"Nakikinig ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Oo naman akina yang listahan." Sabi niya sa akin. Saka kinuha ang listahan at nagpaalam sa akin. Tinawag si Noel. Natatawa sila Mitch na nasa tabi ko.
"Nakakatawa si Vice lagi na lang natataranta kapag ikaw ang kaharap. " Bulong ni Yeula sa akin. Hindi ako umimik. Wala akong tiwala. Sa tingin ko kasi hindi nila naiintindihan ang mga pinakukuha ko sa kanila. Kaya tinawag ko uli ito. Nagmamadali itong lumapit.
"May kulang pa ba?" Tanong niya sa akin.
"Ano kaya kung sumama na lang ako sa inyo?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? I mean baka mapano ka sa labas. Hindi ligtas dun. Dilikado ang mga pinupuntahan naming lugar. " Sabi niya .
"Oo nga best! Dilikado yang iniisip mo." Sabi ni Olive sa akin.
"Ngayon lang naman ako sasama gusto ko lang makasigurado na makukuha namin yung mga nilista ko kasi may mga bata tayo at matanda. Wala tayong gamot man lang dito." Sabi ko sa kanila. Napatingin sila kay Zid. Huminga ito ng malalim.
"Sige, pero ngayon lang ha. Saka wag kang lalayo sa akin." Sabi niya. Tumango na lang ako. Kinilig naman ang tatlo na nasa likod ko.
"Antayin mo ako dito may aayusin lang kami lalakad na tayo." Sabi niya sa akin.
"Sige." Sabi ko sa kanya. Tumalikod na siya.
" Nakakakilig naman si Vice. Tingin talaga namin may gusto talaga sayo yan. Masyadong protective sayo yan kahit noon pa man." Bulong ni Mitch.
"Tumigil nga kayo mamaya marinig niya kayo. Nakakahiya no." Sabi ko sa kanila na namumula. Lalo lang nagtawanan sila.
"Kayo na ang bahal kay nanay kapag hinanap ako kayo na ang bahala magpaliwanag. Baka kasi magalala yun." Sabi ko sa kanila. Maya maya nilapitan na ako ni Zid.
" Halika na. " Sabi ni Zid.
" Ano no? Halikan na? Ikaw Vice ha. Marami na ngang infected sa paligid kung ano ano pa ang nasa isip mo. " Sabi ni Mitch. Namula ako. Napakamot naman sa batok si Zid.
" Sabi ko halika na." Sabi niya uli na namumula ang tenga. Nagtawanan sila Mitch. Naiinis ako sa mga ito. Alam ko kasing tinutukso lang nila kami. Naiilang na tuloy ako.
"Joke lang vice. Narinig naman namin. Sige ingatan mo si A ha. Wag na wag mong pakakagat sa mga infected yan." Sabi naman ni Yeula.
"Makakaasa kayo. Ubusin muna nila ako bago nila magalaw siya." Sabi naman ni Zid. Kinikilig naman ang mga kaibigan ko.
"Narinig mo yun A." Sabi ni Mitch. Sabay kaway sa akin.
"Bye A." Sabi nila na nanunukso. Inirapan ko na lang sila. Nagtawanan lang ang mga loko. Naiilang na tuloy ako. Inalalayan niya ako sumakay.
"Wag kang magalala miss A hindi ka pababayaan ni vice." Sabi ni Noel. Saka siniko si Zid. Hindi naman umimik si Zid. Ngumiti na lang ako. Lumabas na kami ng gate. Nakita ko agad na nagsulputan ang mga infected. Agad na hinabol ang sasakyan namin may mga nakasabit sa sasakyan namin.
"Sige kapit kayo ng maigi." Sabi ni Miller. Nagtawanan sila Noel. Binilisan ni Jake ang pagpapatakbo. Nalag lag ang infected na nakasabit. Nakita ko na pinipilit parin nila na humabol. Nakakakilabot ang mga nakikita ko na nadadaanan namin. Nagkakalat ang mga sasakyan sa kalsada. Maraming infected na nagkakalat sa palogid. Bawat madaanan namin hinahabol kami.
"Saan tayo Vice?" Tanong ni Miller sila ang nasa unahan nakasakay.
"Kung ano ang una niyong makita. Ang Mercury o groceries." Sagot ni Zid sa kanila.
" Copy." Sabi ni Miller. Maya maya nagmenor na kami napatingin ako sa labas nakita ko na isang mall ang binabalakan nilang puntahan.
"Sigurado kayo sa binabalak niyo?" Tanong ni Noel sa kanila.
"Tandaan niyo kasama natin si miss A." Sabi naman ni Westley.
"Wag kayong magalala kasama natin si Vice. Si Vice ang bahala kay Miss A. Saka pag napasok natin yan masmarami tayong makukuha diyan." Sabi ni Miller.
"Sige. Check niyo muna kung may safety na daan." Sabi ni Zid. Tumango si Miller. May kinuha sila ni Noel sa mga bag nila. Nagulat ako ng ilabas ni Noel ang de remote na sasakyan niya. Si Miller naman yung drone niya. Nilabas ni Miller ang drone niya sa bintana . Si Noel naman sa pintuan ang sasakyan niya. Pinaandar nila ang mga laruan nila.
"Safe dumaan dito sa exit. Wala pa akong nakikitang infected. " Sabi ni Noel.
" Walang masyadong infected dito sa kabila. Nasa harapan lahat anh infected. " Sabi ni Miller.
" Wala masyadong Infected dito sa loob ng damitan mas marami sa nga kainan. At dito sa labas ng kainan. " Sabi ni Noel.
" Okay sige. Dito ka na lang pumarada Jake. Para hindi ka makatawag ng pansin sa kanila. Tatawagan ka na lang namin kapag palabas na kami. Sabi niya kay Jake. Tumango ito saka pinatay ang makina niya. Pinahawak sa akin ni Zid ang isang Bat.
"Incase lang." Sabi niya. Tumango ako sa kanya.
"Gitnaan natin si A sabi ni Zid. Akala ko baba na kami pero may kinuha ito sa likod ng sasakyan. Isaang manipis na bakal. Kinuha niya ang kamay kong isa. Nilagay niya sa braso ko ito. Saka binalutan ng packing tape. Ganun din sa kabila.
" Eto ang ipapanangga mo. " Sabi niya sa akin. Saka sinuot sa akin ang jacket niya.
" Teka pano ka? " Tanong ko sa kanya
"Ayos lang yan miss A hindi naman sila makakalapit kay Vice." Sabi ni Noel.
"Oo nga miss A bago pa sila makalapit kay vice wala na silang ulo." Sabi naman ni Luigi.
" Tara na. " Sabi ni Zid. Binuksan na nila ang sasakyan. Nasa tabi ako ni Zid. Nasa tabi ko si Luigi naiwan si Noel at Miller sila ang magsasabi sa kanila ng dadaanan namin.
" Dito tayo. Sabi ni Zid. Gumilid kami sa mga sasakyan. Mabibilis ang mga kilos namin. Nakita namin ang mga Infected nasa harap ng mall.
Tumakbo kami sa gilid ng mall. Pumasok kami sa isang pasukan. Deretso ito sa Exit. Umakyat kami sa second floor. Nakakita kami ng pintuan. Binuksan ni Luigi ang pintuan. Nauna sila ni Westley. Sumenyas sila ng Okay. Kaya pumasok na kami. Nakita agad namin ang Mercury Drugs na hinahanap namin.
.