Chapter 8

1760 Words
Chapter 8 Humikab si Yvonne. She felt tired and restless. Iniwan nigang nakatiwangwang ang kanyang mga gamit at sumampa sa kama. She layed her head and eventually fell asleep. Nagising siya sa marahang yugyog sa kanyang balikat. “Yvonne. Iha, gising na.” Idinilat niya ang kanyang mga mata. “Manang,” bati niya rito. “Late ka na, Iha. Kanina pa tumatawag si Karina sa iyo,” pagbibigay-alam nito sa kanya. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon. “P-Po?” Ngarag nigang tiningnan ang kanyang relos. “Oh, no!” taranta niyang sambit. “Bilisan mo na riyan. O puwede namang huwag ka muna pumasok.” “Hindi po. Papasok po ako. I need to catch up with the lesson.” “Pero kaya mo na ba? Ayos ka na ba?” makahulugan nitong tanong. Natigilan siya. “Nalaman ko ang nangyari sa inyo ni Kristine.” Ibinaling ni Yvonne ang paningin sa labas ng bintana. “Hindi ko po alam kung makakaya ko bang harapin si Kristine. I feel sick to my stomach knowing she slept with my boyfriend.” “Hay, naku. O siya, ipaghahanda kita ng almusal.” “Just pack it, Manang. Sa school na lang ako kakain,” aniya at mabilis na tinungo ang banyo. Parang kidlat siyang naligo. Ni hindi na nga niya napansing natapos siya kaagad. Mabibilis ang kanyang mga hakbang pababa ng bahay. Nasa sala naghihintay si Manang habang may nakabalit na plastic ware sa mesa. “Thank you po, Manang. Alis na po ako.” “Mag-iingat ka,” anito. Hindi siya magkandaugaga sa pagmamadali hanggang sa marating niya ang unibersidad. Halos liparin niya ang ilang metrong layo ng kanyang building. She does not want to be a disappointment. “You’re late, Miss Laurel,” anang masungit nilang professor pagpasok pa lang niya ng classroom. Halos mamula sa hiya ang mukha ni Yvonne. Sa lahat ng magtuturo, ito ang pinakanatatakutan niya. “I know you are having a bad time pero hindi iyon dahilan para magpahulo ka sa klase ko,” sermon pa nito. “Hiniwalayan lang ng nobyo naging irresponsable na,” bubulong-bulong pa niton wika na halos lahat naman ng kanilang kaklase ay narinig ito. Mas lalo lang hindi nakagalaw. Nag-aalalang tumingin sa kanya si Karina. Tinanguan lang niya ito pero ang totoo ay gusto na lang niyang magpalamon sa lupa. Nagdadabog pa na lumabas ng silid ang professor dahil tapos na ang klase. “Seryoso?” rinig niyang tanong ng isa. “Naghiwalay na sila ni Kevin?” “Oo. I heard nagkagulo pa nga sa apartment ni Kevin. Nakipag-away ba naman.” “Parang tanga.” Impit na huminga si Yvonne. Ayaw niyang patulan ang mga ito. Palihim niyang tiningnan si Kristine na lihim ding napapangiti sa mga naririnig. “Guwapo ba 'yon?” sabat ni Karina na ikinagulat niya. “He's not worth it. Saka nag-cheat naman siya. Duh!” pasabog pa nito. Narinig niyang suminghap ang mga nakikiusyuso. “Talaga? Sino?” “Si Kristine. Sino pa ba?” maangas na wika ni Karina dahilan upang mapalingon ang lahat kay Kristine. Pansin ni Yvonne ang pamumula sa mukha ng dalaga. Hindi niya ito pinansin. Hindi ito mapakali lalo na at pinukol ito ng nangungutyang tingin ng kanilang mga kaklase. “What? Hindi ba at friends kayo, Yvonne? Sinulot pala ng best friend mo ang boyfriend mo,” anang kaklase nila. “Well, leeches are everywhere,” matapang niyang sagot. “Anyway, I was hurt. But na-realize ko lately, he's not worth it.” Mas lalong nainis si Kristine dahil sa narinig. Ang akala kasi ng dalaga ay tuluyang madudurog si Yvonne. Umugong ang bulungan sa buong klase. Lumingon sa kanya si Karina. “Why are you late?” “Nakatulog ako. I was decluttering my things last night.” “What? Kababalik mo lang galing ospital tapos nag-declutter ka na? Tanga naman nito,” nakangiwi nitong komento. “S-Sorry. Marami lang talaga akong iniisip. Saka, may nawawala akong ilang gamit, eh. Gusto ko sanang itago ang mga iyon but you know, biglang nawala. Mga designer bags na bigay ni Mommy nawala rin.” “Eh? Seryoso? Baka naman binenta niya.” “I doubt it.” “Hmm.” Bigla itong nag-isip. “Baka mamaya sinulot na rin ng kaibigan mo?” nagpaparinig nitong tanong. Natigilan si Yvonne at biglang napaisip. Umiling siya upang itangginang sinasabi ni Karina. She felt Kristine tensed at the accusation. “I-I don’t think so,” aniya. “Well, hanapin mo na lang. Baka nandiyan lang sa tabi-tabi,” makahulugan nitong wika dahilan upang mas lalo siyang maguluhan. Biglang pumasok ang kanilang class president at sinabi nitong wala ng pasok at may meeting sa faculty. Tumayo na siya at sabay silang lumabas ni Karina. “Hindi ka ba talaga dadalo sa acquaintance party natin?” “I don’t know,” aniya. “Nawawala rin ang dress na binili ko last w-week,” usal niya. “Hay, saan mo naman kasi nilagay?” “Sa kuwarto lang ’yon, eh. Saka nasa karton pa iyon. Hindi ko pa nilalabas. It was a gift for myself.” Pumunta sila sa isang coffee shop. Pagkatapos nilang mag-order ay umupo sila sa malapit na upuan. Sa may malapit sa pinto sila pumuwesto. Pag-angat ng kanyang paningin ay may pamilyar na mukha siyang nakita. It was Kevin . . . And Kristine. Lantarang pinapakita ng dalawa ang kanilang pagtataksil. Pinakatitigan niya si Kristine at may napansin siyang hawak nito. Ang nawawala niyang pink purse na galing pa sa Dubai. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang kutsara. Hindi niya malunok-lunok ang kinakaing cheesecake. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. She can't be mistaken. It was a limited edition na bigay ng kanyang Daddy nang mag-out of the country ito for medical mission. Hindi siya mapakali kaya. Natauhan siya nang hawakan ni Karina ang kanyang mga kamay. “Are you okay?” nag-aalala na tanong nito. “Alam kong nasasaktan ka dahil magkasama sila pero, please, huminga ka naman. Ayaw ko namang makitang bigla ka na lang mahimatay riyan. Breathe,” utos pa nito. Gulat niya itong nilingon. “I saw my purse.” Mabilis na binalingan ni Karina ang dalawa. “That pink one?” Tumango siya. “But I don’t have proof.” Bumuntonghininga ito. “Hay, that's right.” Nilingon ulit ng dalaga ang dalawa. “Let's just wait for the right time. For now, bantayan natin lahat ng gagamitin niya. Baka mamaya iyon pala ang mga gamit mong nawawala, right?” Sumang-ayon siya sa kaibigan. Pinanood nila itong lumabas. She caught the attention of Kristine. Bigla itong naging balisa nang makita siya. She even tried to hide the purse she was holding. Mas lalong lumakas ang kutob ni Yvonne. She was a thief. “MANANG! HELP PLEASE!” Hindi naman magkandaugaga sa paglapit kay Yvonne ang kanilang kasambahay. Ito na lang ang tanging natira na tumutulong sa kanya. Ang kanyang ama ay tuluyan ng hindi nagpakita sa kanya. She was devastated but life must go on. Even her mother hadn't contacted her ever since. Isinarado nito ang zipper sa kanyang likod. Suot-suot niya ang isang golden high slit evening gown with a strap na binili nila ni Karina. Yung susuotin niyang gown ay nawawala and she had no idea kung nasaan ito. Pinasadahan siya ng tingin ni Manang. “Ang ganda mong bata, Iha,” nakangiti nitong komento. Pilit siyang ngumiti. “Manang, naman. I am not a baby anymore. See? I can lure guys into my bedroom,” pagbibiro niya. “Sira!” “Nagbibiro lang po ako. Kailangan ko lang dumalo kasi pinipilit ako ni Karina,” katwiran niya. Ngumiti sa kanya ang kasama. “Mag-enjoy ka roon.” Tumango siya. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin. She looked stunning with her hair in a messy bun with some strands hanging loose in each side of her face. Her lips were painted red with lipstick and her cheeks were glowing. She looked like a fine lady. “Ito dapat ang pinili mo, Kevin. Look at me.” Umikot-ikot siya sa harap ng salamin. Her dress was magnificent. But seducing Kevin is not her goal. Kailangan niyang malaman kung tama nga bang nasa mga kamay ni Kristine ang mga nawawala niyang gamit. She was sure of it but had no proof. She exited her room at dahan-dahang bumaba. Suot ang six-inch stiletto ay umalis siya ng bahay ng mag-isa. Karina is having a date at kaya wala siyang magawa kundi ang pumunta ng mag-isa. She was driving her car hanggang sa marating ang school. Marami na ang nakaparadang sasakyan sa labas. Of course, hindi mawawala ang payabangan between students at iyon ang kinaiinisan niya sa lahat. She parked her car and stepped out of it. Halos lahat ay napalingon sa gawi niya. She felt her knees tremble in fear. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang matakot. Dapat sana ay matuwa siya because who wouldn't looked at a goddess? Taas-noo siyang naglakad papasok even though gusto na niyang umalis. Mas gustuhin na lang niyang matulog kaysa sumali sa mga ganitong okasyon. Pero hindi rin niya maisasantabi ang kanyang misyon. She needs to find out. Tinawagan niya si Karina pero hindi ito sumasagot. “Damn. Did she ditch me?” tanong niya sa sarili. Lumingon siya nang may tumapik sa kanya. It was Karina. Nakangiti pa ito. “I’m here. Grabe. Hindi mo man lang ako napansin? Kanina pa ako nakatayo sa likuran mo,” nakangiwi nitong komento. “Mukhang wrong choice of gown ako, ha. Hindi mo ako nakita kaagad.” “Sorry.” Tumawa siya ng mahina. “I was nervous hindi ko na tiningnan ang paligid ko,” katwiran niya. She held her hand and she was shaking. “Hay, ang ganda mo sana. Ano ba ang nakain ng boyfriend mo at pinagpalit ka sa alimango?” natatawa nitong tanong. Pati siya ay natawa na rin. “Hayaan na natin. Ang importante ay nagsisimula na akong maka-move on sa kanya.” They were about to find a place to sit nang mapako ang kanyang paningin sa entrance. Her eyes was glued on the woman wearing the black simmering gown. Hapit na hapit ito sa katawan ng babae. “M-My gown,” nakatulala niyang sambit. Narinig niya ang pagsinghap ni Karina sa kanyang tabi. “My black purse.” Mas lalo siyang hindi makahinga ng maaninag ang suot-suot ni Kristine na necklace. It was the one Yvonne was looking for. At hindi siya makapaniwala na napunta ito kay Kristine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD