Chapter 10
Lights. Everything was bright. Nakakasilaw. Kaagad niyang tinakpan ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay. “IV fluid?” she asked herself na tila ba wala siya sa kanyang sarili.
Mabilis na lumapit sa kanya si Karina nang marinig nito ang kanyang boses. “Yvonne! Thank goodness! Mabuti naman at gising ka na. I was so worried about you.” Ginagap ng dalaga ang kanyang kamay. “How are you feeling, Babe? Gutom ka ba? I'll call the Doctor, okay?” Mabilis itong nawala sa kanyang paningin.
“B-Bakit ako nandito?” nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. Wala siyang maalala.
Pagkabalik ni Karina ay kasama na nito ang Doctor. Kaagad na lumiwanag ang mukha nito nang makita siya. “You're awake, Miss Laurel.” He checked her vitals at kung ano-ano pang gamit ang tiningnan nito. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito.
“You are a fighter, Miss Laurel. Mabuti na lang at lumaban ka pa. We almost lost you,” anito na lalong nagpagulo sa kanyang sistema.
Naguguluhan niyang tingnan ang Doktor. “W-Why? What happened to me?” she asked.
“Well, hindi kinaya ng katawan mo ang stress kaya bigla kang nawalan ng malay. You were stressed these past few days and something caused you a heart attack. May sakit ka sa puso. Something triggered it at ikaw lang makakapagsabi nito sa amin so we can assist you in getting better.”
Bigla siyang natigilan. “Relax. Maagapan pa naman ito, Miss Laurel. But for the meantime, please refrain yourself from getting stressed. Relax and enjoy your life.”
Hindi siya nakapagsalita. Wala siyang maintindihan sa mga narinig at hindi ito tinatanggap ng kanyang isipan. Umiling-iling siya.
“Kapag maayos na ang kalagayan mo ay puwede ka ng ma-discharge mamayang gabi. Iinumin mo lang ang last pill na para sa 'yo para ma-lessen ang pain sa katawan mo. You're body is also tensed kaya kailangan mo na ring magpahinga nang mahabang oras.”
Nagpaalam ito sa kanila. Tulala lang siyang nakatingin sa kisame.
Heart attack . . .
Sakit sa puso . . .
Heart attack . . .
I had a heart attack . . .
Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ng doktor. She lost everything, and she almost lost her life too. And it's all because of them.
The traitors.
Pilit na ngumiti sa kanya si Karina. Lumapit sa kanya ang dalaga at hinaplos nito ang kanyang buhok. “Alam mo, nasasaktan ako. Pero hindi ko kayang umiyak. Gusto ko silang saktan. Gusto kong ipaghiganti ka, pero hindi maaari. Natatakot ako sa karma.”
Umiiyak ito pero hindi niya maintindihan kung bakit. Nag-angat siya ng kamay at pinisil ang pisngi nito. “Don't cry, Karina,” pang-aalo niya sa kaibigan.
“I-I'm not,” matigas pa nitong tanggi. Sumisinghot-singhot pa ito. “Let's hope for the better.”
Pinakain siya ni Karina. Halos ito na ang nag-asikaso sa kanya. Tinanong niya kung ano ang nangyari sa kanya. Nagkuwento ito at tahimik siyang nakinig hanggang sa makatulog siya.
Nagising na lang siya nang paalis na sila. “Nabayaran na ang bills mo. Everything is ready,” anito sa kanya nang nakangiti.
Ngumiti rin siya. “Salamat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka,” aniya.
“Tsk. It’s fine. Huwag kang magdrama at naiinis ako.”
Tumawa siya ngunit kaagad ding tumigil nang maalala ang sinabi ng doktor. She needs to be careful. She needs to focus on her health.
Tulak-tulak siya ng dalaga sakay ang wheelchair habang nasa kanyang kandungan ang maliit na bag. Pinindot nito ang groundfloor nang marating ang elevator at naghintay. Pagbukas ay kaagad silang pumasok.
Magsasara na sana ang pinto ng biglang may pumasok. Nag-angat ng paningin si Yvonne at natulala siya. It was her mom, but not anymore. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at parang hangin lang siya sa paningin nito.
Naramdaman niyang naging balisa si Karina. Yumuko siya at huminga nang malalim. “M-Mom . . . ” tawag niya rito sa paos na boses. Lumingon ito sa kanya at nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.
“Look at you. You looked like a garbage. Dapat lang talaga na binasura kita dahil wala kang kuwenta.”
Nakanganga niya itong tiningnan sabay pilit na ngumiti. “How heartless can you be?” she mumbled to herself.
“Tsk. Pathetic.” Kaagad itong nagdabog paalis nang bumukas ang lulan nilang elevator. Nanghihina siyang napasandal sa wheelchair.
“Don't mind her, Yvonne. Stay strong. Alalahanin mo ang sinabi ng Doctor. You need to stay strong.” Tinulungan siya nitong sumakay sa sasakyan. “Ihahatid ko lang tong wheelchair. Wait for me. Huwag kang gumawa ng ikasasama ng pakiramdam mo,” paalala pa nito.
Hindi siya nagsalita. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pagod na sumandal. Hinayaan niyang lamunin siya ng kadiliman.
“Yvonne, nandito na tayo sa bahay mo,” untag sa kanya ni Karina.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Lalabas na sana siya nang makita ang pamilyar na sasakyan sa labas ng gate nila. Parang minadali lang ito sa pagparada.
“I think your father is here,” anunsyo ni Karina. “And it's not good. I have a feeling.”
Hindi siya nakinig. Gumaan ang kanyang pakiramdam dahil bumalik ang kanyang ama. Finally. Pakikiusapan niya ito na suyuin ang kanyang ina. After all, she wanted a perfect and complete family.
Kahit sinabihan siya ng Doktor na mag-ingat ay tumakbo pa rin siya papasok ng bahay at binalewala ang nag-aalalang pagtawag sa kanya ni Karina.
Pagkabukas niya ng pinto ay nag-aalalang mukha ni Manang ang kanyang nabungaran. “Manang! Si Daddy?” excited pa niyang tanong dito.
Umiling ito saka bumuntonghininga. Hindi ito nagsalita. Binigyan siya nito ng daan at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng kanyang ama. Nakaupo ito sa sofa sa sala at mukhang hinihintay siya nito.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa ama. “Daddy, you came back,” aniya ngunit hindi man lang ito natinag. Sinamaan lang siya nito ng tingin.
She felt her heart torn into pieces, again.
Para bang inis na inis ito sa kanya at pakiramdam niya ay hindi na ito makapaghintay na umalis.
“Bakit ngayon ka lang?” galit nitong tanong. “Kanina pa ako naghihintay sa 'yo.”
Nagulat siya sa biglaan nitong inasta. Hindi niya inaasahan na ganoon ang itatanong nito. Imbis na tanungin nito kung ano ang nangyari sa kanya ay nagalit pa ito dahil natagalan siya.
“D-Dad, I was—”
“I don't care! Sign these papers right now!” mariin pa nitong utos.
Napalunok si Yvonne. Hindi man lang ba ito magtatanong kung kamusta siya? Kung nasaan siya nitong mga nakaraang araw? Kung ano ang mga nangyari? Hindi man lang ba ito magpapaliwanag?
Bumaba ang kanyang paningin sa mga papeles na nasa ibabaw ng mesa. Nakalatag ito katabi ang isang itim na ballpen. Ang kailangan na lang niyang gawin ay ang pumirma.
“W-Why?” nagtataka niyang tanong. Nagsisimula na naman siyang manghina.
“I am disowning you. I won’t recognize you as my daughter anymore. You are no longer a Laurel.”
Natigagal siya sa narinig. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Nanginig at kumibot-kibot ang kanyang labi dahil sa pagkagulat at hindi na niya alam kung ano ang sasabihin.
“Sign these now. Hurry!”
“B-But, Dad—”
“Don't you dare call me that again. I am not your father. You are a disgrace to this family. Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. You are the reason. Everything was ruined because of you. Matagal na akong nagtimpi. Now, I want you out of my life. I do not want to hear from you again.”
Nagmamadali niyang inabot ang ballpen at na nanginginig na mga kamay ay kinuha niya rin ang mga papeles. Kaagad siyang kumapit sa mesa upang suportahan ang sarili. Bumagsak siya sa sahig. Nanginig ang kanyang mga tuhod.
“Hurry!” singhal pa nito dahilan upang siya ay kumilos. Blanko ang kanyang isipan habang pumipirma. Ni hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginawa.
Her mind was clouded, and so were her eyes.
Pahablot nitong binawi ang mga papeles at para itong na bigla na lang naglaho. Nanginig ang kanyang katawan. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagkagulo ang kanyang pamilya. Biglang naglaho ang pinangarap niyang buhay.
She was a princess before, with lots of love, a boyfriend, a loving parents, a perfect family. Sa isang iglap, naglaho ang lahat.
Hindi niya na namalayan na nakayakap na sa kanya si Manang. Lumapit sa kanya si Karina at ganoon din ang ginawa nito. She cried and cried until her body turned numb. Halos para siyang robot na hindi gumagalaw. Walang baterya at walang kabuhay-buhay. Wala siyang ginawa kundi ang umiyak lang hanggang sa mapagod. Hindi siya iniwanan ng dalawang taong tunay na nagmahal sa kanya.
Gusto niyang ibalik ang lahat sa dati, ngunit mukhang hindi na iyon mangyayari.
And now, she is no longer Jan Glysdi Yvonne Laurel.