Chapter 6

1604 Words
***AERIS POV#*** Maaga pa nasa palengke na kami nila nanay. Wala kaming pasok ngayon kaya kasama nanaman kami ni nanay. "Ale bili na po kayo ng gulay sariwa po yan! ' Sigaw ko sa mga namimili. " Uy Delia! Alam mo ba ang nangyari sa Ospital natin?" Tanong ni Aling mameng. "Bakit ano ang nangyari sa ospital natin? Balita ko sinara na ng tuluyan ah?" Sabi naman ni Aling Bebang ang isang tindera. "Ay naku matatakot ka sa nalaman ko." Sabi ni Aling Mameng. Napatingin ako dito. "Wala palang nagamok dun." Sabi ni aling Bebang Pati yung namimili nakinig narin. "E ano daw ang nangyari dun?" Tanong ng namimili ng gulay namin. "Naku, Yung isang pasyente daw bigla na lang na wala sa sarili. Kinagat yung doctor niya. Maya maya nawala narin sa sarili ang doctor. Kinagat din nito ang nurse niya hangang dumami na ang nabaliw dun. Marami ang namatay na paseyente." Sabi ni Aling Bebang. "Bakit namatay ang mga pasyente?" Tanong ng isa. "Hindi daw nila alam narinig na lang daw nila ang mga putok ng baril sa loob ng dumating ang mga pulis. Tapos nakita na lang nila ang dami daw patay na nilalabas galing sa loob." Sabi ni aling Mameng. " Grabe ano bang nangyayari sa atin ngayon? " Sabi ng isa. " Alam mo ba na hindi lang dito sa atin nangyari yan. Yung binalita kagabi sa TV. Yung isang mental hosptital ganyan din ang nangyari. Hindi din nila alam ang nangyari sa loob kasi pinalabas ang mga doctor at ibang pasyente sa loob. Ang naiwan yung mga nawawala sa sarili. Nagulat na lang din sila ng makarinig sila ng mga putok sa loob. " Sabi ng isang namimili. " Ay Oo, napanood ko yan kagabi. " Sabi ng isa. " Sabi nga ng isang doctor na nagsalita na pero hindi nagpakilala. May lumalaganap daw na sakit sa atin hindi lang daw sinasabi ng Gobyerno natin. Kasi hindi pa nila natutukoy kung ano ang sakit na yun. Isang klase daw ito ng Virus na ang inaatake ang utak natin. " Sabi ng isa. " Saan mo naman yan nalaman? " Tanong ni aling Mameng. " Napanood ko sa f*******:. Kumakalat ngayon yang video ng doctor na yan ah. " Sabi ng isang babae na medyo bata pa. " Teka nga alam ko sinave ko yun e. " Sabi nito. Saka pinakita sa kanila ang video. "Ate, totoo kaya yung sinasabi ng ale?" Bulong ng kapatid ko sa akin. "Hindi natin alam Jepoy. Basta bilisan na lang natin ang pagtitinda natin para makauwi na tayo. Hayaan mo sila." Bulong ko dito. Ngumiti ito saka tumango. " Sige ate ilalako ko ang ibang gulay dun sa may bandang labasan. " Sabi nito saka kinuha ang ibang gulay namin nilagay sa isang bilao. " Sige magiingat ka. " Sabi ko dito. Tumango lang ito. Hindi na ako nakinig sa usapan nila. Kinakabahan tuloy kasi ako. Naaalala ko yung itsura ni Donna. Ang alam ko hindi na ito nakapasok pa sa school. Kagaya ng dati nakapaubos kami ng maaga pa. Kaya nagligpit na kami. " Buti pa itong mga ito nakapaubos na agad. " Sabi ni Aling Mameng. " Pano puro kasi chismis ang inaatupag mo. " Sabi naman ni Lisa. " Naku masmaganda na ang may alam sa paligid no. Mamaya hindi natin alam dilikado na pala ang lagay natin hindi pa natin alam. " Sabi naman ni aling Mameng. " Ay, siya mauna na kami sa inyo. " Sabi ni nanay sa mga ito. " Nay sabi ng isang namimili kanina na nagtatrabaho sa Munisipyo. Magstock na daw sa bahay. Kasi maari daw na magkaroon ng lockdown." Sabi ng kapatid ko.Habang naglalakad kami. " Ano po ba ang lockdaow?" Tanong ng kapatid ko. " Ang lockdown yung bawal ng lumabas sa mga bahay ang mga tao." Sabi ko kay Jepoy. Napaisip ito. " E pano bibili ng pagkain ang mga tao kung bawal ng lumabas ng bahay?" Tanong uli nito. " Kaya kailangan magstock ng pagkain ang mga tao dahil sarado ang lahat ng tindahan nun." Sagot ko uli dito. Napatango ito. Nagulat ako ng makidaan si nanay sa bilihan ng bigas. " Bat bibili tayo ng bigas nay may bigas pa naman tayo sa bahay? " Tanong ko kay nanay. " Haay, masmaganda na ang handa tayo. Hindi natin alam ang nangyayari sa paligid natin. Baka mamaya magkagipitan maganda na ang may stock tayo sa bahay. " Sabi ni nanay. Hindi na lang ako umimik. Pagkatapos namin dun nakidaan din ito sa groceries bumili ito ng mga Noddles at sardinas. Bumili din ng itlog at tuyo saka mantika. Nagtataka man sa kinikilos ni nanay. Hindi na lang ako kumibo. Bumili din ito ng mga gamot sa lagnat at sa sipon. " Si nanay talaga. Buti na lang malaki ang kinita namin nung nakaraan at kanina." Bulong ko habang pauwi kami. Pagdating namin. Niluto ni nanay ang isda na binigay ng isang tindera kay nanay. Saka yung manok na binili namin. Nagtaka din ako kung bakit bumili si nanay ng manok. E may isda na nga kaming dala. " Magbihis na kayo ako na lang ang magsasaing alam ko na pagod na pagod kayo. " Sabi ni nanay sa amin. Naligo na ako bago nagbihis. Paglabas ko ng banyo pumalit naman sa akin ang kapatid ko. Ng matapos akong magayos ng sarili ko. Kinuha ko ang gamit ko school saka lumabas gumawa ako ng Assignment ko sa sala. Samantalang ang kapatid ko naman binuksan ang TV namin. " Gumawa ka kaya muna ng assignment mo bago ka manood ng TV." Sabi ko sa kanya. " Wala akong Assignment ate ginawa ko na kagabi pa. " Sabi nito. Hinayaan ko na lang siya. " Kasalukuyang nagsasalita ang ating Pangulo hingil sa kumakalat na balita sa social media tungkol sa isang viros na kumakalat ngayon sa ating bansa. Ayun sa isa pang anonymous person na nagsalita narin hingil sa balitang ito. Ang isang tao na napasukan ng Virus na ito. Ay nagiging mistulang buhay na bangkay ito na kumakain ng kapwa niya tao.Dahil ang inaatake daw ng Virus na ito ay ang utak natin. Ayun pa dito. Ang tao daw na makakagat nito ay mabilis na masasalinan ng Virus at unti unting magiging kagaya nito." Sabi ng isang News Caster. Sandaling pinutol ang balita isiningit ang pagsasalita ng Pangulo. " Humihingi ako ng paumanhin kung ngayon lang ako nagsalita tungkol dito." Sabi ng Pangulo. " Kung nagtatanong kayo kung totoo ang kumakalat na balita. Ang sagot ko ay Oo. May sakit nga na kumakalat sa atin. Sa ngayon pinagaaralan pa namin kung anong klaseng Virus ito. Kaya naman hiniling ko na wag na muna kayong magsialis sa inyong mga tahanan upang mapigilan natin ang paglaganap ng Virus na ito. Kaya naman binibigyan ko kayo ng dalawang araw upang magsiuwi sa inyong mga tahanan at mag stock ng mga pangunahing mga kailangan sa inyong mga tahanan. Dahil pagkatapos ng dalawang ara na binigay ko ay maguumpisa tayong maglockdown ang sino mang mahuli namin na wala sa kanilang tahanan ay aming iquaquarantine ng isang lingo kasama ng iba naming mahuhuli. Mamimigay kami ng food assistance sa mga mahihirap. Upang hindi niyo na kailangan pang lumabas sa inyong tahanan. " Sabi ng Pangulo Saka ito nagpaalam na. " Minister, hangang kailan po ba ang lockdown na ibinaba ng pangulo? " Tanong ng isang news Caster. " Hanggang sa malaman namin ang gamot sa sakit na kumakalat." Sagot nito. " Saan po ba nagmula ang sakit na ito? " Tanong naman ng isang News Caster. " Sa ngayon hindi pa namin alam. Inaalam pa namin. " Sagot uli nito. " Naku buti na lang nay namili na tayo kahapon. " Sabi ni Jepoy. " Baka kulangin pa yung nabili natin. Hindi natin alam kung hanggang kailan ito. " Sabi ni nanay sa amin. " Meron pa naman po akong pera nay ipapamili ko muna para maging stock natin. Napatingin sa akin si nanay. "Baka kailanganin mo yun anak." Sabi ni nanay sa akin. "Sabi mo nga nay hindi natin alam kung hangang kailan ang lockdown. Mas kakailanganin natin ng pagkain natin. Saka wala din naman kaming pasok pa. " Sabi ko kay nanay. Alam ko na nagsabi ang pangulo na magbibigay siya ng pagkain sa aming mahihirapa. Pero mahirap ng umasa lalo na ganitong lahat nangangailangan. Sabi nga ni nanay mas maganda na ang handa ka sa mangyayari. " Bulong ko sa isip ko. Kinagabihan kinuha ko ang alkansiya na nasa ilalim ng mga damitan ko. Iniipon ko ito para sa Birthday sana ng kapatid at pambili ko ng Cellphone ko. Kinuha ko binarag ko ang alkansiya ko. Malaki laki narin ang naipon ko. Kinabukasan pinamili namin ito. Nagaagawan ang mga tao sa pamilihan. Lalo na sa groceries. Bumili kami ng bigas at itlog. Muntik na kaming maubusan ng murang bigas. Pagdating namin sa bahay inayos namin ang mga pinamili namin. Inayos namin ni nanay ang mga sarado ng pintuan namin at ng mga bintana namin. Dahil sabi sa balita siguraduhin daw na nakasara ng maige ang mga bahay. Binilihan ko ng mga pagkain ang kapatid ko. Isang linggo na ang Lockdown. Nabalitaan namin na marami ang hinuhuli ng mga pulis at mga militar. Kada linggo may mga ayuda na dumarating sa mga bahay bahay galing sa Gobyerno. Limang kilong bigas at mga dilata na may kasama na kape at biscuit. Hangang ang isang linggo umabot na ng buwan. Nung una ayos parin ang ayuda Pero ng tumagal pa ang lockdown naging bihira na ang ayuda sa amin. Buti na lang tinitipid namin ang mga binibigay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD