Chapter 5

1211 Words
"Eto naman, minsan lang naman yan. Sumama kana. Wag kang KJ no ikaw lang ang hindi sasama pagnagkataon. Siguradong hahanapin ka ng lahat lalo na ang mga teachers natin." Sabi ni Mitch. " Pero wala akong susuutin dun. Alam niyo naman ang sitwasyon ko no. " Sabi ko sa kanila. " Wag kang magalala. Kaming bahala sayo. " Sabi ni Yeula. " Uy Nicole yung sasakyan mo ang sasakyan natin bukas papunta sa bahay nila Vice ha." Sabi ni Yeula dito. " Sige. Yung SUB ang dadalahin ko para may maisabay pa tayo na mga classmate natin. " Sabi niya. Wala na akong nasabi pa. Nagpaalam ako kay nanay na may dadaluhan na birthday party ng classmate ko. " Magiingat ka anak marami ng nangayayari ngayon na hindi maganda. Wag ka masyadong magpapagabi. " Sabi ni nanay sa akin. " Opo nay. " Sabi ko na lang. ***ZID POV#**** Tuwing araw ng linggo hindi nakakalimutan ni mama na magsimba. Lagi niya kaming inaaya ni Papa. Kababa ko palang ng sasakyan ng may makita ako na papasok ng simbahan. Sumigla agad ang pakiramdam ko. Napangiti ako. Pagpasok namin ng simbahan hinanap ko agad siya. Nakita ko na nasa medyo gitna sila naupo. Dun ko niyaya sila mama na maupo. Pagdating ko dun nakahinga ako ng hindi ito umimik umusod lang ito. Pagsapit ng amanamin nagisip ako kung hahawakan ko ba ang kamay niya. Baka kasi sampalin na lang ako bigla. Pero kaialngan kong hawakan ang kamay niya. Kaya huminga ako ng maluwag saktong hahawakan ko na ang kamay niya ng humarap siya sa akin at tumingin sa akin. Nahigit ko ang hininga ko ng makita na biglang nagbago ang itsura nito. Akala ko hindi niya ibibigay ang kamay niya pero nagpahawak padin naman siya ng kamay. Kaya nakahinga ako ng maluwa. Tuwang tuwa ako. Sa wakas na hawakan ko din siya. Kaya pinakiramdaman ko ang kamay niya hindi naman siya umiimik. "Kahit mahirap lang sila. Wala akong nakakapa na kalyo sa kamay niya. Ang lambot parin nito." Bulong ko sa isip ko. Ayaw ko pa sanang bitawan kaso natapos na ang awitin. Alam ko na umuusok na ang bunbunan. Niya sa inis dahil nakita niya na nanaman ako. Kaya ng pagsalita ang pari ng mabigayan kayo ng kapayapaan sa isatisa. Humarap ako sa kanya. "Peace." Sabi ko sa kanya kaso inirapan niya lang ako. Natawa na lang ako. Kasi inaasahan kona na gagawin niya yun. Pagkatapos ng misa nakipagusap pa si mama at si papa sa pari. Kaya lumabas ako at pumunta sa Park. Nakipagkwentuhan sa mga bata dun kagaya ng dati. Nilibre ko sila ng cotton candy. Kumakain ako ng poot long ng makita ko ang kapatid niya na papunta sa park tinawag ko ito. "Ano mo ba si Aeris?" Tanong ko sa kanya. "Ate ko siya." Sagot nito sa akin tumango ako. "School mate ko ang ate mo. Gusto mo ng poot long?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya. Humarap ako sa tindera. "Miss tatlong poot long samahan mo narin ng drinks. Pakibigay mo na lang dito sa bata." Sabi ko saka binayaran na ito. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya. Tungkol sa ate niya kaso tinatawag na ako ni mama. Kaya nagpaalam na ako sa kanya sak kumaway na lang habang sumasakay ako sa sasakyan namin. "Zid anak ano ba ang plano mo sa birthday mo?" Tanong ni mama sa akin. Napatingin ako sa kanila sa likuran. "Gusto ko simple lang ma." Sabi ko aa kanya. "Sige gagawin nating simple iimbitahan natin ang buong school niyo at sa bahay na lang gaganapin." Sabi ni mama. Napailing na lang ako. "Bro nalaman namin na pumunta ang mama mo dito at iniimbitahan ang buong school sa birthday mo. Akala ko ba simple lang ang birthday mo?" Tanong ni Jake sa akin. "Yun ang simple sa mga magulang ko." Sabi ko sa kanila na tawa ang mga ito. "Pereho talaga ang mga erpats natin." Sabi niya. Ng makita ko na dumaan ang grupo nila A. "Palagay mo sasama kaya siya?" Tanong ko kay Jake. Napatingin ito sa tinitingnan ko. "Wag kang magalala siguradong hindi papayag ang apat na kaibigan niya na hindi siya sumama. Saka hahanapin kaya siya dun. Kaarawan ng Vice president ng Student council tapos wala ang President. " Sabi ni Jake. Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang siya ang dahilan kung bakit hindi ako umangal sa gusto ng mama ko. ****** Kanina pa ako nagaabang dito sa terrace namin. Kanina pa dumating ang mga amiga ng mama ko na mga magulang din ng mga kaklase ko. Sila Papa nan kanina pa sila busy dito sa taas. Unti unting nagdatingan na ang mga kaibigan ko. Kaya bumaba na ako. " Happy birthday bro. " Bati nila sa akin. Niyakap nila ako. Niyaya ko sila sa loob. " Mapapasabak ako nito mamaya. " Sabi ni Miller. Natawa na lang kami dito. Party goers kasi ito. " Alam mo Bro eto ang gusto ko pagdating sa party. " Sabi naman ni Noel kasi lamunista naman ito kahit saan kami pumunta lagi siyang may pagkain. Pagkatapos nilang kumuha ng makakain pumunta na sila sa isang lamesa. Ng kalabitin ako ni Jake saka inginuso ang pintuan. " Yown oh. Sabi na nga darating siya e. Kompleto na ang araw mo bro." Sabi ni Chris. "Gago." Sabi ko dito saka ngumiti. "Sus kunyari ka pa kanina kapa nakatingin sa labas. Alam namin na siya ang hinihintay mo at hindi kami." Sabi uli ni Noel. Nagtawanan na sila. " Puntahan mo na. " Sabi naman ni d**k. " Gago gusto mo bang umalis yan agad. " Sabi ko sa kanila natawa sila. " So pano titingnan mo na naman siya sa malayo. " Sabi ni Westley. Hindi ako umimik. Saka sinundan ko na lang siya ng tingin. Kontento na ako makita ko lang siya sa malayo ayos na ako. Nagpalam muna ako sa kanila ng tawagin ako ni mama. "Zid anak pakikuha mo nga yung kahon na nasa tabi ng kama namin ni Papa mo. Ipapakita ko lang sa kanila yung gamot na binili ko sa galing sa ibang bansa." Sabi ni mama sa akin. Umakyat ako sa taas pumasok ako sa silid nila mama kinuha ang box puro ito tabletas. Ng pagdaan ko sa grupo nila papa. Parang seryoso ang pinaguusalan nila. "Hindi Enreque. Masyado na itong lumalala hindi na ito maliit na problema lang ng bansa. Dahil hindi lang ito simpleng pagkabaliw lang ng tao at kahit sa ibang bansa problema na din ito." Sabi ng isang kausap ni Papa napatingin ako sa kanila. " Oo nga, para silang buhay na bangkay. Hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa kanila. Kahit anong tago pa ang gawin natin hindi na natin ito maitatago sa mga tao. Mabilis itong lumalaganap sa ibat ibang panig ng bansa." Sabi naman ng isa. "Kailangan na natin pagusapan ito. Hangat hindi natin nalalaman kung saan nagmumula ang problema hindi natin malalaman ang gamot dito." Sabi naman ng isa. "Ang alam ko magpapatawag ng meeting ang mahal na presidente para pagusapan ang problema na ito." Sabi ni papa. Bumaba na ako. Naalala ko si Donna ng ibalandra ko ito sa ding ding. Iba na ang nakita ko sa itsura niya pati ang mata niya nawala ang kulay nito naging puti lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD