Parang may kung anong tumibok sa aking dibdib nang makita ko iyon muli. Tama nga. Tama nga ang matagal ko nang hinala. Mas malakas sa akin si Vladira dahil meron siyang pinoprotektahan. May gusto siyang patunayan at tulungan. Hindi lang for herself but for others. Iyan ang sinasabi siguro ni tatay na totoong kapangyarihan ng mga kagaya namin. Hindi nanggagaling sa pansariling kapakanan, kundi para sa iba. Pero ngayong nakulong na ako at napasok ng kadiliman, katapusan na nga ba ang lahat? “Ay grabe siya ang o.a, Vladira, ano?” “Naku ayoko magsalita. Lalo’t ngayon na sabay kaming gising dalawa baka madouble-dead ako.” Ipinulat ko imulat ang aking mugtong mga mata at napasinghap ako ng makita ko na nakatayo sa harapan ko ang aking kaibigan at kababata. “Vl

