Chapter 6
A loud thud wake Yvonne's senses up. “Ouch!” she growled in pain. Mabilis niyang hinaplos ang nasaktang balakang. Idinilat ni Yvonne ang kanyang mga mata. Nasa pamilyar na kuwarto siya.
Mabibilis na mga hakbang ang nagpabaling sa kanya sa pinto. “Iha!” ani Manang nang makita siyang nakahiga sa sahig. “Nahulog ka,” komento nito.
Tumango si Yvonne. Mabilis itong nakalapit sa kanya. “Hay, naku. Naglasing ka kasi kagabi. Mabuti na lang at pinuntahan ka ni Karina. Napakabait talaga ng bata iyon.” Tinulungan siyang tumango ni Manang at pinaupo sa kama.
Sapo ni Yvonne ang kanyang noo. Umiikot ang kanyang paningin at sumasakit ang kanyang sikmura. Parang bumabaliktad ito. Mabilis niyang tinakpan ang sariling bibig at ngarag na tumakbo papasok sa banyo. She held the bowl at doon sumuka nang sumuka.
“Ipaghahanda kita ng mainit na sabaw at lugaw. Kailangan mong kumain.”
Hindi na niya nagawa pang sumagot. Another pool of vomit jut out her mouth. Halos maliyo siya sa mabaho nitong amoy. Umaalingasaw iyon sa kabuuan ng banyo.
“Ugh! My head.” Umiikot ang kanyang paningin. Dahan-dahan siyang tumayo. She flushed the toilet and stared at her reflection. Sa sobrang gulo ng kanyang buhok ay hindi na niya halos makilala ang kanyang sarili.
“Who change my clothes?” nagtataka niyang tanong. “Baka si Manang,” nanghihina niyang sagot sa sarili.
She fixed herself and washed her face. Pagkatapos niyang magsipilyo ay lumabas na siya ng banyo. Nagpalit siya ng damit at bumaba sa kusina.
Doon pinaghanda siya ni Manang ng makakain. “H-Hindi pa rin po ba umuwi si Daddy? Nagkausap na po ba kayo, Manang?” tanong ni Yvonne sa kasambahay.
Umiling ito. Maging si Manang ay hindi natutuwa sa mga nangyayari. Lalo na at nasaksihan nito kung paano magmahalan ang kanyang mga magulang. Hindi pa rin niya maintindihan kung saan nagkulang ang mga ito. Bakit biglang nagbago ang lahat.
She prayed and eat her meal. Pagkatapos ay nagpasalamat siya kay Manang at umakyat ulit sa kanyang kuwarto.
Tiningnan niya ang kanyang cellphone at may mga text siyang natanggap. Ang lahat ng iyon ay galing kay Karina. She called her.
“H-Hi,” inaantok niyang bungad dito.
“How are you feeling? Kumain ka na ba? Did you sleep well? May masakit ba sa ’yo?” sunod-sunod nitong tanong.
“I’m sorry,” aniya.
Natigilan ito. “Why?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
“About my attitude yesterday. I was just kind of irritated the way you said something about Kristine. Ayaw ko lang kasi na pinagsasabihan ng kung ano-ano ang kaibigan ko,” panimula ni Yvonne.
Narinig niyang bumuntonghininga si Karina. “It’s fine, Babe. Alam mo naman na hindi lang ako komportable sa presensya niya. Something about her is—”
“I know,” putol niya sa sasabihin nito. Bumuntonghininga siya at huminga ng malalim bago nagpatuloy. “She's with my boyfriend.”
Narinig niya ang marahas na pagsinghap ng dalaga. “What!” hindi makapaniwala nitong singhal. “Hold on! What? Are you serious? You're not kidding, right?” sunod-sunod nitong tanong.
Tukamgo si Yvonne kahit hindi naman siya nakikita ng kaibigan. “I am serious, Karina. Sa sobrang seryoso, ay hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Siya pala ang rason kung bakit inip na inip sa akin si Kevin. She was the reason kung bakit atat na atat si Kevin na p*****n ako ng tawag. She was the f*****g reason our relationship was now over,” nanggigigil niyang sabi.
“What the hell!”
“That’s why I’m sorry. Dapat pala ay naniwala na ako sa 'yo,” hingi niyang paumanhin dito. “You were right all along, Karina.”
“Y-Yvonne . . . ” Bumuntonghininga ito. “Are you okay?”
“Me? I’m sure as hell that I’m not okay. My p-parents . . . ” Biglang may bikig na bumara sa kanyang lalamunan habang iniisip kung ano ang dapat na sabihin. Tahimik lang na nakikinig sa kabilang linya si Karina. “ . . . They broke up,” dagdag niyang wika.
Matagal bago nagsalita si Karina. “What?”
“Yes. Ilang araw na ring wala rito si Mommy. Hindi na siya umuuwi rito as well as Daddy. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. I can't contact them. Kahit sa trabaho ay wala rin daw sila. I don't know what to do anymore,” naiiyak niyang sabi.
“Kaya ka ba wala sa sarili these past few days?”
“O-Oo.”
“Gusto mo bang pumunta ako riyan?” Karina asked. Ramdam niya rin ang pag-aalala sa boses nito.
“No. I’m fine. I mean, I'm not really okay but kakayanin ko 'to,” pangungumbinsi niya rito kahit pakiramdam niya ay mas kailangan niyang kumbinsihin ang sarili na magiging ayos lang ang lahat.
“Are you sure?” naninigurado nitong tanong.
“Yes. I'm sure I will get through this.”
“Sige. Just call me if you need anything,” anito. Kaagad silang nagpaalam sa isa't isa. Hindi pa man dumadaan ang ilang minuto ay may tumawag sa kanya.
Napangiti siya nang makita ang pangalan. “Karina, why?”
“You’re not going to believe this!” sambit nito na animo ay hindi na makapaghintay. “Kristine was having a shoot today. Akala ko ikaw ang kinuhang model ng Starlight?”
Kumunot ang kanyang noo. “What?” Kaagad niyang binuksan ang kanyang laptop at binuksan ang kanyang emails. May mga natanggap siyang mensahe at isa mula sa Starlight Modeling Agency.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata. “N-No! Oh God no!” napasigaw sa gulat si Yvonne.
“B-Babe,” nag-aalalang wika ni Karina.
“They kicked me out. Pinalitan nila ako, Karina. That b*tch!”
“I’m sorry that this is happening to you.”
“No. Don’t be. I need to talk to them.”
Kahit hilong-hilo ay pinilit niyang lumabas upang puntahan ang studio. Sa susunod na araw sana ang shoot niya kaso tinanggal siya. Sa dinami-rami ng puwede nilang ipalit, yung haliparot pa niyang kaibigan ang kinuha mga ito.
Muntikan pa siyang mabangga habang nagmamaneho. She was so mad na halos pumutok na ang mga litid niya sa kanyang leeg. Hinampas niya ng ilang beses ang manibela. Sa sobrang galit niya ay lumampas pa siya at bumangga ang unahang parte ng kanyang sasakyan.
Wala siyang pakialam. Gusto niyang komprontahin ang kanyang Manager ngunit hinarangan na siya kaagad ng guwardiya.
“Papasukin mo ako. I want an explanation kung bakit nila ako tinananggal.”
“Pasensya na, Ma’am. Pero bawal na po kayo pumasok. Banned po kayo sa area.”
Lalong nangunot ang kanyang noo. “What?” Umiling siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Nagsisinungaling ka lang, Manong. Papasukin mo ako. You knew me,” pagmamakaawa niya pa ngunit hindi ito nagpatinag.
“Pasensya na pero bawal ka rito,” bigla ay inis nitong sabi.
Nagulat si Yvonne sa inasta ng guwardiya. Bait na bait pa ito sa kanya noo ngunit ngayon ay iba na ang trato nito sa kanya.
“No!”
“What is this noise, Guard?”
Nagugulat na nilingon ni Yvonne ang babaeng nagsalita sa kanyang likuran. It was the familiar voice you used to call her anak.
“Mommy,” aniya.
Tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa. “I am not your mother. Paalisin mo na ito, Guard. Nanggugulo lang siya rito.”
“No! Mom! I need to ask them—”
“About what?” mabilis nitong tanong sa kanya. “And please lang, don't call me that again. I don't have a daughter.”
Halos madurog ang puso ni Yvonne dahil sa narinig. Kusang tumulo ang kanyang mga luha. “M-Mom, I can’t believe you’re doing this to me.”
“I can't believe I have a daughter like you. Now, get out of here. I made them replace you with Kristine. She's more talented than you.”
Nagpanting ang tainga ni Yvonne ngunit kinuyog na siya ng guwardiya pabalik sa parking lot. Halos marami ang nakatingin sa kanya. Nahihilo niyang hinawakan ang kanyang dibdib at hinimas-himas iyon. Nahihirapan siyang huminga at para bang hinihiwa ang kanyang puso.
Her mother's word cut her heart into pieces. She felt betrayed. Para siyang gamit na itinapon na lang basta-basta dahil wala na siyang silbi.
She dropped to the ground and covered her face. Gumuho ang kanyang mundo. She thought she had it all. May masaya siyang pamilya, may nobyo, she has good grades, she lives in a beautiful home. And then, in just a snapped of her finger, naglaho ang lahat.
Para siyang tuta na walang patutunguhan. She felt lost and vulnerable. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. She felt nauseous. All of a sudden, biglang nagdilim ang kanyang paligid. The clouds turned gray, the air turned misty, until drops of rain hits the ground.
Pakiramdam niya ay umiiyak din ang langit para sa kanya.
“Bakit ba humantong sa ganito? I did not do anything. Why does it have to be like this? Why?”
MALAKAS ANG patak ng ulan habang nakatambay sa labas ng building si Rowan. Nakapamulsa siya habang nakatitig sa kawalan. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Tumaas ang sulok ng kanyang labi ngunit kaagad niyang ring sinaway ang sarili.
“I hate girl you drink alcohol.” Nagulat pa ang katabi niyang babae na sumisilong din dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Hindi niya ito pinansin. Umismid pa ang babae.
“Guwapo sana ang sungit lang,” rinig niyang komento nito.
“Tsk.” He walked away and find another place lara hintayin ang pagtila ng ulan. Nahinto siya sa paglakad nang masagip ng kanyang paningin ang isang babaeng nakaupo sa parking lot. Basang-basa ito at mukhang wala itong balak na umalis. Tumataas-baba ang balikat nito na animo ay umiiyak ang babae.
Kumunot ang noo ni Rowan. Pamilyar sa kanya ang babae. “What the hell?” angil niya nang makilala ito. Hinubad niya ang suot na jacket at tumakbo palapit sa babae.
Yumuko siya upang magpantay ang kanilang paningin. Nang makita niyang namumugto na ang mga mata nito ay pinagsisihan niyang lumapit dito. Pinatungan niya ang ulo nito ng jacket at pinanood ang pagkagulat sa mukha nito.
“You’re under the rain. Magkakasakit ka,” malumanay niyang wika sa kabila ng inis sa sarili. Bigla-bigla na lang kasing kumikilos ang kanyang katawan kahit ayaw ng kanyang utak. Nang akmang tatayo na ang dalaga ay bigla na lang itong natumba.