**** ZID POV#***
Nagising ako sa kaguluhan sa labas ng silid ko. Ginabi ako ng uwi kagabi. Galing ako sa isang Bar kagabi Maaga kami umuwi kasi nagkagulo sa Bar may guest na nawala sa sarili. Nagwala ito kaya napilitan kaming umalis sa lugar. Sa bahay na lang nila Miller kami nagtapos ng inuman namin. Kaya madaling araw na kami naghiwa hiwalay.
Bumangon ako at sumilip sa labas. Napakunot ang noo ko ng makita na nagkakagulo ang mga tao sa labas ng silid ko.Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng mga putok ng baril. Napalabas ako sa silid ko. Nasalubong ko ang isang katulong namin. Hinarang ko ito.
" Inday! Anong nangyayari?" Tanong ko dito.
"Seniorito magiingat po kayo nagkakalat na po ang infected sa bahay niyo. Sabi niya sa akin. Magtatanong Pa sana ako sa kanya. Kaso bigla na lang itong sinungaban ng isang tauhan namin at kinagat ito sa leeg. Napa atras ako sa gulat ko sa nakita. Pagtingin ko sa likod nagulat ako ng makita ang kusinera namin. Nangingisay sa sahig. Puro dugo ito. Lalapitan ko sana ito kaso biglang tumirik ang mata nito at na walan io ng malay. Lalpitan ko sana ito para tingnan kung buhay pa ito. Kaso bigla itong dumilat bigla itong tumayo at sinugod ako. Napamura ako ng makita ko ang mata niya puro puti ito at gutom na gutom itong sumugod sa akin. Napaatras ako. Saka nagmamadaling bumalik ako sa silid ko. Saktong naisasara ko ito ng dumating ang kusinera at ang ibang tauhan.
"s**t! Ano bang nangyayari bakit sila kumakain ng tao." Bulong ng maalala ko ang nakita ko. Kinuha ko ang Tshirt ko nagbihis ako saka kinuha ang CP ko at ang susi ng kotse ko.
" Kailangan kong hanapin s mommy. " Bulong ko. Saka binuksan ko ang Pintuan ko papunta sa terrace. Doon ako dumaan papunta sa kabilang silid. Sa silid ng magulang ko. Nakita ko na yakap ni Papa si mama.Nagulat siya ng makita niya ako.
"Papa!" Sigaw ko dito.
"Zid, bakit ka pumunta pa dito?" Tanong ni Papa sa akin.
"Pa halika na umalis na tayo dito. Nagkakalat na sila sa bahay." Sabi ko sa kanya.
"Umalis kana anak iligtas mo na ang sarili mo." Sabi niya.
"Ano bang sinasabi mo halika na tutulungan na kita kay mommy." Sabi Ko sa kanya. Umiling ito.
"Pasensiya na anak hindi kana namin masasamahan namin ng mommy mo." Sabi niya napakunot ang noo ko. Magtatanong pa sana ako sa kanya.Ng bigla itong magsalita.
"Wag kang lumapit sa amin Zid....I...Li....gtas... Mo,...Na...Ang sarili...Mo!!" Nahihirapan na sigaw nito. Napatanga ako ng mabitawan niya si mommy, nakita ko na kagat kagat ni mommy ang dibdib niya. Napailing na lang ako sa nakita ko. Biglang lumingon sa akin si mommy puro dugo ang bibig nito. Tumulo ang luha ko.
"Mom." Tawag ko sa kanya. Napaatras ako ng aktong susgurin ako nito. Mabilis na nagpadulas ako sa tubo na nasa gilid. Nagulat ako ng pagtingin sa taas dalawa na sila ni Papa na nagpipilit na abutin ako. Pinunasan ko ang luha ko. Saka huminga ako ng malalim saka tumingin ako sa ibaba. Nakita ko na walang infected sa ibaba tumalon ako dito. Ng makababa ako mabilis na nagtago ako sa gilid ng makita ko ang dalawang tauhan ni daddy na parating. Nakatirik ang mga mata nito na puro dugo ang bibig at katawan nito. Nagmamadali akong tumakbo papuntasa parking. Pa tago tago ako hanggang nakarating ako sa kotse ko. Pagpasok ko dito agad na pinaandar ko ito. Binuksan ko ang CP ko.
" Hello? Miller si Zid ito. " Sabi ko sa kanya ng sagutin niya ang tawag ko.
"Bro, nasan ka ngayon? Bakit ngayon ka lang tumawag?" Tanong niya sa akin.
"Nasan kayo kasama mo ba sila?" Tanong ko sa kanya.
"Op bro nasan kaba ngayon?" Tanong uli nito sa akin.
"Papunta ako sa inyo." Sabi ko sa kanya.
"Naku wag kang pupunta sa bahay namin. Nandito kami ngayon sa school. Pero magiingat ka sa pagpunta mo dito. Maraming nagkakalat na infected sa paligid." Sabi niya sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Ano ba yang mga infected na yan?" Tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba Bro hindi ka ba nanoood ng TV. Nagkalat na siya sa ibat ibang lugar. Isa siyang klase ng Virus na matagal ng kumakalat itinago lang ng Gonbyerno natin at siguradong alam ng Papa mo yun hindi lang sinabi sa inyo. " Sabi niya. Naalala ko ang mga magulang ko. Napapikit ako. Hindi napigilan ang mapamura.
" Kaya pala kung saan saan may mga nawawala sa sarili. Isa na palang sakit yun na kumakalat.Kaya pala ganun na lang ang itsura nila." Bulong ko sa isip ko.
Nagpaalam na ako sa kanila. Pagdating ko sa lugar. Nakita ko na nagkakalat ang napakaraming infected sa paligid. Huminga ako ng malalim.
"Bro nasan kana?" Tanong nila sa akin ng tumawag ako uli sa kanila.
"Nandito na ako kaso nagkakalat sila sa paligid." Sabi ko sa kanila.
"Umikot ka sa kabila Bro. Doon kami dumaan." Sabi uli nito.
"Sa secreto nating daanan." Sabi niya sa akin. Naalala ko yun. Kaya binuhay ko uli ang makina ko. Nakita ko na naglingunan sa akin ang mga Infected.
Napamura ako ng aktong magsisilapit na ang mga ito sa sasakyan ko.
"s**t!" Bulong ko. Saka pinaharorot ang sasakyan ko papunta sa likod. Pagdating ko dun nakita ko na nakabukas ang daanan namin dere deretso ako dun. Agad na sinara nila ang daanan ng makadaan ang sasakyan ko. Pinatay ko agad ang makina nito. Nakita ko sila Miller.
"Kayo lang ba ang narito?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi marami na kami dito. Dito namin dinala ang mga na rescue namin." Sabi ni Noel. Napatingin ako sa daanan namin. Tinakpan nila ang gate ng mga tuyong damo. Kagaya ng ginagawa namin dati pa. Para hindi halata na dito kami dumadaan. Sumama ako sa kanila.
Pagdating namin sa loob nakita ko ang mga tao dun. Pamipamilya sila.
"Zid, Iho!" Bati sa akin ng Magulang ni Jake. Binati ko sila.
"Where is your mom?" Tanong nila sa akin.
"Wala na po sila." Malungkot na sagot ko. Saka napatiim bagang ako ng maalala ang nangyari sa kanila.
"Sorry." Sabi nila saka niyakap nila ako. Napamura naman ang Daddy ni Miller.