Chapter 4

1529 Words
Chapter 4 Nagising si Yvonne na ngarag at masakit ang ulo. Nawalan siya ng ganang bangon. She wanted to call Kevin pero hindi niya ito matawagan. Nakapatay ang cellphone ng binata. Nagtaka si Yvonne. Hinayaan niya na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya sa nangyayari sa kanyang pamilya. Hindi pa rin umuwi ang kanyang ama at hindi rin niya ito mahagilap. Pati ito ay nakapatay rin ang cellphone. Ang kanyang mommy naman ay nagpalit na ng numero kaya hindi rin niya ito matawagan. “No. No. This is not happening to my family. I can't accept this! Hindi puwedeng basta na lang umalis si Mommy.” She gathered her thoughts ngunit parang pinako ang kanyang katawan sa kanya. Hindi siya makakilos at para siyang na estatwa. “Come on! I need to fix this!” umiiyak niyang pinagsusuntok ang kanyang binti. “Kumilos ka!” she shouted. She was frustrated. “Aargh!” She slapped her face. “Mom! Dad! Why did you leave me? Why?” Malalakas na katok ang nagpatigil sa kanya. “Iha? Iha? Gising ka na ba?” Biglang bumukas ang pinto. Hindi na nahiya si Yvonne na makita ni Manang ang kanyang hitsura. Gusot na gusot ang kanyang buhok, wala sa ayos ang kanyang suot na damit, mugto ang kanyang mga mata, at halos mangitim ang ilalim nito dahil sa sobrang stressed. “Ma-Manang,” walang boses niyang bulong. Tuluyan na siyang napaiyak. Kaagad itong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “Sssh. Tahan na. Malalagpasan mo rin ito. Ayos lang ang lahat, Iha. Magiging maayos din ang lahat,” pang-aalo nito sa kanya. “M-Manang, bakit ganoon? Hindi ko maintindihan. Saan ba ako nagkamali? Bakit nila ako iniwan?” bulol-bulol niyang tanong. “Tahan na. Hindi ka nagkamali. Walang mali sa ginawa mo. Sila ang may problema. Tahan na.” Hinaplos nito ang kanyang buhok upang patahanin siya. “Kailangan mo pang pumasok. Kaya mo ba?” nag-aalala nitong tanong. Umiling si Yvonne. “Hindi ko po alam, Manang. Hindi ko alam,” umiiyak niyang sabi. Pinahiran niya ang kanyang mga luha. “Bakit?” “Ipaghahanda kita ng makakain.” Umiling si Yvonne. “Wala po akong gana,” tanggi niya. “Iha, kailangan mong kumain. Hindi ako papayag niyan. Nangako ako sa Mommy mo na aalagaan kita,” nag-aalala nitong wika. “P-Pero—” “Walang pero-pero sa akin.” Binigyan siya nito ng isang mahigpit na yakap at tumayo na. Lumabas ito ng kanyang kuwarto. Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Yvonne. Masama pa rin ang kanyang loob. Wala la rin siyang ganang bumangon ngunit pinilit niya ang kanyang sarili. Kailangan niyang pumasok sa eskuwelahan. Wala sa sarili siyang naligo at nag-ayos. Halos isang oras din ang itinagal niya sa banyo para lang ayusin at takpan ang malalaking eye bag niya. “Iha, Yvonne?” rining tawag ni Manang. “Kumain ka na.” Lumabas siya ng banyo. “S-Susunod po ako,” walang gana niyang sabi. Malungkot siyang sumunod dito. Binitbit na niya ang kanyang bag dahil ayaw na niyang umakyat pa ulit. Masarap naman ang nakahain sa kanyang harapan ngunit wala siyang ganang kumain. Wala rin siyang plano. Bagsak ang balikat niyang tinalikuran ang mesa. Nagmamadali siyang naglakad palabas ng bahay. Nagmamadali siyang sumakay sa kanyang sasakyan. Mabuti na lang at hindi ito kinuha sa kanya. Regalo ito sa kanya ng kanyang mga magulang sa kanyang eighteenth birthday. Bumuntonghininga siya. Ito na lang ang natira maliban sa bahay. Pinaandar niya ang sasakyan at nagmaneho paalis. Nasagip pa ng kanyang paningin si Manang na nagmamadaling sumunod sa kanya habang palabas siya ng garahe. Nakapamaywang ito ngunit halata sa mukha ang pag-aalala para sa kanya. Hindi na niya namalayan na narating na pala niya ang unibersidad. Walang imik siyang nakatitig sa kawalan. Kung hindi pa siya kinatok ni Karina ay hindi siya babalik sa huwisyo. Karina signed if she was okay. Tumango si Yvonne. Pilit siyang ngumiti. Binuksan niya ang pinto saka bumaba. “Wow. You looked like a mess,” komento nito nang makita ang kanyang hitsura. Kagat-labi siyang ngumiti sa kaibigan. “I’m fine. Napuyat lang ako,” pagsisinungaling niya sabay ng tingin dito. Karina crossed her arms and stared at her. “Liar.” Mabilis na binalingan ni Yvonne ang dalaga. Humalukipkip siya. “I know,” aniya. Sabay silang naglakad papasok. “Tell me about it.” “Family,” tipid niyang sagot. “Okay. I won't force you but I’m with you.” Tumango lang si Yvonne at pumasok na sila sa klase. Nagtataka niyang tiningnan ang kaibigang si Kristine habang may kausap ito sa cellphone. Nang makita siya nito at bakas ang pagkagulat sa mukha ng dalaga. Kaagad nitong pinatay ang tawag at ngumiti sa kanya. “What happened to you?” nagugulat nitong tanong. “Nothing.” “Eh?” “Don’t mind her,” si Karina ang sumagot. Hindi alam ni Yvonne kung bakit parang may inis si Karina kay Kristine ngunit hindi na lang niya ito pinansin. Bumuntonghininga si Yvonne at natapos ang klase na lumilipad ang kanyang isipan. Ni hindi mga niya napansin na nasa klase pala siya. “Aalis ka na?” nagtatakang tanong ni Yvonne sa kaibigang si Kristine. Tumayo kasi ito kaagad at mukhang nagmamadali pang makaalis. “Yes. May kailangan k-kasi akong samahan,” anito. “I mean, nagpapasama ang kapatid kong bumili ng gagamitin niya sa projects nila.” Mabilis nitong itinago ang wallet sa loob ng bag. Napansin pa rin iyon ni Yvonne at nagtaka siya dahil kapareho ito ng bigay sa kanya ng kanyang Mommy. Mas naguluhan siya dahil limited edition ito at nawawala ito sa kanyang mga gamit. “G-Ganoon ba? Sige. Ingat ka,” wala sa sarili niyang sabi. Binitbit niya rin ang kanyang bag at aalis na sana nang magsalita si Karina. Bumuntonghininga siya. “Alam mo, Babe. May napapansin akong kakaiba sa kanya. Baka mamaya inaahas na ng babaeng iyan ang boyfriend mo,” walang kagatol-gatol nitong sabi. Nagulat si Yvonne. Nilingon niya ang dalaga. “Ikaw naman. Huwag kang mag-isip ng ganiyan,” saway niya rito. “Aba. Bahala ka. Pinagsabihan na kita na mag-ingat ka sa kanya,” paalala pa nito. “She's a good friend, Karina. Huwag mo siyang pagsalitaan ng masama,” naiinis niyang sabi. Nagkibit-balikat lang ito. “Okay,” anito. “So, saan ba tayo?” “Hindi ko alam.” “Should I treat you?” tanong nito ulit. “Huwag na, Karina. I just want to be alone for now,” buntonghininga niyang sagot. Nagpaumuna siyang naglakad palabas ng building hanggang sa parking lot. Dahil wala na siyang pasok sa hapon at nakatulala lang siyang nakaupo sa kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung saan tutungo. Gusto niyang hanapin ang kanyang ina ngunit hindi niya alam kung saan ito hahagilapin. Gusto niya ring mahanap si Kevin ngunit nakapatay pa rin hanggang ngayon ang cellphone ng binata. Inis niyang ibinato ang kanyang cellphone. “Hindi ba talaga niya ako kakausapin? I need him right now but he’s not available!” She stomped her feet at hinampas ang manibela. Parang tumalon palabas ng kanyang katawan ang kanyang kaluluwa dahil aksidente niyang napindot ang busina nito. Hinayaan niya kasing nakabukas ang makina ng sasakyan. Napansin niyang pati ang lalaking tahimik na naglalakad ay napatalon din dahil sa gulat. Inis pa itong bumaling sa gawi niya. Sa sobrang lukot ng mukha nito ay nagpapasalamat siya dahil tinted ang kanyang sasakyan. “That's right. I’m going to your place.” Buo ang desisyon na nagmaneho si Yvonne. Hanggang sa marating ang apartment ng nobyo ay hindi na siya mapakali. Pakiramdam niya ay sasabo sa kaba ang kanyang dibdib. “Damn it! Bakit ba ako kinakabahan? Bibisitahin ko lang naman siya?” Bumaba siya ng sasakyan at naglakad papasok sa building. Bigla siyang nanginig sa hindi malalang dahilan. “Come on, Jan Glysdi Yvonne. Chill,” usal niya sa sarili. Naglakad siya at huminto sa harap ng pinto. She felt her heart stopped beating after hearing a laughter. A woman's voice. Nahigit niya ang kanyang hininga. Pinihit niya ang seradura ng pinto ngunit nakasarado ito. She held her breath tightly. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Naglakas loob siyang kumatok sa pinto at napansin niya ang paghinto ng tawanan at biglang tumahimik ang paligid. Tanging t***k lang ng kanyang puso ang kanyang naririnig at parang sasabog na siya sa galit. Bumukas ito at bumungad sa kanya ang isang babae. “Y-Yvonne,” nagugulat na usal ni Kevin. Bigla itong naging balisa. “Ano ang ginagawa mo rito?” bigla ay galot nitong tanong. “I’m here to visit you.” “Sino ’yan, KD?” Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang marinig ang pamilyar na boses. Tulala niyang binalingan ang nobyo habang napapakamot ito sa ulo. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Mas lalong gumuho ang kanyang mundo nang sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ng kaibigang si Kristine. Suot pa ng dalaga ang t-shirt ni Kevin habang magulo ang buhok nito. Halos masuka siya sa nasaksihan. Bumagsak ang mga balikat ni Yvonne habang nakatitig sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD