanayan na nito ang pagtawag sa kanya ng Bunny dahil para daw siyang Kuneho Sa sobrang cute at kulit.
“What? Nagbibihis pa ako!” pasigaw niyang sagot sa binata.
“Bilisan mo! Male-late ka na naman!” anito na naiinis pa dahil sa bagal niya.
Napuyat kasi siya kababasa ng isang nobela kagabi kaya mataas na ang sikat ng araw nang siya ay magising.
“You have a test today,” paalala pa nito.
Napangiti siya. “I know. Ilang beses mo ng pinaalala ’yan sa akin.”
“Yes. And you still chose to read a novel,” sermon pa ng binata.
Pagkalabas niya ng kuwarto ay handa na rin ang kanyang pagkain. Nasanay na siyang ito ang taga-luto sa umaga. Pang-hapon ang klase ng binata bilang isang civil engineering student.
“Thank you,” aniya nang matapos sa pagkain at mabilis din na pumasok sa kanyang klase.
Nakangiti siyang umuwi dahil naipasa niya ang kanyang exam. She was proud of herself. Hindi niya lubos maisip na kaya niyang makipagsapalaran sa ibang bansa nang mag-isa at walang karamay. Nagpapasalamat din siya dahil may dumating na mga taong naging kasama niya sa bawat pagsubok ng kanyang buhay.
“Guess what?” bungad niyang tanong dito pagpasok sa dorm.
“Bumagsak ka?”
“No! Silly. I passed the test,” nakangiti niyang sabi.
Ngumiti ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Congratulations! I know you can make it!” anito.
“Psh. You doubted me,” nakanguso niyang sabi.
“Hahaha! I wasn't,” tanggi pa nito. Hinampas niya ito sa balikat. “Ouch!” reklamo ni Rowan.
“Tse! Just go. I won't cook dinner for you,” aniya habang nakasimangot.
Tumawa na naman ito. “Nagbibiro lang naman ako. You know I won't be home until eight. Umayos ka.”
“Fine. Sige na. Baka ma-late ka pa,” usal niya.
Lumapit ito sa kanya upang yumakap ngunit hinarangan niya ito upang pigilan. “Nasasanay ka na. Baka mamaya hindi ka na naman makakatulog kahahanap sa yakap ko, charing.” Tumawa siya dahil sa kanyang sinabi.
“Pinagsasabi mo, uy.” Pinitik nito ang kanyang noo. “Ouch! Rowan!” singhal niya. “Alam mong malaki 'yang kamay mo,” nakangiwi niyang reklamo.
Napabungisngis ito. “Alis na ako, My Love. Ingat ka rito.” Nag-flying kiss pa ang binata dahilan upang matawa siya nang malakas.
“Bye!” Mabilis niyang sinara ang pinto upang hindi makita ng binata ang pamumula ng kanyang mukha. She felt her face heated up. Hindi niya maitago ang kilig na naramdaman. Bumuntonghininga siya. Hindi maaring mahulog siya ng tuluyan sa binata.
Kaagad siyang pumasok sa kanyang kuwarto. She tried to call Karina ngunit hindi ito sumasagot. Malapit na rin ang schedule ng kanyang surgery kaya kinakabahan siya.
Her friend, Karina, manage to raise a money for her at bumuhos ang tulong para sa kanya na labis naman niyang ikinatuwa.
Impit siyang nagtitili at palihim na pinagalitan ang sarili. “Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Hindi dapat. It's not right,” namomroblema niyang sabi.
Napapitlag siya sa gulat ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Karina ang tumatawag. Kaagad niya itong sinagot. “I feel like you’re in trouble,” bungad nito sa kanya.
Napabuntonghininga siya. “Hay, I’m in trouble, Karina,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.
“Oh, tama ako? Seryoso ba 'yan? Bakit parang ang bigat-bigat naman niyang pinoproblema mo?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Napangiwi siya. “Kasi naman, mabigat talaga 'to for me. I don’t want this,” tanggi niya pa.
“Ang alin ba? Sabihin mo na dahil hindi naman ako manghuhula, susme,” anito.
“Si Rowan,” pabitin niyang sabi. Ayaw niya sanang aminin sa kaibigan dahil paniguradong pagtatawanan siya nito pero wala siyang ibang mapagsabigan.
“Oh, what about him? Don’t tell me nahuhulog ka na sa kanya?”
Bumuntonghininga siya ulit. “Iyon na nga ang problema, eh. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman. Hindi ko man lang napansin, Karina. What should I do?”
“Eh?” gulat nitong tanong.
“Ba-Bakit?”
“Are you serious?”
“Oo nga.”
“What the heck? Nagbibiro lang ako, Yvonne. Hindi ko naman alam na aamin ka,” anito. “Sh*t! Totoo ba 'yan?”
“Oh my God! Oo, Karina, oo. Totoong-totoo na.”
“Sh*t! Sa wakas! Naka-move on ka na!” sambit pa nito saka tumili na para bang nakakatuwa ang mga nangyayari.
“Tuwang-tuwa ka naman diyan,” asar niyang usal.
“Aba, siyempre! Mas gusto ko siya para sa iyo kaysa roon sa mukhang alimango mong ex-boyfriend. Girl, umamin ka na sa kanya. Malay mo gusto ka rin niya,” nanunukso pa nitong suhestiyon.
“Girl, hindi ako ganiyan.”
“Sus. Walang patutunguhan ’yan kung hindi mo susubukan. Gawin mo na. Para kapag ni-reject ka niya, mabilis lang mag-move on dahil hindi pa nag-ugat ang nararamdaman mo.”
“Are you even serious right now?”
“Girl, mukha ba akong nagbibiro ngayon.” Ramdam niyang nakangiwi ang dalaga. “Gawin mo na. Baka maunahan ka pa,” anito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Dahil sa suhestiyon nito ay hindi siya nakatulog at buong magdamag siyang nakatulala habang ang paningin ay nasa kisame.