Chapter 7
“M-Miss. Hey, Miss!” Niyugyog ni Rowan ang balikat ng babae. They were drenched. Hindi ito nagising. Lupaypay itong nakasandal sa kanyang balikat. She was hot.
“She has a fever?” hindi makapaniwala niyang tanong sa sarili. Kaagad niyang binuksan ang kotse ng dalaga at pinasok ito sa loob. Dahil malapit lang naman ang ospital ay doon na niya ito dinala.
They were welcomed by a group of nurses at dahil kilala ng mga ito ang dalaga ay hindi ang mga ito nag-atubili na asikasuhin sila. Binigyan pa siya ng isang nurse ng towel dahil basang-basa siya.
Naghintay siya sa lobby dahil hindi naman niya close family ang dalaga. He was just a good samaritan. Lumipas ang kalahating oras ay wala man lang dumating na pamilya ng dalaga. Nagtaka na siya dahil pati ang mga nurses ay wala man lang tinawagan.
Nagpasya siyang magtanong sa mga ito. Lumapit siya sa information desk. “Hi.”
Nginitian siya ng babae at halatang nagpapa-cute ito sa kanya. “Yes, Sir. How may I help you?”
“Wala bang dumating na pamilya ng pasyente?”
Bahagya itong natigilan sa kanyang tanong. “Ah. Tinawagan namin ang parents niya. Her parents are both doctors kaya lang her mother cheated on Doctor John.” Lumapit pa ito sa kanya. “Huwag mong ipagkalat. Kawawa nga si Miss Yvonne. Mabait pa naman ang batang ’yan,” mahaba nitong kuwento. Hindi siya natuwa sa narinig. “Don’t worry. Parating na si Miss Kristine. Ma'am Yvonne's friend.”
Nagpanting ang kanyang tainga dahil sa narinig. Imposibleng hindi alam ng mga ito na nagtaksil din ang kaibigan nito? Napabuntonghininga siya saka tumango.
“Puwede mo na siyang bisitahin, Sir. O baka naman gusto mo munang umuwi at magpalit ng damit? Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit,” anito.
Umiling siya at dumiretso na papasok sa kuwarto ng dalaga. Nakabihis na ito ng hospital gown. Naisipan niyang bumalik sa sasakyan ng dalaga upang makuha ang cellphone nito. Hindi puwedeng hindi pumunta ang babaeng una niyang nakausap.
“What was her name again?” tanong niya sa sarili. He dialed the girl's number.
“Girl! Kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo. Where are you? What happened? Nakausap mo na ba sila? Ano na?” sunod-sunod nitong tanong.
Bumuntonghininga si Rowan kaya naman nahinto rin ang dalaga.
“Y-Yvonne? Na-kidn*pped ka ba? Bakit nagkaboses lalaki ka?”
Tumikhim si Rowan. “She’s in the hospital.”
Kaagad na napasinghap si Karina dahil sa narinig. “What did you say?”
“She's in the hospital. She has fever. Come quick. That cheater friend is coming. I need you to come here,” aniya.
Narinig niyang nagkukumahog sa pagkilos ang dalaga. “I know the hospital. I’m coming,” mabilis nitong wika.
Bumuntonghininga si Rowan at pinatay ang tawag. Bumalik siya sa loob at sakto namang may doktor na tumitingin sa dalaga. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
“Kaibigan mo ba siya?” usisa nito.
Umiling si Rowan. “I'm just a passersby. Nakita ko siyang nahimatay,” pagsisinungaling niya. Muntik niya pang sapakin ang sarili dahil hindi man lang siya nautal. Parang natural na lang sa kanya ang magsinungaling.
“Really? Ang bait mo naman,” komento nito. Napabaling ang kanyang paningin sa pinto nang bigla itong bumukas.
Parang wala sa sariling sumugod ang isang babae. Hindi niya ito kilala. “Kristine,” anang doktor. “It's good that you're here. Ikaw na muna ang magbabantay sa kanya. She has it tough these past few days,” usal nito.
Kaagad naman na tumango ang dalaga. Pinakatitigan niya ang dalaga. Nakasuot ito ng damit na hindi bagay sa body structure nito kaya hindi ito nakilala ni Rowan. Nagulat pa ito nang makita siya.
“Yes, Doc. Larry. Ako na po ang bahala,” nakangiti pang wika ng dalaga na para bang wala itong sinirang relasyon.
Napangiwi siya.
“Babe!” anang babaeng kararating lang. Biglang siyang narindi dahil sa tinis ng boses nito. Nilingon siya nito ngunit ibinalik din ng dalaga ang paningin sa babaeng nakahiga sa kama.
“Who are you?” nagugulat na tanong ng doktor.
“I’m her only friend. Ako ang magbabantay sa kanya,” makahulugan nitong wika. Nakatulala na tumitig sa dalaga ang doktor. Binalingan ng bagong dating ang dalagang si Kristine. “And you, get out. Your presence is not needed. Don't try to be relevant,” malamig nitong wika.
“W-What?”
“Yes. Get out bago pa kita hatakin palabas.”
“Kung may dapat mang umalis, ikaw 'yon,” palaban nitong sabi.
Ngumiwi si Karina. “Talaga ba? Linta ka talaga ano? Nang-agaw ka na nga ng boyfriend, makikisiksik ka pa rito. Wow! Ang tigas naman ng mukha mo, Kristine. Kaibigan ka ba talaga? Look at her?” nangggigil na tanong ni Karina. “Are you really a friend?” Pumalatak si Karina.
“I've been telling her about you. Isa kang linta na walang magawa kundi ang mang-agaw ng nobyo ng iba. Now, look at you? Saan ka kaya dadalhin ng pagiging linta mo?” Umirap si Karina bago hinarap ang kaibigan.
Kristine was too stunned to speak. She held her breath na halos nakalimutan na niyang huminga.
Nilingon ni Karina ang doktor na nagugulat sa rebelasyong nalaman. “Yes, Doctor. This woman is a leech. A parasite. A freeloader.” Ibinaling ni Karina ang paningin kay Kristine.
“Now leave,” pagtataboy nito sa dalaga. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng dalaga. Hindi ito nakapagsalita. Walang salita itong lumabas ng kuwarto at umalis. Naiwan siyang nakatulala habang nakatitig sa maamong mukha ni Yvonne.
Yvonne. That's her name.
Suddenly, he felt a tug at his heartstrings.
“OH MY GOD!” Dahan-dahan nilingon ni Yvonne ang boses na narinig. It was Karina.
“N-Nasaan ako?” nagtataka niyang tanong.
“Nasa hospital ka, tanga,” nakasimangot nitong sabi. “You had a fever. Grabe! Ang taas ng lagnat mo. Alam mo bang dalawang araw kang tulog?”
Nagulat siya sa narinig. “H-Huh? Bakit?”
Ito naman ang natigilan. “Are you serious? Nagka-amnesia ka ba?” bigla ay natakot nitong tanong sa kanya.
“Kilala mo pa ba ako? I’m Karina. Your only good friend,” pagpapakilala pa nito.
“Shunga. I know you.” Inirapan niya ito. “P-Pero bakit nga ako nagkasakit? I don't remember anything,” nakangiwi niyang komento. “I feel lightheaded.”
“Natural. May sakit ka, eh,” pabalang nitong sabi. “So, wala ka talagang naalala. Kahit man lang yung guwapo na tumulong sa 'yo ay hindi mo maalala ang mukha?” pakindat nitong tanong.
“W-Who?”
“Ay, okay. Sige, kalimutan mo na. Baka mamaya susulutin na naman iyon ng magaling mong best friend,” pang-iinis nito.
“Karina, please.”
“Fine. You were drenched in the rain. Your knight in white t-shirt was also drenched pero to the rescue naman siya. Alam mo bang second time na niyang tulungan ka? My God! So jealous,” kinikilig pa nitong sabi.
Sinimangutan niya ito. “What are you talking about?”
“Hay, ewan ko sa ’yo. Basta, hindi ko rin natanong ang name niya para sana mag-thank you ka,” anito.
Pinagmasdan niya ang kanyang kamay. “Nagkasakit ba talaga ako?” she asked absentmindedly. “I don’t remember anything.”
“Anyway, lalabas ka na raw kapag nagising ka. So, maybe later.” Nilingon ito ni Yvonne. “If you ask me about your parents, hindi sila dumating.”
She felt her breath stuck in her lungs. Pinilit niyang ikalma ang sarili. “They really forget about me. I still exist.”
“Yes, Babe. Kahit wala sila, you’re still here. You continue to exist and I salute you for not giving up,” nakangiting wika sa kanya ni Karina.
“Masyado mo namang kina-carreer ang pagiging mabait ngayon. Thank you,” seryoso niyang wika. “Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.”
“Well, hindi lang naman ang tumulong.”
“Tsk. If he's really worried about me dapat bumisita siya. He doesn't really care.”
Mabilis itong napalingon sa kanya. “Bakit parang nagtatampo ka? Hoy, tinulungan ka na nga nag-iinarte ka pa.”
Napanguso siya. “I wanted to remember his face, Karina. Gusto ko siyang makilala.”
“Girl, magpapakita rin 'yon. Maghintay ka lang.” Inasikaso ni Karina ang kanilang mga gamit. “Anyway, habang wala ma ay si Manang ang nagbabantay sa iyo. Dahil wala naman tayong pasok today ay pinauwi ko na siya para makapag-rest naman siya. And, malapit na ang acquaintance party. Ready ka na ba?”
Bumuntonghininga siya. “Hindi ko alam. Hindi na lang siguro ako pupunta,” aniya.
Tumahimik na lamang si Karina nang mapansin siya nitong bumuntonghininga. Hinayaan siya nitong magpahinga ulti at nang magising siya ay paalis na sila.
“Hinintay na lang talaga kitang magising.”
Tinanguan niya ito. “I feel stinky.”
Tinawanan lang siya nito. Tinanggal ng nurse ang kanyang IV at umalis na sila. Hindi siya nagsalita buong biyahe. Kinain nang malalim na pag-iisip ang kanyang sistema at hindi niya namalayan na nakarating na sila.
“Hey, you’re zoning out,” untag sa kanya ni Karina. Nagugulat niya itong nilingon. “Come on.”
Sumunod siya na bumaba ng sasakyan. Pinasalamatan niya ang kaibigan. Hinintay niyang lumapit si Manang bago umalis si Karina. Sumunod siya sa kanilang kasambahay.
“Kamusta ang pakiramdam mo? Maayos naman ba?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Manang.
Tumango siya. “Ayos lang po ako. Lagnat lang naman ’yon,” aniya.
“Lagnat lang. Dalawang araw ka namang tulog,” komento nito. “Umakyat ka na sa kuwarto. Magpalit ka ng damit at magpahinga. Dadalhan kita ng makakain.”
Parang tuta na sumunod si Yvonne. Walang kabuhay-buhay siyang umakyat sa kanyang kuwarto. The house felt empty without her parents. Napupuno ng tawanan ang tahanan na kanyang kinagisnan noon. Ngayon ay lara itong inabandonang lugar sa sobrang tahimik.
She scanned her room. It felt unfamiliar. Pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang kanyang sariling kuwarto. She felt alone and lonely.
Another pool of tears streamed down her face. She was again devastated ata the thought that her parents are not present in her life anymore.
“I-Iha,” aligaga na untag sa kanya ni Manang.
Malungkot niya itong nilingon. “Manang, bakit hindi nila ako naaalala? Kinalimutan na ba talaga nila ako? I’m scared I might not remember their voice anymore.”
Kaagad itong lumapit sa kanya ata mahigpit siyang niyakap. “Iha, nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Mahal kita. Kakayanin natin ito,” pang-aalo nito sa kanya.
Mas lalo lang siyang ngumawa at ito naman ay hindi magkandaugaga sa pagpatahan sa kanya. “Sssh. Tahan na. Kakayanin natin ito. Pagsubok lang ito, ha? Huwag kang mag-alala. Malalagpasan natin ito, Iha.”
Ilang oras din siyang umiyak hanggang sa makatulog siya. Kumakalam ang kanyang sikmura kaya kaagad siyang bumangon. Iba na ang suot niyang damit. Mukhang binibisan pa siya ni Manang.
Malungkot siyang bumaba at tiningnan ang oras. Pasado alas dose na ng gabi. Pumunta siya ng kusina at nagtimpla ng gatas. Mabuti na lang at may kanin at ulam. Iyon ang kanyang nilantakan.
Pagkatapos ay iniwan niya sa sink ang pinagkainan at bumalik na sa taas. She wanted to declutter her things lalo na at ayaw na niyang makita ang iba niyang gamit. Nasasaktan lang siya kapag naaalala ang mga masasayang araw na kasama niya ang kanyang mga magulang.
Tiningnan niya ang lahat ng kanyang gamit. Even the cabinet. The boxes. Mga regalong natanggap niya.
“Nasaan na ba 'yon?” tanong niya sa sarili habang hinahanap ang isang kuwentas na regalo ng kanyang mommy.
It was a beautiful necklace. Sa lahat ng binigay sa kanya, iyon ang pinakanagustuhan niya and she wanted to treasure it. Kahit iyon na lang. But it was nowhere to be found. Hindi naman niya iyon sinuot. Tinago niya lang iyon kaya imposible na maiwala niya ito.