"Salamat." Sabi niya saka inabot ang Sandwich at juice.
"Ikaw ba ang gumawa nito?" Tanong niya sa akin.
"H.. Hindi sila ang gumaawa niyan." Sagot ko sa kanya na hindi siya tinitingnan. Hindi ko alam kung bakit hangang ngayon naiilang parin ako sa kanya.
"Bakit niyo dinodoblehan niyan?" Tanong ko sa kanya.
"Para hindi basta basta masisira ng mga infected. Gagamitin kasi namin sa paghahanap pa ng ibang survivor at pahahanap ng pagkain natin." Sabi niya.
"Sa lugar namin sa tingin ko marami pang survivor dun kaso marami ding Infected." Sabi ko sa kanya.
"Buti naka survive kayo ng nanay mo dun." Sabi niya sa akin.
"Sa awa ng diyos. Kinakabahan nga kami kasi hindi maayos ang ding ding namin. Buti na lang walang masyadong infected sa lugar namin ang marami sa Palengke at paglabas mo ng skinita." Sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo pupuntahan namin ang lugar niyo. Titingnan namin kung may mga survivor pa." Sabi niya sa akin.
"Condolence pala sa nangyari sa magulang mo." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
"Ahm, excuse me lang po makikiraan lang." Sabi ni Westley. Binatukan ito ni Noel.
"Ang daming dadaanan diyan ka pa talaga dumaan. Istorbo ka eh no." Sabi ni Noel dito.
"Sorry na." Sabi naman ni Westley na kakamot kamot sa ulo niya. Natawa sila Mitch. Nagtataka na napatingin ako sa dalawa. Tumayo na ako saka niyaya na si Mitch at nagpaalam na kami sa kanila. Napapailing na lang si Jake na nasa gilid. Natawa si Mitch.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Nakakapanibago kasi hindi kayo nagaway dalawa." Sabi ni Mitch.
"Bakit naman kami magaaway no?" Tanong ko sa kanya.
"Dati kasi kahit walang dahilan nagaaway na lang kayo bigla. Ang init kasi ng ulo mo sa kanya no." Sabi ni Mitch sa akin. Hindi ako umimik. Totoo kasi ang init ng ulo ko sa kanya.
"Nayayabangan kasi ako sa kanya noon." Sabi ko sa kanya.
"Sabi ko na kasi sayo. Hindi naman mayabang si Vice may pagkasuplado lang minsan. Buti nga pagdating sayo hindi siya suplado e. " Sabi niya sa akin. Hindi na lang ako umimik. Pagdating namin sa kusina tumulong kami sa pagaasikaso ng pagkain naghugas kami ng pinggan. Habang nagluluto ang mga may edad na.
Lumipas ang tatlong araw na wala namang nangyayaring masama. Maayos naman ang lahat wala naman naging infected sa amin. Natapos ng ayusin nila Zid ang sasakyan. Nagpasya silang umalis para maghanp ng mga Survivor.
Pagdating nila ng hapon kasama na nila sila
Olive at Yeula. Tuwang tuwa na niyakap ko ang mga ito. May mga kasama pa silang ibang survivor.
"Kunusta na kayo?" Tanong ko sa kanila. Umiyak si Yeula katulad ni Mitch naging Infected din ang pamilya niya at isa lang din siya na nakasurvive.
Si Olive naman mama niya lang at ang dalawa niyang kapatid ang nakaligtas naging Infected ang Papa niya. Sinama ko sila sa silid namin. Magkakasama kami nila Mitch.
"Buti na lang nga nakita kami nila Zid. Ilang araw na kaming hindi kumakain naubos na ang suply namin hindi kami makalabas dahil puno ng Infected ang subdivision namin." Sabi ni Olive na umiiyak. Dinala namin sila sa kusina para makakain. Niyakap ko na lang sila.
Hindi na naman ako makatulog. Kaya lumabas ako. Nakita ko sila Zid.
"Oh, miss A bat gising ka pa?" Tanong ni Miller sa akin. Napalingon sa akin si Zid.
"Ahm, hindi kasi ako makatulog. Gusto niyo ba ng kape?" Tanong ko sa kanila.
"Sige miss A." Sagot ni Noel pero tiningnan ito ng masama ni Zid.
"Hehehe, ang ibig sabihin ko kami na lang ang magtitimpla miss A dito kana lang." Sabi uli ni Noel.
" Ah, hindi na. Ako na lang ang magtitimpla ng kape. Tinanong ko lang kung gusto niyo." Sabi ko sa kanila. Saka tumalikod na para pumunta ng kusina. Nagulat ako ng batukan ni Miller si Noel. Napalingon ako sa kanila.
"Ah, miss A samahan kana daw ni Vice." Sabi uli ni Noel. Napatingin ako kay Zid na mukhang nagulat.
Siniko naman ito ni Westley.
"Ah, Oo s... Samahan na kita.para may katulong ka" Sabi nito habang kumakamot ng batok. Tumango na lang ako. Kasi nahihiya naman ako na humindi sa kanya. Pero sa totoo lang naiilang ako na kaming dalawa lang dito sa kusina. Tinulungan niya ako kumuha ng baso. Tinimplahan ko ng kape ito nilalagyan niya naman ng mainit na tubig ang baso na nalalagyan ko ng kape.
" Ahm, salamat nga pala sa pagliligtas mo kayla Olive. " Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.
" Wala yun. Sila ang inuna namin kasi malapit lang sila dito. " Sagot niya. Tumango lang ako.
" Ahm, meron sana akong naisip kung pwede lang naman. " Sabi ko sa kanya.
" Oo naman ano ba yun? " Tanong niya sa akin.
" Nakita ko kasi na pagod na kayo sa lakad niyo kanina. Ano kaya kung kami na lang ang magbabantay sa gabi. Kakausapin ko sila para makatulong hindi pwedeng kayo parin ang magbabantay kasi pagdating ng umaga umaalis na nga kayo para maghanap ng ibang survivor at kumuha ng makakain natin . " Sabi ko sa kanya.
" Sige maganda nga yun kung papayag sila. " Sabi ni Zid. Napangiti ako sa kanya. Natigilan siya napatitig siya sa akin. Nailang ako sa pagkakatitig niya.
Agad na tumingin ako sa tray na may lamang mga baso.
"Tara na dalahin na natin ito baka lumamig pa ito." Sabi ko na lang.
"Ako na ang magdadala." Sabi niya sabay hawak sa tray. Na tabig niya ang isang baso. Tumapon ito sa kanya.
"Ouch!" Sabi niya ng mapaso siya. Natataranta na kinuha ko ang towel na nasa gilid saka nilapitan ko siya.
"Bakit kasi hindi ka nagiingat." Sabi ko sabay taas ng damit niya. Nagulat ako ng makita ko ang mga pandesal sa tiyan niya. Doon lang ako natauhan. Agad na naibaba ko ang damit niya. Saka ako tumalikod.
"Ahm. Eto ang towel punasan mo ang tiyan mo kukuha lang ako ng oitment." Sabi ko sa kanya.
"S.. Salamat." Sabi niya na naiilang din. Nagmamadali akong naghalungkat sa mga drawer. Nakakita ako ng ointment. Lumapit ako sa kanya.
"O, lagyan mo ang paso mo para hindi mamaga." Sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang ointment. Ng biglang may kumalos kos sa labas ng pintuan. Parehas kaming napalingon dun. Imbis na kukunin niya ang ointment hinawakan niya ang kamay ko saka pinapunta niya ako sa likod niya.
Saka namin sinilip ang labas. Nagulat kami ng makita sila Miller na nagsisihan habang tumatayo. Nakahinga ako ng maluwag akala ko kasi may Infected na nakapasok.