Chapter 4

1062 Words
Pagdating namin sa Ospital nagulat kami kasi may harang dito maraming pulis ang nagkakalat sa paligid. "Anong ginagawa niyo dito? Alam niyo ba na bawal dito ngayon." Sabi ng isang pulis. "Maghahatid lang sana kami ng gulay sa ospital." Sabi ko dito. "Naku sa susunod na lang kayo bumalik Nagkakagulo sa loob ngayon." Sabi nito tumango na lang ako at hinila na ang kapatid ko. "Ano kaya ang nangyari dun ate?" Tanong nito sa akin. "Haay, Ikaw Jepoy ha nahahawa kana kay manang Mameng na marites. Gusto malaman ang lahat ng nangyayari sa paligid niya." Sabi ko dito. Nagderetso na kami sa prisinto. Pagkatapos namin bumalik na kami kay nanay. Nakita ko na konti na lang ang tinda ni nanay. "O bakit dala niyo parin ang ibang gulay?" Tanong ni Nanay. "Naku nay nagkakagulo sa Ospital ngayon maraming mga pulis. May harang nga ang paligid ng ospital." Sabi ni Jepoy. Napailing na lang ako. "Talaga, Jepoy?" Tanong ni Aling Mameng. Tumango naman ang kapatid ko. "Oo aling Mameng may gulo sa ospital ngayon maraming mga pulis dun ngayon." Sabi ng kapatid ko. "Naku ano na naman kaya ang nangyari dun?" Tanong ni aling mameng. Hindi ko na lang sila pinansin. Kinabukasan balita na ang nangyari sa ospital. Nangunguna na si aling mameng sa pagbabalita. "Nay, alam niyo ba sabi ni aling Mameng sa labas may nagamok pala sa ospital marami ang nasugatan. Kaya pansamantalang pinasara ang ospital. " Sabi ng kapatid kong chimoso din. " Saan naman daw dinala ang mga pasyente? " Tanong ni nanay. Kasalukuan kaming nagaalmusal. " Ang sabi sa kabilang bayan. " Sagot ngkapatid ko. " Ang layo na tuloy ng ospital natin ngayon. Siguradong pahirapan na ang pagpapagamot kasi hindi naman tayo tagaroon. " Sabi ni nanay. Pagdating namin sa palengke wala silang yopic kundi ang tungkol sa ospital. Hindi ko na lang sila pinakikingan. Buti na lang maaga kaming nakaubos ng paninda. " Nay wag na muna tayong magtinda mamaya magsimba na lang tayo. " Sabi ko kay nanay. " Sige tutal napaubos naman natin ang paninda natin ngayon at kahapon." Sabi ni nanay. Tuwang tuwa ang kapatid ko kasi pupunta kami ng bayan para magsimba. " Ate ang ganda talaga dito sa bayan marami kang makikita. May palaruan pa. Nay pwede ba akong maglaro diyan mamaya? " Tanong nito sa nanay ko. " Oo na. Basta magsimba muna tayo. " Sabi ni nanay. Pumasok na kami sa simbahan. Naguumpisa na ang misa ng dumami ang tao sa simbahan. May naupo sa tabi ko. Umusod lang ako sa nanay ko hindi ko ito pinansin. Sumapit ang amanamin kinailangan kong hawakan ang kamay ng katabi ko. Doon ko lang siya napansin. Pagtingin ko sa kanya napakunot ang noo ko ng makita ko si Zid. "Marunong din palang magsimba ang mokong na ito." Bulong ko. Nang hawakan niya ang kamay ko. Manganganing hindi ko ibigay ang kamay ko sa kanya. Kaso baka sabihin niya na ang arte ko naman. Kaya huminga na lang ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya. Kaso naiinis ako sa kanya. Dahil ang higpit na nga ng hawak niya sa kamay ko. Ang likot pa ng isang daliri niya sa palad ko. Kaya inis na tiningnan ko siya. Pero patay malisya lang siyang nakatingin sa harapan at kumakanta ng amanamin. "Bwisit talaga ang lalake na ito. Bakit kaya ang daming makakatabi ko siya pa. " Inis na bulong ko. Laking pasalamat ko ng matapos na ang awitin. Pinilit ko na hindi pansinin siya sa tabi ko. Kahit ang likot likot niya. Hindi kasi maiwasan na sa tuwing kikilos siya nasasagi niya ang braso ko. Kaya nakahinga ako ng maluwag ng magsalita ang pari. "Magbigay kayo nga kapayapaan sa isat isa." Sabi ng pari. "Peace." Sabi niya ng humarap siya sa akin. Inirapan ko lang siya sa inis ko. Saka humarap kay nanay. Natawa lang ang loko. "Bwisit talaga yun. Alam niya siguro na ako ang nakaupo dun kaya sinadya niyang doon maupo para bwisitin lang ako." Inis na bulong ko. Paglabas namin nanghingi ng pambili ng popcorn ang kapatid ko kay nanay. Binigyan naman ito ni nanay kaya nagtatakbo na ito palayo sa amin. "Wag kang lalayo." Sabi ni nanay dito. "Bibili lang ako nay." Sabi naman nito. Naupo kami ni nanay sa isang beanch. Naalala ko noong nabubuhay pa ang tatay ko. Lagi din kaminh nandito sa tuwing matatapos magsimba. Nagulat ako ng bumalik ang kapatid ko na may mga dala na pagkain at inumin. "Saan galing yan?" Tanong ni nanay sa akin. "Sa lalaking katabi ni ate kanina sa simbahan. Schoolmate daw siya ni ate. Tinanong niya ako kung ano ko si ate sabi ko kapatid.Tinanong niya ako kung gusto ko ng poot long. Kasi kumakain siya. Tumango ako. Kaya binili niya tayo ng poot long at softdrinks. Binayaran niya muna bago siya sumakay sa sasakyan nila. Ang yaman niya kaya ate. " Sabi ng kapatid ko na madaldal. " Nagpasalamat ka ba? " Tanong ni nanay sa kapatid ko. "Opo nay. Ngumiti pa nga siya sa akin." Sabi nito at binigyan si nanay ng poot long. Hindi na lang ako umimik. "Sa susunod Jepoy wag kang tatangap na lang basta basta sa hindi mo kakilala. Baka mamayan niyan may lason pala O kaya kung ano ang nilagay nila sa pagkain." Sabi ko sa kanya. "Wag kang magalala ate binayaran niya lang yan. Ako na ang kumuha sa tindera kasi umalis na sila. Hindi ko nga natanong yung pangalan niya." Sabi nito. Hindi na lang ako umimik. "Pero alam mo ate ang gwapo niya at mukhang mabait siya." Sabi uli ng kapatid ko. "Dun ka nagkakamali hindi mabait yun. Nagpapangap lang yun kasi nasa harap siya ng simbahan." Sabi ko sa kanya saka kinain na ang poot long na binigay nv kapatid ko. Sayang naman kasi ito kung hindi kakainin. Hindi dapat nagsasayang ng grasya. "Parang hindi naman ate. Kasi nakita ko na kilala din siya ng maga bata na naglalaro sa park. Kumaway kasi siya dito." Sabi uli ni Jepoy. Hindi na lang ako umimik. Naglaro pa si Jepoy sa park. Magdidilim na ng umuwi kami. "Uy. Alam mo ba na inimbitahan lahat ni Vice ang lahat ng studyante at mga guro sa birthday niya bukas ng gabi. Sama ka ha." Sabi ni Olive. "Ano ka ba. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyan." Sabi ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD