Chapter 11

1019 Words
Tinapik ako sa balikat ng mga kaibigan ko. "Pano kayo nagkita kita?" Tanong ko sa kanila. "Actually sila Jake ang nauna dito. Nang tawagan ko kita hindi kita macontact kaya si Jake ang tinawagan ko. Yun sinabi niya na pumunta kami dito.Ganun din sila Noel at kapag may humihingi ng tulong pinupuntahan namin at dito namin dinadala." Sabi ni Miller sa akin. Napatingin ako sa mga tao. Puro Schoolmate namin ang iba. "Magpahinga ka muna Bro." Sabi ni Miller sa akin. Sinamahan niya ako sa isang silid. "Maglatag ka na lang ng karton diyan." Sabi nito. Tumango ako. Iniwan na nila ako. Kumuha ako ng isang bangko. naupo ako dun saka pumikit. naalala ko ang nangyari sa magulang ko. Kinagat ng mommy ko ang Papa ko. Napadilat ako saka ihinilamos ang palad ko sa mukha ko. Napaluha ako. Tumayo ako at lumabas hinanap ko sila Miller nakita ko sila sa may labas. "Oh, bro akala ko nagpapahinga ka." Sabi niya sa akin. "Hindi ako makakapagpahinga bro pagkatapos ng nangyari." Sabi ko sa kanila. " Safe ba ang paligid?" Sabi ko sa kanila. "Oo bro lagi naming chinecheck nagpapalitan din kami sa pagiikot at pagbabantay. " Sabi nito. Tumango ako. " Kung ganun. Kailangan natin malaman kung saan pa may survivors na nangangailangan ng tulong natin. Pero bago yun kailngan natin ng mga kargada at mga sasakyan." Sabi ko sa kanila. " May tatlo na tayong sasakyan diyan sa tingin ko sapat na yan. Kailangan lang natin tibayan." Sabi ni Jake. "Okay, ganito. Ikaw Noel isama mo si d**k at Chris maghanap kayo ng magagamit natin para idagdag na cover sa sasakyan natin. Roy, Abel, Westley at Luigi maiwan kayo dito para magbantay. Miller at Jake sumama kayo sa akin para kumuha ng kargada natin.Hindi tayo pwede ng ganito. Maghanap narin kami ng dag dag pagkain natin." Sabi ko sa kanila. Lumakad na kami. Sakay kami ng Fajero ko sila Noel naman sakay ng SUB ni niya. Binuksan nila Westley ang daanan agad din nila itong sinara. Nagdatingan agad ang mga infected. "Alam niyo ba ang dahilan kung bakit sila nagkaganyan?" Tanong ko sa kanila. "Ang alam lang namin isa yang Virus na kumalat. Pero hindi pa natutukoy ng gobyerno kung saan nanggagaling. Kaya hindi pa nila alam kung ano ang gamot nito. Mabilis siyang kumalat kasi oras na makagat ka ng infected magiging infected kana din pagdating ng ilang minuto." Sabi ni Miller. "Pero hindi lahat nagiging infected dahil sa kagat dahil ang mommy ko naging infected pero wala siyang kagat." Sabi ni Jake napatingin ako sa kanya. Hindi ko nga pala nakita ang mommy niya sa school. "Naging infected din si mom Pero ng maramdaman niya na nagiging infected na siya tinulak niya si Daddy at pinahanap ako." Kwento ni Jake.Doon ko lang naalala na wala nga pala akong nakita na sugat sa mommy ko. "Kung ganun pareho sila ng mommy ni Jake." Bulong ko.Iniliko ko ang sasakyan sa sumunod na kanto. "Papunta ito sa bahay niyo bro." Sabi ni Jake.Tumango ako. "Sa basement namin may mga kargada sila Papa Kung makakarating tayo dun siguradong makakakuha tayo ng mga kailangan natin dun." Sabi ko sa kanila. Huminto kami malapit sa bahay. Nakita namin na nagkakalat ang mga infected sa paligid ng bahay namin. "Pano ang gagawin natin bro ang daming nagkakalat na infected sa paligid. " Sabi ni Jake. Nagisip ako. " Sige ipasok mo sa gate ang sasakyan." Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. " Sigurado ka bro? " Tanong ni Miller sa akin. Tumango ako sa kanya. " Anak ng teteng bro kukuyugin tayo ng mga yan oras na marinig nila ang makina ng sasakyan. " Sabi ni Jake sa akin. " Kaya ko nga pinapapasok sa inyo ang sasakyan para dito mapunta ang attention nila. " Sabi ko sa kanila. Napaisip sila. " Basta ipasok niyo ang sasakyan sa gate namin." Sabi ko sa kanila. Huminga na lang ng malalim si Miller saka binuhay ang makina at pinaandar ito naglingunan sa amin ang mga infected. "Humanda kayo tatalon tayo palabas dito. Pero bago yan kailangan mong ibangga sa sasakyan na yun ang sasakyan nato." Sabi ko sa kanila. "Ha? Ano ang sasakyan natin paalis dito?" Tanong ni Jake sa akin. "Wag kang magalala may mas maganda pa dito na sasakyan." Sabi ko sa kanila. "Sige sabi mo yan." Sabi ni Miller dineretso niya nga sa sasakyan ni Papa ang Fajero ko. Hinahabol ng mga infected ang sasakyan namin. Bago pa bumangga ang sasakyan tumalon na kami. Mabilis na gumulong kami sa ilalaim ng isang sasakyan. Pagbangga ng Fajero sa kotse ni Papa nagingay ito. kaya naglapitan dito ang lahat ng infected. Hinila ko sila papunta sa gilid. Nagmamadali kaming pumunta sa likod. Nakita namin na nagpuntahan ang mga infected sa sasakyan na sige ang ingay. Mabilis na nakarating kami sa basement. Binuksan ko ang isang Kabinet dun. Napatanga sila ng makita na punong puno ito ng ibat ibang klaseng armas. Hinagis ko ang isang bag sa kanila. "Ilagay niyo ang mga armas diyan." Sabi ko sa kanila. Tuwang tuwa na kumuha ng mga armas ang mga ito at nilagay sa bag. Kinuha ko ang isang bag kumuha ako ng mga bala at mga pasabog. Nang matapos kami. Hinila ko ang trapal na nasa gilid tumambad sa amin ang isang armored car. Kabibili lang dito ni Papa. Napasipol sila ng makita nila ito. "Wow, bigatin talaga ang Papa mo bro." Sabi ni Miller sa akin. "Ang tanong nasan ang susi niyan?" Tanong ni Jake sa akin. "Yun lang nasa kwarto nila Papa." Sabi ko sa kanila. "Patay tayo diyan." Sabi ni Jake. "Wag kayong magalala ako na ang kukuha dun dito lang kayo. Hintayin niyo lang ako. Sandali lang ako." Sabi ko sa kanila. Napatanga na lang sa akin ang mga ito. Bago pa sila umimik umalis na ako. Pumunta ako sa gilid ng bahay namin Nakita ko ang isang tubo na malaki umakyat ako dito. Hangang sa makarating ako sa isang bintana. Binuksan ko ito. Sumilip ako sa loob. Nakita ko na walang tao. Pumasok ako dito. Banyo ito ng silid nila Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD