Chapter 3:
"Thank you," ani Yvonne habang bumababa sa sasakyan ng kaibigang si Katarina.
"You're welcome, Babe," anito nang nakangiti. Pinanood pa ni Yvonne ang pagmaneho paalis ng kaibigan bago siya pumasok sa kanilang gate.
As usual wala pa ang kanyang mga magulang. "Magandang gabi, Iha," bati sa kanya ng kanilang kasambahay nang pagbuksan siya nito ng gate. "Umuwi na ba sila Mommy?" tanong niya rito. Umiling ito, halatang malungkot.
"May nangyari po ba, Manang?" tanong niya rito.
"Wala naman, Iha," tipid nitong sagot. Hindi na lamang niya iyon pinansin at dumiretso na sa kanyang kuwarto. Nakangiti niyang inilapag ang kanyang mga gamit. Ipapakita niya mamaya sa kanyang mga magulang ang kanyang mga grado sa exam nila. Sigurado siyang matutuwa ang mga ito sa resulta nang pagsisikap niya.
Nagtaka pa si Yvonne nang tawagin siya ng kanilang kasambahay upang kumain na. "Ma'am, tumawag po ang Mommy ninyo na matagal pa sila makakauwi. Mauna na raw po kayong kumain," pagbibigay-alam nito sa kanya.
"Bakit daw po?" nagtatakang tanong ni Yvonne sa kaharap. Nagkamot lang ito ng ulo bago umiling. Bumuntonghininga siya bago nagsalita. "Bababa na po ako," aniya. Tumango naman ang kasambahay nila bago naunang bumaba.
Tiningnan niya ang kanyang cellphone at wala pa rin siyang natatanggap na mensahe mula sa kanyang nobyo. "Aren't he gonna answer his phone? Ilang beses na akong tumawag, ah! Hindi man lang nagre-reply sa mga texts ko," naiinis niyang bulong sa sarili.
Inis siyang bumaba at naupo sa hapag. Mag-isa siyang kumain. Excited pa naman sana siyang ibalita sa mga magulang niya ang natanggap niyang scores kanina kaso mukhang mas may importante pa ang mga itong inasikaso kaysa sa kanya. Mapait siyang ngumiti. Ngayon lang ito nangyari. Hindi siya mapakali habang kumakain. Pakiramdam niya ay kinakalikot ang kanyang sikmura. Her anxiety is causing her to stop eating. Nawawalan siya ng ganang kumain.
She put down her spoon and fork. Pinunasan niya ang kanyang bibig bago tumayo. Hinayaan na lang niya na ang mga kasambahay ang magligpit iyon. Sumasakit talaga ang kanyang tiyan at hindi niya alam kung ano ang dahilan niyon. Mabilis niyang narating ang kanyang kuwarto. Hinanap niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ng nobyong si Kevin. Nakailang ring pa iyon bago sinagot ng binata ang tawag.
"Why are you not answering my calls?" kaagad niyang tanong sa nobyo. Narinig niya itong bumuntonghininga.
"May ginagawa ako," walang kagana-gana nitong sagot sa kanya. Napairap na lamang si Yvonne.
"Come on, Kevin! It's always been like this! Palagi ka na lang nagdadahilan! Puwede ka namang mag-text! Hindi itong pinaghihintay mo ako!" malakas niyang sumbat. Naiinis siya dahil palagi na lang nagdadahilan ang nobyo. Ngayon naman ay sumobra na. Noon nakukuha pa nitong mag-text sa kanya kung ano ang ginagawa nito ngunit ngayon ay hindi na nito nagagawa. Ni wala itong planong sabihan siya sa mga nangyayari sa buhay nito.
"I'm busy," malamig nitong tugon.
Kumuyom ang mga palad ni Yvonne dahil sa tinuran ng kausap. "Right! You're always busy. D*mn it!" malakas niyang singhal bago ibinaba ang tawag. Ibinato niya ang kanyang cellphone sa kama bago bumuntonghininga nang malakas. Naihilamos na lang niya ang kanyang mga palad sa sariling mukha bago naupo sa sahig. Naiinis siya dahil nag-away na naman sila. Alam niyang mahihirapan na naman siyang pakiusapan ang binata upang magkaayos sila. Hindi niya alam.kung bakit nagiging malamig na ito sa kanha.
Kaagad siyang napatayo nang makarinig ng tunog ng sasakyan. Mabilis siyang lumapit sa bintana ng kanyang kuwarto upang silipin kung sino ang dumating. Ang kanyang ina. Natuwa siya nang makita ito ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil mukhang may kaaway ito. Mabilis siyang pumanaog upang salubungin ito.
Yayakapin na sana niya ito ngunit nabigla siya nang makita nang tuluyan ang hitsura ng kanyang ina. Pinagpapawisan ito at halatang galit na galit. "Mom," bulong niyang tawag dito ngunit tinapunan lamang siya nito nang masamang tingin. "What are you doing?" naguguluhang tanong niya rito habang pinagliligpit ng ina ang mga importante nitong gamit na nasa sala nila.
"I'm leaving!"
Nagulat si Yvonne dahil sa tinuran ng kanyang ina. Natigilan siya habang nakasunod ang kanyang mga mata sa galaw ng ina. "W-What?" hindi makapaniwalang tanong niya sa inang hindi magkadaugaga sa pagligpit ng mga gamit. Sinundan niya ito hanggang sa master's bedroom.
"What do you mean? Mommy? What happened? Where are you going?" Yvonne asked hysterically.
"I'm leaving you! And tired of this house! Iiwan ko na ito sa 'yo!" pagbibigay-alam nito sa kanya.
"W-What?" nanlalaki ang mga matang tanong niya habang nanginginig. "Why?"
"Maghihiwalay na kami ng Daddy mo. We don't really love each other," pagkukuwento pa nito sa kanya.
Umiling siya nang umiling upang pigilan ang kanyang ina ngunit itinabig lang siya nito. Tumama ang kanyang katawan sa malamig na pader kaya naman malakas siyang napadaing. Wala man lang lumapit na mga maids nila. Mukhang alam na ng mga ito ang mangyayari. Kaya pala mukhang may mali nang makauwi siya kanina.
"Where's Dad?" tanong niya.
"I don't know!"
"Sasama ako sa inyo!"
Mabilis na napabaling sa kanya ang ina. Umiling ito. "Hindi," malamig nitong tugon.
Naguluhan na naman siya. "Bakit?"
"Hindi mo ba napapansin? Napapagod na ako! Napapagod na ako sa 'yo! Napapagod na ako sa Daddy mo! I hated this life and I hated having you!"
Nanlulumong napaluhod si Yvonne dahil sa mga narinig. Tutop niya ang kanyang bibig dahil sa nalaman. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Her world is crushing down and she does not know how to react. Wala sa isip niyang magkakaganito ang masaya nilang pamilya.
"I thought we were happy?" hindi makapaniwalang tanong niya. Mahina lamang iyon kaya hindi niya alam na maririnig pa pala iyon ng kanyang ina.
"Happy? This life is b*llshit, Yvonne! I regretted marrying your Dad!"
Hindi na napigilan ni Yvonne ang ina habang hila-hila nito ang malalaking maleta. She called her mothers name between sobs. She tried calling her boyfriend for comfort but he's out of reach. Pakiramdam niya ay pinagtulungan siya ng tadhana. Hindi niya magawang tawagan ang ama dahil alam niya nasasaktan din ito sa mga nangyari. Hindi niya alam ang gagawin.
"M-Ma'am," mahinang tawag sa kanya ng kanilang kasambahay. Mabagal niya itong nilingon. Nakita niya sa mukha nito ang awa. Pumalahaw siya ng iyak habang yakap-yakap siya ng ginang.
"Tahan na," anito habang hinahaplos ng babae ang kanyang likod. "Matagal ng nag-aaway ang mga magulang mo. Hindi lang nila ipinapakita sa iyo pero may ibang lalaki ang Mommy mo, iha. Huwag mo sanang masamain pero dinadala niya rito ang lalaki kapag wala ang Daddy mo at nasa school ka naman."
Nagugulat na nilingon ni Yvonne ang kasambahay nila. Matagal na si Manang na naninilbihan sa pamilya nila kaya alam niyang mapagkakatiwalaan ito. "B-Bakit ngayon lang po ninyo sinabi?" nagtatampong tanong niya. "Sino po ang lalaki? Alam po ba ni Daddy?"
Tumango ito bago siya nito niyakap ulit hanggang sa makatulugan na lamang niya ang nangyari.