Chapter 14

1007 Words
Napatakbo kami sa pintuan. "Anong nangyayari?" Tanong namin kay Noel. "Yung nasa taas na pamilya. Biglang nagbago ang asawa niya. " Sabi ni Noel. Napatingin ako. Nasa pangalawang palapag ang pamilya ko. "May nakagat ba?" Tanong ni Zid. "Wala naman, agad na salpakan ng asawa ng karton ang bibig ng asawa niya itinali na namin. Anong gagawin natin dun?" Tanong ni Noel kay Zid. Huminga ng malalim si Zid. "Infected na siya kailangan na natin siyang ilabas bago pa siya makakagat ng ibang tao." Sabi ni Zid. Huminga ako ng malalim. "Pero wala siyang sugat o kahit kalmot. " Sabi ni Noel. Napatingin ako dito. Napakunot ang noo ni Zid. "Kung ganun bakit siya naging Infected?" Tanong ni Zid sa kanya. "Hindi ko din alam." Sagot ni Noel. Umakayat kami sa silid nito. Nakita namin na nakatali ito sa gilid. Binabantayan nila Miller at ng asawa niya. Nakita namin na nagbago na ang mata niya naging puro puti na ito. Nagkakaroon narin ng mga ugat sa mukha niya. Nagwawala ito. "Ano po ba ang ginawa ng asawa niyo bago siya naging ganyan?" Tanong ni Zid sa asawa niya. "Wala naman siyang ginagawa. Nagrereklamo lang siya na mainit ang lugar. Yun lang naligo lang siya saka uminom ng gamot niya tapos bigla na lang siyang nahirapan huminga. Nawalan muna siya ng malay ng magising siya nangisay siya kaya sinalpakan ko siya ng karton sa bibig akala ko inaatake siya ng epilepsy pero ng tumigil siya sa pangingisay bigla na lang siyang dumilat at sinunggaban ako. Buti na lang may nakasalpak sa bibig niya." Kwento ng asawa niya. " Wala na po tayong magagawa sa kanya. Isa na po siyang Infected kaya kailangan na po natin siyang ilabas. Bago pa siya makakakagat. " Sabi ni Zid sa asawa. Umiyak ang lalake. Hinawakan ni Zid ang balikat nito. Saka sinenyasan sila Noel na alalayan ang babae pababa. Nagwawala ito. Gustong sunggaban sila Noel. Kaso nakatali siya at may busal ang bibig niya. Dinala namin siya sa likod bahay. Tinanggal nila ang mga tuyong damo. Wala kaming nakita na infected. Kinalas nila ang tali ng kamay nito saka binuksan ang gate saka nilabas nila ito at mabilis na sinara ang gate. Nagmamadali itong tumayo at tumakbo sa gate. Kinalampag nito ang gate. Iyak ng iyak ang asawa niya. Kinandado nila ang gate saka nilagyan ng tuyong damo. Umakayat na kami sa taas. May mga bantay na naiwan dun. Kinabukasan tinipon kaming lahat ni Zid pagkatapos naming magalmusal. "Tinipon po namin kayo para sabihin na may naging infected po sa atin kagabi. Wala po siyang sugat kahit katiting. Hindi po namin alam kung bakit po siya naging infected. Sa totoo lang po wala pa pong nakakaalam kung paano nagiging infected ang isang tao. Kaya sana po iwasan po natin ang magisip. Dahil baka dahil sa stress kaya nagiging infected ang isang tao. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na bantayan po natin ang bawat isa sa atin. Kailangan po nating maging handa lagi. Hindi po natin alam kung sino po ang susunod na magiging infected sa atin. Wala po tayong clue kung saan nanggagaling ang Virus. Kaya sana po bantayan po natin ang ating mga sarili. Kapag po may nararamdaman na po tayong kakaiba. Mas mabuti na pong magpatali na po tayo sa mga kasama natin sa silid kesa po makagat niyo pa ang pamilya niyo at kung meron naman po kayong nakikitang kakaiba sa kasama niyo mas mabuti na pong ibigay alam sa amin o kaya kung kaya niyo siyang talian talian niyo na siya. Oras na may nakita kayong nangingisay at nawalan ng malay. Itali niyo na po siya at salpakan ang bibig niya. Kung hindi niyo po kaya kung maari umiwas na po kayo sa kanya at tawagin niyo po ang isa sa amin. Dahil maaring isa na po siyang Infected. " Sabi ni Zid. " Alam ko po na pamipamilya po tayo dito. Pero hiling lang po namin na wag niyo pong ililihim ano man pong nangyayari sa mga silid niyo. Para din po ito sa kaligtasan nating lahat. " Sabi uli ni Zid. Pinabalik na niya kaming lahat sa mga silid namin. " Anak magpahinga ka muna alam ko na wala ka pang tulog. " Sabi ni nanay sa akin. Tumango ako saka nahiga. Nakatulog ako. Nang magising ako napabalikwas ako at agad na hinanap ko ang nanay at kapatid ko. " Oh gising kana pala. " Sabi ni nanay. Nakahinga ako ng malalim ng makita ko sila ng kapatid ko. " Nakatulog ka ba ng maayos. Hindi kana namin ginising. Kinuha ka na langa namin ng pagkain. Kumain kana. " Sabi ni nanay sa akin. Tumango ako sa kanya. Saka kumain na ako. Ng matapos ako lumabas ako ng silid namin pumunta ako sa kusina. " O gising kana pala. Pinadala na lang namin sa nanay mo ang pagakain mo. " Sabi ni Mitch sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila. " Saan niyo yan dadalahin? " Tanong ko sa kanila ng makita na may dala silang Tray. " Sa ibaba kayla Noel. Ginagawa nila kasi yung sasakyan." Sabi nito sa akin " Bakot may sira ba? " Tanong ko sa kanya. " Hindi pinapatibay nila. Para ligtas gamitin sa labas. " Sabi uli nito. Tumango ako. " Tulungan ko na kayo. " Sabi ko sa kanila. " Buti pa nga. " Sabi ni Mitch sa akin. " Wow naman o, yan ang gusto ko. May pameryenda. " Sabi ni Noel. Saka lumapit sa amin. Tiningnan ko ang ginagawa nila. Dinodoblehan nila ng screen ang ding ding ng sasakyan. "O, ibigay mo sa nasa ilalim ng sasakyan." Sabi ni Mitch sa akin. Napatingin ako sa Sandwich at juice na inaabot niya sa akin. Nakita ko na may tao nga sa ilalim ng sasakyan. Kinuha ko ang inaabot niya sa akin. Saka lumapit ako dito. "Tama na muna yan kumain ka muna." Sabi ko dito. Nagulat ako ng lumabas ito at hubarin ang nakalagay sa mukha niya. Si Zid pala ito hinihinang niya ang ilalim ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD