"Kasalukuyan ngayon nagtitipon tipon ang mga pangulo ng mga bansa na nagkaroon ng mga infected pinaguusapan nila kung anong gagawin pa lumalalang pandemya sa mga bansa." Sabi ng isang News Caster.
"At ayun kay Minister hindi parin nila matukoy ang pinagmulan nito at kung saan ito nanggaling. Dahil ayun pa dito. Marami din daw infected sa ibang bansa. Kaya pansamantala sinarado ang mga airport binawalan ang magpapasok ng mga tao sa mga kanya kanya nilang bansa." Sabi uli nito.
Maya maya isiningit ang isang balita.
"Isang anonymous person ang nagpadala ng video na ito sa amin. Humihingi siya ng tulong." Sabi ng TV host. Saka pinaplay ang Video. Lumabas ang mukha ng isang lalake
" Nanawagan kami sa Pangulo na tulungan kami na ilikas sa lugar namin. Iilan na lang po kaming hindi infected dito sa Baranggay namin. Nagkakalat na po sa labas ng tahanan namin ang mga infected. Hindi na po nakakarating ang ayuda sa amin dahil puro infected na po ang baranggay namin. Malapit na po maubos ang supply naming pagkain. Apat na pamilya po kami na narito sa tahanan na ito. Napapaikutan po kami ng mga infected sa labas. " Sabi nito na takot na takot saka pinakita niya ang Video niya sa labas ng bahay niya. Nagkakalat na ang mga patay at mga infected.
" Mistula po silang mga Zombie. Active po sila umaga at gabi. " Sabi nito. Saka sinabi nito ang lugar nila.
" Naku ate diba malapit lang yun sa school niyo? " Sabi ng kapatid ko. Tumango ako dito.
" Ang alam ko mga mayayaman ang mga nakatira dun ah. " Sabi ni nanay sa amin. Napaisip ako ang alam ko dun nakatira sila Mitch.
"Kumusta na kaya siya?" Bulong ko sa isip ko.
" Grabe na talaga ang sakit na yan. " Sabi ni nanay.
" Kaya pasalamat parin tayo na kahit papano maayos pa tayo." Sabi ni nanay.
Kianbukasan nagikot ang mga taga baranggay namin may daladala silang mga megaphone.
"Nais po naming ipaalam sa lahat na simula ngayon. Isang beses sa isang buwan na lang kami mamimigay ng pagkain sa inyo. Dahil natatakot ng lumabas ng tahanan ang ating mga baranggay. Wala napo kaming nakukuhang mga alagad ng batas na magproprotekta sa mga buhay namin. Dahil busy po ang ating mga kapulisan at mga military sa pag rescue sa mga survivor sa ibat ibang panig ng bansa natin at napagalaman namin na ilang baranggay na ang punong puno ng infected. Kaya kung maari po na ang ipamimigay namin ngayon ay tipid tipirin niyo muna." Sabi ng taga salita. Saka namigay na sila ng mga ayuda. Nagmamadali sila.
"Siguraduhin niyo po na sarado ang inyong mga bintana at pintuan at magingat po tayo sa mga tao na hindi natin kilala na kumakatok sa pintuan niyo. Dahil baka isa na itong infected. Tandaan niyo oras lang ang binibilang at nagiging infected narin ang isang tao na nakagat nila." Sabi ng taga baranggay. Naging tahimik ang paligid namin. Wala kang makikita na tao na lumalabas kahit walang baramggay na rumoronda o kaya mga pulis. Lagi na lang kaminh nanonood ng TV. Pati ang panoorin sa TV unti unting nawala.
"Kami poy nagpapaalam na sa inyo ito na po ang huli naming balita. Nawa po na magiingat po tayo kung nasaang panig man tayo ngayon. Magiingat po sa mga tao na kumakatok sa inyong pintuan.
Tandaan wag po kayong magtitiwala kung ang ta na nakita niyo ay may sugatan. Uulitin po namin. Magiingat po kayo. Gabayan nawa tayo ng ating panginoon." Sabi nito at nagblackout na sila.
"Ate ano ba talaga ang nangyayari? Bakit lahat sula nagpapaalam na?" Tanong nito sa akin.
"Dahil punong puno na ng infected ang kamaynilaan. Dilikado na sa kanila kung gagala pa sila para kumuha ng balita sa labas."
Sagot ko sa kanya. Saka niyakap sila. Tinipid namin ang pagkain namin. Sumunod na buwan. nagikot muli ang mga Baranggay namigay ng ayuda.
"Nais po naming iparating na ito na po ang huli naming ayuda na maiibibigay sa inyo. Dahil pati ang malakanyang ay napasok na ng infected. Kaya wala na po tayong mapagkukunan ng ayuda.
At nais po naming magbigay ng babala sa inyo. Magiingat po tayo marami narin po ang infected sa katabi nating baranggay. Kaawaan po tayo ng panginoon." Sabi ng kapitan namin. Nagmamadali nilang iniwan sa mga pintuan namin ang mga ayuda namin. Nagmamadali naming kinuha ang mga ito at agad na sinara ang pintuan.
Mas lalong naging tahimik ang paligid ng sumunod na araw. Tinitipid namin nila nanay ang pagkain namin. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi mainip ang kapatid ko. Nagkakatuwaan kami ng bigla kaming nakarinig ng nagkakagulo sa labas. Pinatigil kami ni nanay. Narinig namin na may mga nagsisigawan sa labas. May humihingi ng tulong. Lalabasin ko sana pero agad na pinigilan ako ni nanay.
"Tulungan mo ako kailangan nating maiharang sa pintuan ito." Sabi niya saka pinagtulungan namin na itulak ang upuan na malake papunta sa pintuan. Saktong nailalagay namin ng may kumalob dito. Napatili ako sa gulat mas lalong nagkalabugan sa may pintuan namin. Pilit na itinutulak ito. Takot na takot na yumakap sa akin ang kapatid ko. Niyakap kami ng nanay ko. Tinitingnan namin ang pintuan namin baka magiba ito. Buti na lang maya maya tumigil din ito. Natahimik sa labas. Unti unti kaming lumapit sa bintana namin. Sumilil kami sa siwang nito. Nakita namin na may mga infected na sa labas. Namin.
"Nakarating na sila dito sa atin." Bulong ni nanay.
Pinagtulungan namin ang kabinet namin na iharang sa may bintana namin. Pagdating ng gabi magkakasama kami sa kwarto ko natulog. Naghanda si nanay ng magagamit namin na pamalo incase na mapasok kami. Dala din namin ang plush light. Ang sarap na ng tulog namin ng makarinig kami ng kalampag sa kusina. Sabay kaming napabangon ni nanay.
"Bantayan mo si Jepoy titingnan ko." Bulong ni nanay sa akin..
"Hindi ako na nay. Bantayan si Jepoy dito sandali lang ako." Tutol pa sana siya pero kinuha ko na ang kutsilyo. Saka dahan dahan akong lumabas ng silid ko. Wala akong nakita. Sa kusina ako nakakarinig ng ingay. Nagtataka ako kasi maayos parin ang pagkakalagay ng mga harang namin. Maingat na pumunta ako sa kusina. Dahan dahan akong sumilip. Nakahinga ako ng malalim ng makita ko na pusa ko lang pala ang nagiingay dito.
Tumingin ito sa akin saka kinuskus ang sarili niya sa akin.