Chapter 12
Pagkababa ni Yvonne sa eroplano ay sumalubong na sa kanya ang malamig na klima ng gansang Australia. Dahil matagal na niyanh hhstong mangibang bansa, she grabbed the scholarship na ini-offer sa kanya ng international school doon. She wanted to pursue medicine. Tulak-tulak ang kanyang maleta, dumiretso siya sa university.
It has dormitory kaya naman mas pinili niyang dito mag-aral. Besides, kasama naman niya si Karina. Pareho sila ng kursong kukunin. Mas pabor din sa kanya dahil malapit lang din ang tirahan ng dalaga.
They can see each other whenever they want. And of course, mapapatingnan niya rin ang sariling sakit sa mga batikang doktor sa Australia.
Susunod lang sa kanya ang dalaga dahil may kailangan pa itong gawin. Finally, she can breathe. She's away from the traitors. She left behind all the heart aches she felt. Makakapagsimula na siya ulit.
She was welcome by the university staff and even people are welcoming. Magaan ang kanyang loob dahil pakiramdam niya ay nakahanap siya ng bagong pamilya. She then find her dormitory room at doon nag-impake. She opened her social media and sent her a message.
“Wow!” malakas nitong bulalas nang tumawag ito sa kanya. Ipinakita niya sa kaibigan ang room niya.
“Maganda ba?”
“Ang ganda! Sure ako na makakapag-aral ka nang maayos diyan,” anito. “Good thing umalis tayo. Hays, gusto ko ng lumipad. But Mommy wanted me to buy some things for her,” nakasimangot nitong sabi.
“Hayaan mo na. She misses our country. Pagbiyan mo na lang,” aniya.
“Iyon na nga ang gagawin ko. Sige, tatawag ako sa iyo later. Bukas pa ang flight ko,” anito. Nagpaalam sila sa isa't isa at siya man ay nagpahinga rin sandali upang makabawi sa lahat ng pagod na kanyang naramdaman.
Hindi niya maiwasang isipin ang sinabi ni Karina sa kanya noon tungkol sa lalaking tumulong sa kanya. Hindi lang isa kundi dalawang beses. She kind of forget about him. Hindi niya rin maalala ang mukha nito.
All she can remember was a deep baritone voice speaking to her. Na para bang sinasabi nito na poprotektahan siya ng lalaki. Na walang mangyayaring masama sa kanya kung kasama niya ito. It felt like home.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. “I’ll wish upon a star to see you again.”
Nang makapagpahinga ay inayos niya ang iba pang mga gamit. She needed to buy some personal things and groceries. Kahit pagod pa ay nagbihis siya para lumabas. She then headed to shopping mall na malapit lang din naman sa university. Dahil wala pa siyang sasakyan, kailangan niyang maglakad. Hindi naman ganoon kalamig ang panahon.
Tulala ang isang cart, bumili siya ng karne, canned goods, gulay. Her basic needs were met at bumalik siya sa dormitory. She was fazed looking at the things she bought. Saka lang niya naalala na hindi pala siya marunong magluto.
“Oh my God!” bulalas niya saka natampal ang sariling noo. Kumukulo na ang kanyang tiyan at hindi niya alam kung ano ang gagawin. ”What should I do?”
Binuksan niya lahat ang mga binili at ganoon na lang ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Puro karne at gulay. “Eggs. That's right. I think I can manage,” aniya.
Para siyang taong sasabak sa giyera habang hinahanda ang pagluto ng isang itlog. Pinainit niya ang kawali at nilagyan ng mantika. Hindi niya natantiya kaya aksidente niya itong nabuhos. Napabuntonghininga na lamang siya.
She picks an egg and break it. Malakas ang pagkakabagsak ng itlog sa kawali kaya tumalsik sa kanyang kamay ang mantika. Napasigaw siya sa gulat at sakit. Nabitawan niya ang shell nito at nahulog sa kawali.
“Sh*t! Sh*t!” gulat niyang sambit at hindi alam kung ano ang gagawin. Mabilis niyang pinatay ang stove at naiiyak na tiningnan ang napasong kamay. “I think I should take a cooking lesson. I don't want to poison myself,” aniya.
Napaigtad siya nang tumunog ang lock ng pinto. Nilingon niya ito at gumalaw iyon hanggang sa tuluyang bumukas ang pinto. Nagulat siya nang may pumasok. Parang hindi siya nito napansin dahil hirap na hirap nitong tinutulak ang isang malaking maleta.
“Damn,” angil pa nito.
Nawindang siya. His voice seemed familiar ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito narinig. Lumingon ito sa gawi niya kaya napalundag siya sa gulat. “Smokes?” tanong nito sa sarili.
Nilingon ni Yvonne ang sinasabi nito at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang umuusok na ang kawali.
“What? Pinatay ko na 'to!” taranta niyang sambit habang hindi alam kung ano ang gagawin. Mabilis na nakalapit sa kanya ang lalaki at pinatay nito ang stove.
“What are you doing?” parang inis nitong tanong sa kanya.
Yumuko siya. Nakaramdam siya ng hiya. “So-Sorry. I w-was trying to fry an egg,” tigagal niyang sagot. Pumikit siya at hiniling na sana lamunin na lang siya ng sahig dahil sa sobrang takot at kaba.
”You're going to cause a fire,” komento nito. Binalingan ng lalaki ang mga kalat na nagawa.
Napangiwi siya nang aksidente niyang masagi ang kamay na napaso. Kunot-noo suya nitong tiningnan. He reached out for her hand at mataman itong tiningnan. “Napaso ka?” tanong nito sa salitang Filipino kaya nagugulat siyang nag-angat ng paningin.
“You’re a Filipino?” gulat niyang tanong. Hindi siya makapaniwala.
Ito man ay nagulat din sa narinig. “Napaso ka nga,” anito imbis na sumagot sa kanyang tanong.
Tumango siya. Bumuntonghininga ito at kumibot-kibot ang labi na animo ay pinapagalitan siya ngunit hindi lang nito sinasabi nang malakas. “I'll cook,” presinta nito. Hindi na siya nakaimik nang magsimula itong kumilos.
Tulala lamang siyang nanood sa lalaki. Banayad ang pagkilos nito na para bang sanay na sanay na ito sa ginagawa.
“How are you?” kaswal nitong tanong.
“I-I fine,” wala sa sarili niyang sagot.
Nag-angat ito ng ulo at sinalubong nito ang kanyang paningin. “I’m talking about your heartbreak.”
“Huh?”
“Nothing.” Bumuntonghininga ito. “Set the table and we will eat.”
Aligaga siyang sumunod. Kahit papaano ay naturuan naman siyang mag-ayos ng mesa at ihanda ang mga kubyertos. Kunot-noo pa itong tumingin sa kanya nang matapos siya sa ginagawa.
“Woman. It's the two of us here. Wala ka sa handaan. Bakit nakalabas lahat ng gamit? We only need two plates, spoon, and fork,” pagbibigay-alam nito sa kanya.
Kagat-labi niyang tiningnan ang ginawa. It was a set of six people. Nasapo niya ang noo. “So-Sorry. Hindi ako sanay,” pag-amin niya.
Binalik niya ang ibang plato at kutsara.
Tahimik silang kumakain habang siya ay hindi mapakali. Nawala ang gutom na naramdaman niya kanina habang kaharap ang lalaki. Hindi man lang ito nagpakilala sa kanya samantalang parang kilala siya nito.
“Jan Glysdi Yvonne Laurel,” usal nito sa kanyang pangalan.
Kumunot ang kanyang noo. “Bakit alam mo ang pangalan ko?” nagtataka niyang tanong.
“Just because,” kaswal nitong sagot. “I’m Rowan. Your roommate.”
Rowan . . . It suits him.
Palihim niyang pinagalitan ang sarili dahil muntikan na siyang mapangiti. “N-Nice to meet you,” tulala niyang sabi.
“Marunong ka bang maghugas ng plato?” tanong nito.
Umiling siya. “I’m not used to doing chores but I'll try,” aniya. Totoo naman. Lumaki siyang hindi sinanay sa gawaing pambahay kaya ngayon ay pinagsisihan niya iyon. “Good. You washed these plates. I need to unpack.” Tumayo na ito at iniwan siya nito sa kusina.
Dahil gusto na rin niyang magpahinga ay kumilos na rin siya. She just wanted to rest. Seryosong-seryoso siya sa paghuhugas hanggang sa matapos. Tiningnan niya ang oras at mahigit isang oras din ang tinagal niya sa lababo.
Lumabas siya ng kusina at sakto namang lumabas din ng sariling kuwarto ang binata. Nakaligo na ito at nakabihis na rin. “Matutulog na ako. Go-Good night.” Mabilis siyang naglakad papasok sa kanyang kuwarto at sinara ang pinto.
Saka pa lamang niya napansin na pinipigilan niya ang kanyang hininga. She breathed a sigh of relief. Kaagad niyang tinawagan ang kaibigan.
“Hey. What's up?”
“My roommate is a guy,” aniya.
“Huh?”
“It’s a guy. My roommate is a guy,” hestirikal pa niyang sabi.
“And? Ano naman ang problema roon?” natatawang tanong sa kanya ni Karina. “That's good. Para naman makalimutan mo na ang hinayupak mong ex-boyfriend.”
“Karina,” aniya sa nagbabanta na tinig.
“Bakit parang takot na takot ka?”
“K-Kasi—”
“Ano? Talk faster. Tumatae ako.”
“Ew!”
“Sus! You are human too. Huwag kang mag-inarte,” anito.
“Anyway, I almost set our house on fire. Gutom na kasi ako at nakalimutan kong patayin ang stove. I thought napatay ko na kaso naka-on pa rin pala. Kung hindi niya pa sinabi na may usok hindi ko malalaman. And he cooked us dinner,” mahaba niyang kuwento.
Bumuntonghininga ito na para bang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. “Hindi ’yan ang gusto kong marinig, Yvonne,” anito.
Kumunot ang kanyang noo. “Huh? Ano naman ang gusto mong marinig?”
“Is he handsome?” tanong ng dalaga na nagpatigil ng kanyang isipan.
Pumasok sa kanyang isip ang mukha nito. Maamo ang mukha. His hair was black like a raven's feathers, he had brown eyes, and a straight nose. Matangkad din ito at mukhang basketball player.
“Hey!” untag sa kanya ni Karina.
Napabalik siya sa huwisyo. “Sorry,” hingi niyang paumanhin.
“Wow. Nakalimutan mo ng kausap mo ako. Ganoon ba siya kaguwapo?” tukso nitong tanong.
Napangiwi siya. “Sira. Iniisip ko lang ang mukha niya. Natural na mag-iisip pa ako,” sagot niya.
Tumawa ito. “Hindi rin.”
“Tumigil ka.”
“Sus!”
Napairap na lamang siya dahil sa kakulitan ng kaibigan. Nagpaalam na siya na matutulog na. She headed to the bathroom to take a shower at pagkatapos niyang magbihis ay humiga na siya sa kama. She decided to check on her social media na kaagad din niyang pinagsisihan dahil sa mga nakita.
Happy family.
Nanigas ang kanyang katawan habang binabasa ang captions at comments sa isang post ni Kristine kasama ang kanyang ina at si Kevin. Hindi pa rin siya makapaniwala na naging kabit ng kanyang ina ang ama ni Kristine. Wala man lang siyang kaalam-alam. Ngayon lang niya napagtanto na kaya pala parang nagbago ang buhay ni Kristine dahil pala iyon sa kanyang ina.
Naikuyom niya ang kanyang kamao.
“I will get back to you all. Not now, but soon. Pangako.”