Chapter 11

1917 Words
Chapter 11 “Hindi ka na pumapasok, Iha.” Nilingon ni Yvonne ang pinanggalingan ng boses. Wala na siyang lakas para makipagtalo. “Manang, leave me alone. I’m tired,” walang gana niyang sabi. “Pagod na po ako,” dagdag niya pa. “Tatawagin ko si Karina para may kasama ka,” suhestiyon nito. “Manang, please. Huwag ka na pong makialam. Gusto ko lang mapag-isa,” inis niyang sabi. Hindi man lang ito natinag. Para bang inaasahan na nito ang kanyang sinabi. Tumango ito at walang salitang lumabas ng kantang kuwarto. Ilang araw matapos siyang itinakwil ng kanyang ama ay halos nagkulong siya sa kanyang kuwarto. Hindi rin niya kinakausap si Karina at kahit si Manang ay binabara niya sa tuwing gusto nitong makipag-usap sa kanya. She shut the world and left it behind her. Ni wala na siyang pakialam sa kanyang sarili. Magulo na ang dati ay malinis at organisado niyang silid. Hindi na rin siya naliligo at kahit amoy na amoy na niya ang kanyang sarili ay wala siyang pakialam. Napatalon siya sa gulat nang binalibag pabukas ang pinto ng kanyang kuwarto. “Are you serious?” gulantang na tanong sa kanya ni Karina nang makita nito ang estadonng kanyang silid. “This is not you, Yvonne. My goodness!” nandidiri pa nitong wika. Inirapan niya ito. “Now what?” inis niyang tanong sa dalaga. “Ano na naman ang kailangan mo? I don’t need you here,” pagtataboy niya sa dalaga. “Yes, you need me. Tingnan mo nga ang hitsura mo? You reek,” komento pa ng dalaga. “My God! I can't the Yvonne I know was like this.” Dumapa siya sa kanyang kama. Sa sobrang lagkit ng kanyang katawan ay dumikit na ang kumot sa kanyang balat. “Ano ba, Yvonne. Magiging ganito ka na lang ba? After all what happened, ito lang ang mangyayari sa iyo? I thought of you as a fighter pero parang mali yata ako. Hahayaan mo bang ganun-ganunin ka na lang nila?” pangangaral nito sa kanya. Tinakpan niya ang kanyang tainga. “I don't want to hear your rants, Karina. Get out,” walang gana niyang sabi. “No. Hindi ako aalis hanggang hindi titino iyang utak mo.” Lumapit ito sa kanya. Hinawakan ng dalaga ang kanyang paa at hinatak siya nito hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Napadaing siya dahil sa sakit. “Ano ba!” malakas niyang singhal. “Umalis ka na! I don't want you here! Alis! Huwag ninyo akong guluhin! Leave me alone!” Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Umikot ang kanyang ulo. Gulat niyang nahawakan ang kanyang mykha at pati siya ay nagulat dahil sa sobrang oily nito. Suddenly, she feel something inside. Naawa siya sa kanyang sarili. “Get up. Fight for what you deserve, Yvonne. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari pero please lang, lumaban ka naman. Ayaw kong nakikita kang lugmok. You need to get up and fix your life. Natutuwa ka bang pinagtatawanan ka nila sa school? They’ve been talking and laughing at you! Alam mo bang halos nagmukhang reyna si Kristine dahil wala ka? And, they've been bullying me. Mabuti na lang at palaban ako but you, I can't take it. Hindi ko matanggap na pinagtatawanan ka nila.” Bigla itong umiyak. Natigilan si Yvonne nang makita ang luha ng kaibigan. Napaupo ito sa sahig. “I just want you to fight. Fight for what you deserve.” “She’s my mother new daughter. Ang Tatay niya ang kabit ni Mommy. While Dad, may sarili na rin siyang pamilya. I don't what I did to deserve this hatred and evilness,” aniya. Naikuyom niya ang kanyang kamao. “I just don't know how to start again, Karina. Hindi ko alam. I don't have the courage to stand up and fight for my life. I don’t—” “Yes, you do. Kilala kita. I know you can do it,” putol nito sa kanyang sasabihin. “Hindi ko matanggap na kinakaya ka lang nila.” Naikuyom niya ang kanyang mga pala. For the last time, she cried. They both cried. MAAGANGVgumising si Yvonne dahil papasok siya sa unibersidad. Handa na siyang harapin ang pagsubok na ibinato sa kanya ng tadhana. First, she needs to get her credentials at the university. Nakausap na niya si Manag kagabi habang kasama nila si Karina. Alam na nito ang kanyang plano at maging ito ay nalungkot ngunit supurtado naman nito ang kanyang desisyon. She cleaned her room. Tinulungan siya ni Manang. Natuwa pa nga ito dahil bumalik na siya sa huwisyo. “Manang,” tawag niya pagkababa at naglakad papunta sa kusina. “Handa na ang almusal mo. Kumain ka na at maglalaba ako,” anito. “Sige po.” Tinapos niya kaagad ang pagkain at gumayak na. Sakay ang kanyang sasakyan, tinitigan niya ng matagal ang bahay na kinalakihan niya. This will be the last time na iiyak siya sa mga pangyayari na hindi na maibabalik sa dati. She sighed and headed to the university. Pagkaparada ng kanyang kotse ay may sunod na pumarada sa kanya. Tumabi ito sa kanyang puwesto. Bagong-bago. Ngunit hindi siya nakaramdam ng inggit. She stepped out of her car with elegance. As always, the only Jan Glysdi Yvonne. Pagkasara ng pinto ng sasakyan ay lumabas din si Kristine. Nagulat pa ito nang makita siya. “Well, bumalik na pala ang reyna,” mapangutya nitong komento. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. “Are you okay?” nag-aalala niyang tanong dito. Napangiwi ito sa kanyang tanong. “Of course. Ano sa tingin mo?” inis nitong tanong. “Hmm,” kunwari ay napapaisip niyang sabi. “You look . . . sick. Maaga pa lang kasi, kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig mo. Iniisip ko lang na baka may sakit ka,” pabalang niyang komento. Biglang tumaas ang kilay nito sa kanya ngunit wala siyang pakialam. “Tsk. Iyan lang ba ang ibabalik mo sa akin?” tanong nito sa kanya nang akmang maglalakad siya paalis. Nilingon niya ito. “Kristine, kung marami kang oras para makipag-asaran sa akin, please lang pakihanap ng pakialam ko, okay? Wala akong time sa 'yo, eh,” pambabara niya ito saka naglakad papalayo. Narinig niya pang nagpapadyak ito dahil sa inis. Umakyat siya sa faculty room ng kanyang departamento upang kausapin ang Dean. Nagulat pa ito nang makita siya. “Miss Laurel, you're here,” tipid ang ngiti nitong bati sa kanya. Tumango siya. “Good morning, Ma’am. I have a favor to ask from you,” aniya. Nag-usap sila at pumayag naman ito. Nakikisimpatiya rin ito sa mga nangyari sa kanya. Nagpasalamat siya at babalik siya bukas para kunin ang kanyang mga dokumento. Bumaba siya at sa hagdan ay nakasalubong niya si Kevin. Masama ang tingin nito sa kanya at sa hinuha niya ay nagsumbong sa Kristine sa binata. “Ano ang ginawa mo kay Kristine?” galit nitong tanong sa kanya. She gave him a unconcerned look. Tinitigan niya ang binata at nagulat pa siya dahil wala man lang siyang naramdaman habang nakatitig sa mga mata nito. Nagkibit-balikat siya. “Wala naman. Bakit?” walang gana niyang tanong. “Liar—” “And what?” galit niyang tanong sa binata. Bumuntonghininga si Yvonne. “Alam mo, Kevin, istorbo ka lang sa araw ko,” nayayamot niyang wika. “Pakihanap ng pake ko kasi as far as I know, wala akong pakialam sa inyong dalawa. Now leave me alone.” Nilagpasan niya ito ngunit hinablot nito ang kanyang kamay dahilan upang nahatak siya nito pabalik. Akala niya ay mababali na ito dahil sa lakas ng pagkakahatak ng binata. “Hindi ka man lang ba naaawa sa kanya?” galit nitong tanong. Natulala siya dahil sa narinig hanggang sa napahagalpak ng tawa. “Bobo ka ba?” pasogaw niyang tanong dahil sa naramdaman na galit. Nagulat ito at bahagyang natigilan. Tinuro niya ang kanyang sarili. “Ako, maaawa sa kanya? Nasaan ba ang utak mo? Ha?” “Yvonne—” “Ginagago mo ba ako, Kevin? Look at you! Ako pa talaga ang makaramdam ng awa? Out of all you’ve done to my life maaawa ako?” Malakas niya itong sinampal. “I don’t hate you, Kevin. Not even Kristine. Not even my Mom. Not even my Dad. I don't hate you all. Because hate is a feeling and I feel nothing for you. Don't be ridiculous.” Kaagad siyang naglakad palayo at iniwan itong nakatunganga. Huminga siya nang malalim. Hindi dapat siya nagagalit. She needs to control herself. Sinalubong siya ni Karina sa Cafeteria at sabay silang lumabas ng campus. Handa na rin itong umalis. “Naayos mo na ba?” tanong nito sa kanya. “Yes. I'll have to come back tomorrow,” aniya. “Good thing you’re ready. So, ano na pala ang gagawin mo?” “Ibebenta ko ang bahay. Total sa akin naman nakapangalan iyon. Bibili ako nang maliit na apartment for Manang kasi mag-aaral ang isa niyang pamangkin and she needs a place to say.” Bigla siyang nalungkot. “I do not want to leave, Karina,” pag-amin niya. Bumuntonghininga ito. “I know it won’t be easy. Pero kailangan mo ito, Yvonne. Kasama mo naman ako. Together, we will conquer the world.” “Thank you, Karina. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Siguro, nakatulala pa rin ako ngayon. Mabuti na lang at nandiyan ka at nagising ako sa katotohanan. Bilog ang mundo. Karma will get them. Maghihintay ako,” aniya. “Mabuti na lang talaga at may ipon ako since birth. Kung wala ay ewan ko kung saan ako pupulutin.” “Hay, naku. Huwag kang mag-alala at karamah mo ako.” “Thank you talaga.” Yumuko siya at huminga nang malalim. “Masakit pa rin sa akin ang mga nangyari pero kailangan ko talagang lumaban sa buhay. I need to prove to myself na kaya ko kahit wala sila sa buhay ko.” “Good girl,” nakangito nitong sabi. Sabay silang lumabas ng Cafeteria. Iksakto naman na makakasalubong nila ang kanyang ina. Kasama nito si Kristine na mukhang nagsusumbong pa tungkol sa nangyaring sagutan nila. “Psh. Out of all places, dito pa talaga kita makikita,” nakangiwing komento ng kanyang ina. Nagkibit-balikat siya. She looked at Kristine with amusement in her eyes. Ibinalik niya ang paningin sa babaeng kasama nito. “Hello, Mrs. Laurel, ops. Sorry. Shall I call you Mrs. Vallente?” tanong niya rito. “I can’t believe na papatol ang isang batikang Doktor sa isang lalaking . . . ” binalingan niya ang kaibigan bago nagpatuloy. “ . . . walang trabaho at maraming anak.” “How dare you—” “Shut up! How dare you say that to me? I am not your daughter. I don’t have a filthy, wh*re of a mother. Now, shut the f*ck up and get a f*cling life, B*tches!” Inangat niya ang kanyang kamay at pinakyuhan ang kanyang ina na halos ikalaki ng mga mata. Tulala na sumunod sa kanya si Karina at kalaunan ay napahagalpak ito ng tawa. “What the heck? Ikaw ba talaga 'yon, Yvonne? My God! Hindi ko alam na marunong ka talagang lumaban sa bardagulan.” “They deserve it. Nagkasagutan kami ni Kristine kaninang umaga. Nagsumbong yata roon sa malibog kong ex-boyfriend kaya sinugod din ako. Ayun, nasampal ko. Ang ingay, eh.” “Good. Nagmana ka talaga sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD