Chapter 16

1081 Words
"Hi! Sisilipin sana namin kayo. Kasi ang tagal niyo e." Sabi ni Miller. "E bakit nandiyan kayo sa sahig?" Tanong ni Zid sa kanila. "He he he. Eto kasing mga ito nakisabay sa pagsilip kaya natumba kami." Sabi ni Noel. "Ang sabihin niyo kung ano ano kasi ang nasa utak niyo. Nga gung gung." Sabi ni Zid sa kanila saka pinaghahamapas sila ng towel na dala dala nito. Natawa na lang ako sa kanila. "Andun na ang mga kape niyo kunin niyo na lang. Nandito narin lang kayo." Sabi ni Zid sa kanila kakamot kamot na pumasok sa kusina ang nga ito. "Pasensiya kana sa mga yun." Sabi ni Zid sa akin. "Ayos lang sanay na ako sa kanila sa school palang." Sabi ko sa kanya. Pagtingin ko sa kanya. Nakatingin siya siya sa pintuan nakita namin na nakasilip na naman ang mga kaibigan niya. "Sabi nga namin magkakape na kami. He he he. " Sabi ni Miller. Umiling na lang si Zid. Napapangiti na lang ako sa kakulitan nila. Magsasalita sana si Zid ng lumabas si Noel. "Miss A magkape ka muna." Sabi nito. "Salamat." Sabi ko saka kinuha ang kape. "Asan ang sakin?" Tanong ni Zid dito. "Andun sa loob kunin mo na lang kaya." Sabi ni Noel. Sinamaan ito ng tingin ni Zid. "Miss A, gusto mo ng tinapay?" Tanong sa akin ni Noel. "Ako ng kukuha." Sabi ni Zid. Saka binatukan si Noel. "Miss A, " Sumbong nito sa akin. Napangiti na lang ako. Paglabas ni Zid may dala na itong kape at tinapay. Binigay niya sa akin ang isa. "Salamat." Sabi ko sa kanya. Hindi ako inantok magdamag kasi tawa lang ako ng tawa sa mga kalokohan nila. Kinabukasan kinausap namin ang lahat. Sinabi ko kayla Mitch ang napagusapan namin ni Zid. Pumayag sila kaya napagkasunduan namin na kakausapin namin ang mga tao pagkatapos naming magalmusal. "Makinig po kayo. Wag muna po kayong bumalik sa inyong mga silid. Meron pong saaabihin sa ating lahat si Miss Aeris." Sabi ni Mitch sa kanila. Napatingin sila sa akin. " Ahm. Napagusapan po namin. Na kung maari magkakaroon po tayo ng rotation sa pagbabantay sa umaga at sa gabi. Kukuha po kami ng dalawang taosa bawat kwarto na magbovolunteer Sa pagbabantay. Magpapalitan po tayo sa pagbabantay. Iba po ang magbabantay sa gabi at iba rin po sa umaga. At magpapalit po tayo ng ship pagdating ng lunes.Napagkasunduan namin na ang grupo nila Zid ay hindi na natin pagbabantayin sa pa. Dahil pagdating ng araw kailangan nila ng lakas sa pagiikot upang humanap ng makakain natin at ng iba pang survivor. " Sabi ko sa kanila. " Bakit kasi kailngan pa nilang humanap pa ng ibang survivor? " Tanong ng isang Ginang. " Oo nga baka mamaya hindi na tayo magkasya pa dito. Sa tingin ko halos lahat ng silid dito may laman na. " Sabi naman ng isa.Napakunot ang noo ko.Magsasalita pa lang sana ako naunahan na ako ng isa. *Wag kayong sakim. Hindi lang kayo ang gustong maligtas. Ganito na nga ang kalagayan natin. Makasarili parin kayo." Sabi naman ng isang ginang. " Hindi sa makasarili yun. Totoo lang ang sinasabi niya kapag dumami pa tayo baka pati pagkain natin magkulang na." Sabi naman ng isang lalake. Biglang gumitna si Zid. "Wag po kayong ganyan. Sa panahon na ito hindi lang po tayo ang nangangailangan ng tulong. Marami pa po ang nasa paligid natin ang nanganganib buhay kaya wag po natin ipagkait kung kaya naman natin silang tulungan.Isipin niyo po kung nagkapalit po kayo ng sitwasyon sila po ang nandito kayo po ang nasa labas. Ano po ang mararamdaman niyo. Nakita po namin na maluwang papo ang mga silid niyo. Sa bawat silid po kasya po ang tatlong pamilya. Sa pagkain naman po natin pwede naman po tayong magtipid . Hangang sa mahanap natin ang ligtas na lugar. Wag po nating ipagdamot ang lugar na ito dahil hindi parin po natin masasabing ligtas na po tayo dito or logtas po kayo sa mga silid niyo. Tandaan niyo po. Hangang ngayon hindi parin po natin alam kung saan nanggagaling ang Virus. Kaya maaring isa sa mga kasama niyo ngayon ay maging infected sa susunod na mga araw. Kaya hindi po tayo ligtas kung nagiisa po tayo mas magiging ligtas po tayo kung sama sama po tayong nagkakaisa at nagtutulungan. " Sabi ni Zid. Natahimik sila. " Tama siya, mas logtas tayo king marami tayo sa bawat silid dahil oras na may maging infected na isa makakaya natin siyang pagtulungan. Hindi kagaya ng tayo tayo lang hindi natin sila kakayanin. Masyado silang malakas at mabilis kumilos. " Sabi ng lalake na naging infected ang asawa. Wala ng tumutol. Kinuha namin ang pangalan ng magiging volunteer sa bawat kwarto. " Pwede ba kaming maging volunteer iha? " Tanong ng dalawang matanda. " Gusto din naming makatulong. " Sabi din ng isanapangiti ako sa kanila. " Kung gusto niyo pong makatulong lola. Maari po kayong makatulong sa kusina. Bale po ang kukunin naming magbabantay ay yung mga bata pa po. Ang mga kagaya niyo po ay itatalaga po namin sa kusina. " Sabi ko sa kanila. Pumayag sila. Nagtanong ako sa kanila kung sino ang marunong kumuha ng blood pressure. May isang Ginang ang tumaas ang kamay. " Ako marunong ako. Dati kasi akong nagtatatrabaho sa center." Sabi ng isang Ginang. "Buti naman po kung ganun malaki po ang maitutulong niyo." Sabi ko sa kanya. Naghanap ako ng makakasama niya. Siya ang araw araw na magiikot sa lahat ng kwarto para kumuha ng blood presure. Pagkatapos namin silang italaga sa mga kanya kanya nilang gawain. Nilista ko ang lahat na mga kailangan namin. Ng matapos hinanap ko si Zid. "Si Zid?" Tanong ko kay Westley. Nagaalangan itong ituro si Zid. Kaso nakita kona kausap ito ng mga babae. "Ayun kausap nila." Sabi na lang niya sa akin. "Zid hinahanap ka ni miss A!!" Sigaw ni Noel. Napalingon si Zid agad na nagpaalam ito sa mga kausap niya at lumapit ito sa akin. Nilapitan naman nila Noel ang mga kausap ni Zid pero nakasimangot na umalis ang mga babae iniwan sila Noel. Kakamot kamot ng ulo sila Noel. "May problema ba?" Tanong niya sa akin. Nailang na naman tuloy ako. "Ahm, wala. Ibibigay ko lang sana itong mga listahan ng mga gamot at mga gamit na kailangan niyong hanapin sa labas. Kakailanganin natin kasi itong mga ito dito." Sabi ko sa kanya. Naiilang nanaman ako kasi nakatitig na naman siya sa akin. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD