"Nick, akala ko ba hindi ka pupunta sa party?" Pabirong tanong ni Christian kay Nick ng makapasok na kami sa loob ng bahay nila Kevin. Puno ng tao an loob at halos lahat ng nandoon ay namumukhaan ko habang ang iba ay mukhang mga personal na kaibigan ni Kevin at hindi taga school namin. Mansyon ang bahay na pinagdadausan ng birthdya party ni Kevin kaya kahit madami man ang dumalo ay ayos lang dahil malaki ang espasyo sa loob at sa labas ng garden kung saan may swimming pool na pinapipiyestahan na. Nakangiting lumapit sa akin si Krissa sabay abot ng ladies drink. Kanina ng makita niya ako ay nag-aalala siya pero ng mapabaling ang tingin niya kung sino ang kasama ko ay agad siyang nakangiti na akala mo nasinagan ng araw. "Kanina ka pa namin inaantay," bulong sa akin ni Krissa. "Sorry, a

