"Kaya mo pa ba?" tanong sa akin ni Krissa habang papasok kami sa loob ng pangatlong bar na mas mukhang club. Pinangatawanan talaga namin ang bar hopping na plinano namin kanina, medyo tipsy na itong si Krissa samantalang ako ay diretso pa ang takbo ng utak ko pero napagkakamalan akong lasing na dahil grabe kung mamula ang mukha ko. "Oo naman, ikaw ata itong bibigay na." Panloloko kong sabi sa kanya na kinabungisngis lang niya. Napailing na lang ako at napatingin sa aking relo sa kamay. Alas syete na pala ng gabi, halos ilang oras na din kaming nagbabar hopping sa iba't-ibang bar at lugar. "Tara, sumayaw tayo!" biglang sigaw ni Krissa sa akin sabay hila papapunta sa dance floor. Nagpahila naman ako sa kanya pero bago pa kami dumating sa dance floor ay tinanggal niya ang kanyang kamay sa

