Chapter 5

2024 Words
Chapter 5 “K-Kristine?” tigagal na tanong ni Yvonne. Kumunot ang kanyang noo. “What are you doing here?” galit niyang tanong. “Y-Yvonne—” “Umalis ka na,” sabat ni Kevin. Masama itong tumingin sa kanya. “Bakit ka naman pumunta pa rito? I don't need you here,” anang kanyang nobyo. Napanganga si Yvonne. Nagugulat siya sa sinabi nito. “K-Kevin . . . ” “You’re not welcome here,” malamig nitong sabi. “B-But—” “Umalis ka na,” he said firmly. She felt a knot in her stomach. “W-Why?” nagtataka niyang tanong. “Hindi ba dapat siya ang paalisin mo rito? I am your girlfriend! Bakit siya ang kasama mo?” malakas na tanong ni Yvonne na naging dahilan kung bakit naglabasan ang mga tao sa kalapit na rooms. It made Kevin look anxious. “Umalis ka na,” mariin nitong bulong sa kanya. “No!” mabilis na tanggi ni Yvonne. “Give me an explanation. Ikaw?” Tinuro niya ang kaibigang si Kristine. “I thought of you as a friend. Pero ano ang ginawa mo? Nakikitulog ka sa pamamahay ng boyfriend ko? What are you? Linta ka ba? Dikit na dikit ka sa taong may mahal na.” Natigagal ito habang siya ay hindi na mapipigilan ang emosyong nag-uumapaw. “Yvonne, it's not what you think—” “Mahal?” patanong na wika ni Kevin. Mariin itong tumitig sa kanya. “I don't love you, Yvonne. Nakakasakal ka na. At huwag na huwag mong pagsalitaan ng masama si Kristine. Matagal na kaming magkakilala bago kita nakilala. She's my best friend.” Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga nata ni Yvonne. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ng nobyo. “W-What? After all I have done? Sasabihin mong hindi mo ako minahal?” Mabilis na lumipad ang kanyang kamay at dumapo ito sa kaliwang pisngi ni Kevin. Halos umikot ang ulo ng binata. “Kevin! Oh my God!” sigaw ni Kristine. Napangiwi si Yvonne. “Wow! Best friend?” Pumalatak siya. Lumapit siya sa dalawa at mabilis na hinila ang buhok ni Kristine. “How dare you! How dare you! You w***e!” Kinaladkad niya ito palabas. “Ouch! Bitawan mo ako?” Nagpumiglas ito. “Kevin! Help me!” pagmamakaawa pa nito. Dahil sa narinig ay mas lalong nginudngod ni Yvonne ang mukha ni Kristine sa semento. Sa isang iglap ay may humablot sa kanya at tumama ang kanyang likuran sa pader. Halos mapasigaw siya sa sakit na dumaloy sa kanyang katawan. Para siyang kinuryente. Lumapit sa kanya si Kevin at itinayo siya nito. Wala man lang umawat sa kanila. Umangat ang kamay ng binata at kusang napapikit si Yvonne. Handa na siyang tanggapin ang sampal nito ngunit ilang segundo na ang lumipas ay wala man lang nangyari. “Babae ’yan, Pare.” Mabilis na nagmulat ng mata si Yvonne. Nakasangga sa braso ni Kevin ang isang malaking kamay. Nagugulat na nag-angat ng paningin si Yvonne. She’s not familiar with the man. Ngayon lang niya ito nakita. Magulo ang buhok nito at nakasuot lang ito ng puting sando at boxer shorts. “I was sleeping. You're disturbing everyone,” galit nitong sabi at mukhang hindi nga ito natuwa. Hindi man lang nakaramdam ng hiya si Yvonne. Tinabig niya ang kamay ng nobyo at hinarap ang kaibigan na mukhang na estatwa dahil sa nakitang lalaki. Mukhang may bago na naman itong nagustuhan. Linta ngang talaga. Hinarap niya ang nobyo. “Magsama kayong dalawa,” inis niyang sabi sabay lakad paalis ng apartment. Ni hindi na niya hinarap ang lalaking tumulong sa kanya dahil wala siyang pakialam dito. She broke down after getting into her car. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang pag-iyak. She screamed her lungs out. Hindi siya makapaniwala na ang taong itinuring niyang kaibigan ay ginawa siyang tanga. Ni hindi man lang niya naramdaman ang pang-aahas ng dalawa. Naalala niya ang sinabi ng kaibigang si Karina. “She was right and I did not believe her. Inaway ko pa siya ngayon.” Another pool of tears stream down her cheeks. Halos mamaga ang kanyang mukha. Suminghot-singhot siya. “I can't believe you did this to me, Kristine. You're my best friend.” Napaigtad siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan lang niya ito. Ayaw na muna niya ng kausap sa ngayon. She drove away. She wanted to drown her sorrows. Hindi niya alam kung saan siya napadpad. Basta ang alam niya, gusto niyang magpakalunod sa lungkot. TAHIMIK ang buong kuwarto ni Rowan at kasalukuyan siyang natutulog. Nagkalat ang ilang lata ng beer sa sala. His girlfriend broke up with him at hindi iyon natanggap ng kanyang sistema. Mahal na mahal niya ang dalaga kaya naman nang magdesisyon itong makipaghiwalay sa kanya ay nagwala siya. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang kaguluhan sa labas. “Damn it!” Mabilis na umikot ang kanyang paningin. Pakiramdam niya ay bumaliktad ang kanyang sikmura. Humahaba na rin ang kanyang buhok. “Arrgh! Bastards! Ang iingay!” pasinghal niyang reklamo. Padarag siyang tumayo upang tingnan kung ano ang nangyayari. Naglakad siya palabas ng kanyang kuwarto at walang kahirap-hirap na dumiretso sa sala. Pagkalapit sa pinto ay kaagad niya itong binuksan at sumilip sa labas. A woman was trying to pin the other woman on the ground. Nagulat siya nang biglang hinablot ng isang lalaki ang dalaga dahilan na tumama ang likod nito sa pader. Nakita niya kung paanong nawala ang kulay sa mukha ng dalaga. Napansin niyang napapikit ito at halatang nasaktan ito. Nagpalinga-linga si Rowan. Wala man lang tumulong. Parang walang pakialam ang lahat. May nagbi-bidyo at may nakatunganga lang habang nanonood. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Rowan nang itayo ng lalaki ang dalaga. Hindi niya alam kung paano niyang narating ang dalawa bago pa man lumapat ang kamay ng binata sa dalaga. Naramdaman niyang kumulo ang kanyang dugo at hindi niya napansin ang paglapit. Mabilis niyang nasangga ang braso nito dahilan na nagulat ito sa kanyang presensya. “Babae 'yan, Pare. Hindi dapat sila sinasaktan,” aniya sa mariin na boses. Halata rito ang pagkagulat. Maging siya ay gusto ng lamunin na lang ng lupa. Hindi dapat siya nakikisali sa gulo ng iba pero dahil naistorbo ang kanyang pagtulog ay kusang kumilos ang kanyang katawan. “You’re disturbing my peace. Huwag kayong manggulo rito,” wika niya sa naiinis na boses. The woman tsked. Mukhang hindi pa ito natuwa sa kanyang pagtulong. Pagkatpos nitong magsalita ay mabilis itong naglakad papalayo at naiwan siyang nakatulala. Sa isang iglap ay nawala ang mga taong nakiusyuso at ang lalaki ay nawala na rin. Nakilala niya ito. It was Kevin. Kaklase niya ito sa isang subject. “Tsk. Ano ba ang nagustuhan niya sa lalaking ’yon?” nagtataka niya tanong. “He looked like a pig,” nakangiwi niya pang komento. Kamot ulo siyang naglakad pabalik sa kanyang kuwarto. Pabagsak niya itong sinara. “Aish!” Inis niyang ibinagsak ang katawan sa sofa. His head is spinning. Gusto niyang masuka. He felt drained. He called his friend ngunit abala ito. Yayayain sana niya itong mag-inom sa kalapit na bar ngunit tumanggi ito. Pinagsabihan pa siya nitong huwag ng tumuloy pero matigas siya. Tumayo siya at nagpalit ng damit bago lumabas ng building. He hopped on his motorbike and rode away. Nagdidilim na. He wanted to drown his misery. Kaagad siyang bumaba ng kanyang motor at binitbit ang kanyang helmet papasok sa bar. He scanned the area hoping to find a perfect place. Nasagip ng kanyang paningin ang isang dalagang mag-isang umiinom at mukhang lasing na ito. Naglakad siya palapit at ganoon na lang ang gulat na rumehistro sa kanyang mukha. It was the same woman earlier. At mukhang wala na ito sa sarili. Pupungay-pungay ang mga mata nito at wala na itong pakialam sa paligid. Naglakad siya pabalik sa counter at umorder ng drinks. Wala sana siyang planong lapitan ang dalaga ngunit may isang lalaki ang pinipilit itong sumama. Bigla sigang nainis. “Damn this girl.” He stood up and walked towards them. Nag-angat ng paningin ang lalaki. “What? Ako ang nauna rito, Pare. First come, first serve,” anito nang nakangisi. Bigla siyang nainis. Hinablot niya ito sa kuwelyo. Bigla itong tumayo. “Don’t you dare touch her!” banta niya rito. Tinabig nito ang kanyang kamay. “What the hell!” singhal ng lalaki. “Sino ka ba?” Maging siya ay nagulat sa tanong nito. “It’s none of your business. Get the hell out of here!” singhal niya. Kaagad niyang tinulungan na tumayo ang dalaga. Halos magpumiglas pa ito mula sa pagkakahawak niya. Dahil may kaunting pang alak sa kanyang katawan ay bigla siyang nahilo dahilan upang bumagsak sila sa sofa. They both groaned in pain. Inis niyang itinayo ulit ang dalaga. “Damn it! Sobrang bigat naman nito,” angil niya pa. Kinuha niya ang gamit nito at binuhat ang dalaga palabas ng bar. Natigilan siya. Gulat niyang pinagmasdan ang mukha nito. “Now, what, Rowan?” tanong niya sa sarili dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin sa dalaga. Naglakad siya palapit sa kanyang motor at pinaupo ito roon. Hinayaan niyang sumandal sa kanya ang dalaga upang maalalayan ito habang hinahalungkat niya ang bag nito. Natigilan siya nang maamoy ang mabango nitong buhok. It was a scent that aroused something inside him. Umiling-iling siya. He felt helpless at biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. May kung ano sa pabango nito na nagpahipnotismo sa kanya. Napalunok si Rowan. He wanted to stay away ngunit hindi naman niya alam kung saan dadalhin ang dalaga. Namita niya ang susi ng isang sasakyan. Pinatunog niya ito at umilaw ang sasakyan na katabi ng kanyang motor. “Great. Hindi na ako mahihirapan.” Binuhat niya ang dalaga at binuksan ang sasakyan nito. Pinahiga niya ito sa back seat. Halos pagpawisan siya sa ginagawa. Aksidenteng dumampi ang labi ng dalaga sa kanyang pisngi dahilan upang matigilan siya. Para siyang nakuryente sa sobrang kiliti na naramdaman. “Mmm . . . ” ungol ng dalaga. Naikuyom ni Rowan ang kanyang kamao. He was shaking. Bumibilis ang t***k ng kanyang puso habang nakatitig sa mukha nito. “Damn! What is happening to me?” naiinis niyang tanong. Mabilis niyang isinara ang pinto. Hinanap niya ang cellphone ng dalaga. Tinatawagan niya ang unang numero na naroon pero hindi ito makontak. Pakiramdam niya ay may mali. Sinunod niya ang pangalawa ngunit hindi rin makontak. Hindi niyang maiwasang isiping kung bakit hindi makontak ang mga magulang ng dalaga. Finally, someone's phone rang. “Yvonne?” said the voice he was not familiar with. “Gabi na.” “Pick her up,” aniya. Narinig niya itong suminghap. “Who are you? Ano ang ginawa mo sa kaibigan ko? Kapag may nangyaring masama riyan, puputulan talaga kita ng bayag.” Napangiwi si Rowan sa narinig. “I’m helping her, so pick her up.” “Where?” tanong nito. “Wait! Sino ka ba?” Sinabi niya ang address at pinatay ang tawag. Napabuntonghininga na lamang siya nang biglang umiyak ang dalaga. Nagugulat niya itong tiningnan. Nagwawala ito habang nakapikit ang mga mata. “No! Don't leave me! Mom! Dad! Kevin!” Kumunot ang kanyang noo habang nakikinig sa mga sinasabi nito. “Everyone's leaving me. Everyone.” Tahimik lamang na umiiyak ang dalaga hanggang sa tumahan ito. Ilang sandali lang ay dumating ang babaeng tinawagan niya. Bigla itong sumugod sa kanya at sinampal siya nito. “What did you do to my girl?” galit nitong tanong. “What the hell? I was just trying to help!” singhal niya rito. Inis nitong binuksan ang sasakyan. “Oh my God! Yvonne!” sambit pa nitong nang makita ang dalaga. Dahil wala naman na siyang kailangan ay sumakay na rin siya sa kanyang motor. “Hey! Where do you think you're going?” galit nitong baling sa kanya. Sinimangutan niya ito. “None of your business.” Pinaharurot niya ang kanyang motor. “Aba!” rinig niya pang sambit nito bago siya tuluyang makalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD