Chapter 13

1023 Words
Nakita ko na papunta kami sa school namin. Napatingin ako sa dinadaanan namin nagkakalat ang mga infected. Hinahabol ang sasakyan namin. "Hello? Malapit na kami." Sabi ni Zid sa kausap niya sa Cellphone niya. Tumingin ito sa likuran namin. "Oo, may mga nakasunod sa amin." Sabi niya. "Humanda na kayo nandito na kami." Sabi niya uli. Nagderetso kami sa likod nh school. Pagdating namin dun nakita ko sila Noel naghihintay sa pagdating namin. Pinasok ni Jake ang sasakyan sa gate na nakabukas. Pagpasok namin agad na sinara nila Noel ang gate. Sakto lang maya maya nagdatingan na ang mga Infected. Hinarangan nila ng mga tuyong damo ang gate at saka sinabitan ng mga lata ang paligid nito. Bumaba na kami sa sasakyan. "Miss A kasama ka pala nila." Sabi ni Noel ng makita niya ako. Tumango lang ako sa kanila. Tumingin sila sa mga kasama ko. "Nanay ko at kapatid ko. Sila naman mga kapit bahay namin." Pakilala ko sa mga kasama ko. "Pano kayo nagkita nila Zid?" Tanong nito at makahulugan na tiningnan si Zid. "Kasalukuyang hinahabol kami ng mga infected ng makita nila kami." Sabi ko sa kanya. "Oh, buti pala naligaw sa inyo si Vice." Sabi nito saka tumingin uli kay Zid. Napatingin. Tuloy ako kay Zid na umiwas ng tingin sa amin at lumapit kay Jake. Hinatid kami ni Noel sa loob. "A.! Tawag sa akin. Napalingon ako nakita ko si Mitch . "Mitch!" Sabi ko saka nilapitan ito. "Kumusta kana? Sila Yeula nandito din ba?" Tanong ko sa kanya. "Si Nicole lang ang nandito." Sabi niya sa akin. Naalala ko na iisa nga pala sila ng lugar nila Noel. "Sino kasama mo?" Tanong niya sa akin. "Nanay ko saka yung kapatid ko." Sabi ko sa kanya. "Kapatid mo din yung mga bata na yun?" Tanong niya saka tinuro ang dalawang bata na Kasama ng anak ni Aling Mameng. "Hindi kapit bahay namin silang apat. yung dalawang bata magkapatid sila. Sila na lang ang natira naging infected ang nanay at tatay nila." Sabi ko sa kanya. Nalungkot siya. " Para palang kaming Tatlo ng kapatid ko. Kami lang din ang nakaligtas." Sabi niya. Malungkot na hinawakan ko ang kamay niya. " Nasan nga pala ang mga kapatid mo? " Tanong ko sa kanya. " Kasama ni Nocole. Nasa kusina sila tumutulong. " Sabi niya. Tumango ako. " Halika magpahinga muna kayo. Tawagin ko na lang kayo pag nakahanda na ang pagkain. " Sabi niya sa akin. Tinawag ko sila nanay. Sumunod kami kay Mitch. " Palitan kami sa pagtulong sa kusina. Ilang linggo na kami dito. Sa awa ng diyos hindi naman sila nakakapasok dito. Laging umaalis sila Noel para maghanap ng mga survivor saka nila dinadala dito." Sabi niya uli. "Buti walang infected dito noong dumating kayo? " Tanong ko sa kanya. " Noong dumating kami dito. May mga infected din dito. Pero iilan lang sila. Kaya nakaya namin silang labanan. Ng maubos namin sila sinarahan namin ang lahat ng lulusutan nila. Nilagyan namin ng lata para pagnatanggal nila ang mga damo tutunog ang mga lata." Sabi niya sa akin. Pinagpahinga ko muna sila nanay. Sumama ako kay Mitch tumulong sa kusina. Hindi din naman ako makakapagpahinga. " A.! " Sigaw ni Nicole ng makita niya ako. " Kumusta kana? " Tanong niya sa akin. " Ayos lang naman kami ng nanay ko. " Sagot ko sa kanya. " Buti naman at nakaligtas kayo. Si Mitch sila lang ng mga kapatid niya ang nakaligtas." Sabi no Nicole. "Oo nga, Sila Olive kaya kumusta na kaya. Nakaligtas din kaya sila? " Tanong ko. " Ewan sana nga nakaligtas din sila. " Sabi ni Mitch. Tumulong ako sa kanila sa pagaasikaso ng pagkain. " Marami ba kayong narito? " Tanong ko sa kanila. " Kokonti lang kami na narito." Sabi ni Mitch. Napaisip ako. Bawat pamilya magkakasama sa iisang room. iilan palang naman kaming pamilya. Nang nakaluto na kami ng sopas pumila na sila sa pagkuha ng pagkain. Pinuntahan sila ni Mitch sa mga silid nila. "Are you sure na malinis ang mga ginamit niyo dito sa pagluluto nito?" Tanong ng isang ginang. Napatingin kami sa kanya. "Wala ng lugar dito ang pagiinarte pwede ba. Kung sosyal ka wag kang kumain. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap maghanap ng pagkain ngayon. " Galit na sabi ni Aling Mameng dito. Natawa sila Miller. Dahil ng aktong kukunin ni aling Mameng ang lalagyan na hawak ng ginanang bigla itong siniko ng asawa niya. Kaya tumahimik na ito at ang anak niya. Nanahimik na lang ang iba pa. Kilala ko sila mga school mate ko sila. Kaya alam ko na mayayaman sila. Dahil kita naman sa mga ayos nila. Suot suot parin nila ang mga alahas nila. " Ikaw magiinarte karin pababayaan kitang magutom. " Sabi ni Mitch sa kapatid niyang isa. Kaya napipilitan na inabot ang plastik cups na binigay ni Mitch na may sopas. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid halatang napipilitan lang ang iba na kumain. Yung iba namam diring diri talaga. Napadako ang tingin ko kayla Zid. Binigyan ito ni Jake ng sopas. Tahimik ito na kumain. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik nito. " Mahirap naman talaga maka move on lalo nat nakita mo kung papano nagbago ang pamilya mo. " Sabi ni Nicole sa akin. Napalingon ako dito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. "Naging Infected din ang mommy at Papa niya. Siya lang din ang nakaligtas sa bahay nila." Sabi ni Mitch sa akin. Napalingon ako kay Zid. "Kaya pala tahimik siya kanina pa." Sabi ko sa isip ko. Kinagabihan hindi ako agad makatulog pakiramdam ko pag nakatulog ako manganganib kami. Wag lang akong makaidlip kunting kaloskos lang nagigising ako. Kaya napilitan akong tumayo. Saka pumunta sa kusina. Naginit ako ng tubig. "Bat gising ka pa?" Tanong ni Zid na ikinagulat ko. "Hindi ako makatulog." Sagot ko sa kanya. Inalok ko siya ng kape. Tumingin siya sa akin. Nailang ako. "Mahirap naman talaga makatulog sa ganitong sitwasyon. " Sabi niya at naupo sa nasa harapan ko na bangko.. Habang nagkakape kami biglang nagkagulo sa labas. Agad na napatayo kami ni Zid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD