Kabanata 1- Pagdiriwang
Kabanata 1]
Masigla at makulay na umaga ang buong bayan ng Carmona, makukulay na bandaritas, nakakaindak na tugtugan, masaganang handaan at masisiglang mga musiko ang makikita. Ngiti sa mukha at ramdam ang saya sa bawat mga mamamayan habang sinasayaw ang mga magagandang tugtugin mula sa mga musiko na nagtatanghal sa plaza.
"Hija, ika'y bumangon na diyan. Dadating ang mga kamaganak ninyo galing sa kabilang bayan, iniutos din sa akin ng iyong ama na ika'y aking ayusan para maganda at maaliwas kang tignan sa mga bisita mamaya sa piging" rinig kong gising sa akin ni Manang Juana, Mayor Doma sa aming mansyon.
"Wala paring kupas ang pagdidiriwag ng pista sa ating bayan. Tunay nga pong isa ito sa mga puntahan ng mga turista na galing sa malalayong bansa at Europa" saad ko kay Manang Juana habang inaayos ang aking pinaghigaan. "Tunay ka d'yan hija, sa aking pagkakaaalam mga kaibigan ng iyong ama na nagmula pa sa Europa ang mga panauhin natin mamaya sa pagsasalo. Atsaka nga pala hija, nais ka ipakilala ng iyong ama sa binatang anak ng Gobernador Buencamino ng kabilang bayan."
"Si Eduardo Buencamino, isa syang abogado na nagaral pa sa Europa , makisig na lalaki at may maamong mukha, tunay ngang kaibig ibig ang binatang iyan at ang balita ko, maraming mga binibini ang nagkakagusto sa kanya" dagdag ni Manang Juana. "Siya po ba ang sinasabi sa akin ni ama noong isang gabi?", "Oo, sya ang binatang may pagtingin sayo hija" natatawang sabi sa akin ni Manang. "Ikaw talaga Manang Juana agang aga puro sa pagibig agad ang pinagkwkwento mo " natatawa kong sabi sa kan'ya . Maging sya ay hindi napigilan mapahalakhak kaya lubos kaming nagtawanan.
"Oh s'ya mamaya na natin ipagpatuloy ang ating pinaguusapan ika'y gumayak na at magayos para makita mo na ang pag-aayos ng mga kasambahay at mangagawa sa salas para sa gaganapin mamayang pagsasalo. " saad ni Manang nang nakangiti at ramdam ko sakanya ang saya at pagkasabik para sa gaganaping piging mamaya. Tanging ngiti at tango ang naging sagot ko sa kanya.
Akin nang isinuot ang magarang asul na baro't saya na siyang binurda sa'kin ni Ina. Matapos iyon, lumapit ako sa tukador kung nasaan ang iba't ibang klase na kolorete at payneta na mayroon ako. Isinuot ko na ang paynetang regalo sa'kin ng aking tiya. Napatitig ako sa repleksyon ng aking sarili sa salamin, bilugang mga mata, matangos na ilong, at mapupulang mga labi. Kapansin-pansin rin ang katangkaran at kaputian ng aking balat. Nang ako'y mahimas-masan ay agad na akong bumaba sa sala kung saan naroon ang aking mga kapatid. "Magandang Umaga Ate Elisa!" magiliw kong bati sakaniya, "Bagay sayo ang pulang saya, Iyan ba ang binurdang saya ni ina para saiyo ? Tunay ngang napakagaling magburda ni ina," namamangha kong sabi sa kan'ya. Si Ate Maria ang panganay sa aming pangatlo magkakapatid, may pagkamaldita at mataray. At tanging siya lamang ang naiiba sa aming magkakapatid. Sinamaan n'ya lang ako ng tingin at patuloy s'yang umaalis.
"Oh Danilo, Magandang Umaga sa iyo!" masaya kong bati sa kan'ya. Siya ang bunso sa amin. Matalino at mahilig syang magpinta kaya naman lubos ang paghanga sa kan'ya nina Ama at Ina. "Magandang
Umaga din sa'yo maganda kong ate" bati niyang may pambobola. "Ikaw talagang bata ka!" at hindi namin napigilang magtawanan.
"Nasaan sina Ama at Ina?" tanong ko kay Danilo. "Si Ina ay nasa kanila pang silid at nagaayos, si Ama naman ay pumunta muna sa kan'yang opisina sa Munisipyo para may ayusin na mga papel na kakailanganin para sa pagsasagawa at pagaayos ng simbahan ng Parokya ng San Jose na doon gaganapin ang magiging misa sa susunod na araw para sa pasasalamat sa Imahe ni San Jose sa fiestang gaganapin ngayon. "Sana maging matagumpay ang gaganaping misa sa susunod na araw kung ganon." Oh sya maiiwan kita muna Danilo pupuntahan ko lang si ina sa kanilang silid " paalam ko kay Danilo.
Nang makapagpaalam ako kay Danilo , agad kong pinuntahan si Ina sa kanilang silid. "Ina, Magandang Umaga po" magiliw kong bati sa kanya. "Natutuwa akong suot mo ang asul na sayang iyan na binurda ko para sa iyo, nagustuhan mo ba Luna? nasisiyahang tugon n'ya habang lumalapit sa akin. "Oo naman po Ina, talagang nakakahanga ang talento nyo sa pagbuburda." tugon ko. "Alam mo ba Luna naituro pa yan sa akin ng iyong lola Teresita n'yo, isa s'ya sa isang pinakamagaling na mangbuburda dito sa ating bayan. At ibig niya na bago s'ya yumao ay sana mapalawak ng pamilya natin ang talendong pangbuburda sa bayan na ito." nakingiting sabi ni Ina sa akin.
"Saka nga pala Luna, kaarawan muna sa susunod na linggo. Nais ko na sanang ibigay sayo ang munting regalo ko." mahinanong aniya. "Talaga po ba Ina?" tugon ko. "Itong regalo kong ito ay pamana ng lola Teresita para sa iyo." sabay abot sa akin ng isang lumang libro na sa tingin ko ay isang talaarawan.
"Tama ang iyong hinuha anak, isa 'yang lumang talaarawan." Isang lumang talaarawan? "Ano pong gagawin ko dito, ina?" nagtataka kong tanong.
Bahagyang ngumiti ang aking Ina ngunit kita ko sa kan'yang mga mata ang lungkot na hindi ko maipaliwanag at maintindihan.
"Mga bagay na kailangan mong malaman. Problema at misyon na kailangan mong mapagtagumpayan. Tatandaan mo Luna, tulad ng isang buwan makikita mo ang liwanag ng kan'yang tinataglay subalit sa likod ng mga liwanag ito, may mga pagbabagong na magaganap na hindi natin maasahan.
At ikaw Luna , tanging ikaw lang ang makaalam sa mga pagbabagong maghahatid sa'yo ng saya, galit, takot, poot at kalungkutan. Mga pagsubok na unti unti kang babaguhin at gagawing matatag." mahaba niyang paliwanag na lalong nagpagulo sa aking isipan.
"??? ????????, ???????? ?? ????????? ?? ?????."
"Ina ano pong ibig sabihi-", hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng biglang may kumatok sa pintuan. Pinapasok naman siya ni Ina. "Donya Luciena, nand'yan na po ang mga kamag-anak n'yo na galing pa sa kanilang bayan," magalang na tugon ni Manang.
"Pakisabi ako'y pupunta na." tugon nito. "Sige po Donya Luciena", binigyan lang ni Ina ng matipid na ngiti si Manang bilang pagsagot. "Luna, tanging ikaw lang ang makakaalam lahat ng nakasulat d'yan sa talaarawan kaya nais kong basahin mo 'yan. Ako'y bababa na upang salubungin sila, sumunod ka na rin." paalam ni Ina sa akin.
Nang maakaalis na si Ina sa silid, natulala na lamang ako sa hindi malamang dahilan. Ako'y gulong gulo sa mga salitang binatawan niya.
Aking binuklat ang talaarawan na sa tingin ko'y mahiwaga dahil sa mga sinabi ng aking ina kanina lamang. "Sa liwanag ng buwan may mga pagbabagong magaganap" pagbasa ko sa unang pangungusap ng nakasulat sa unang pahina na ito na lubos nagbigay sa akin ng labis na pagtataka. Isang kapiraso ng papel ang nalaglag mula rito. May pagtataka kong pinulot ito, ibabalik ko na sana ito sa libro nang mapansin kong may nakasulat rito.
"??????"
Ilang oras na ang nakalipas nang tuluyan ng lumitaw ang buwan mula sa pagkakataklob nito sa ulap. Ska kabilang banda ay patuloy pa ring nagsisidatingan ang mga paunauhin ng pamilyang Cabrejas. Makikita agad sa labas ang malinawag at punong puno ng makukulay na palamuti na lalong nagbigay ng ganda at kinang sa kanilang napakagandang mansyon. "Buenas noches Don at Donya Cabrejas!" bati ng mga mayayamang pamilya na dumalo sa piging.
"Don Cabrajes, nandiyan na po ang pamilyang Buencamino." saad ng isang lalaking naninilbihan sa Don. "Papasukin sila at bigyan ng mainit na pagtanggap" saan ni Don. Nang pumasok na ang pamilyang Buencamino sinalubong sila ng masiglang palakpakan at nakakaindak na tugtugan na mula sa orkestra. "Magandang Gabi Don Elias Cabrajes," masayang bati sa kanya ni Don Filipe Buencamino. "Nagagalak akong makita kita muli mahal kong kaibigan." dagdag niya pa.
"Manang Juana" tawag ni Don Elias. Dali daling lumapit sakaniya ang Mayor doma. "Bakit po Señor?" tanong ni Manang. "Papuntahin muna sina Elisa, Luna at Danilo sa piging para maipakilala ko na sila sa ating mga panauhin." utos nito. "Sige po señor" matipid na sabi ni Manang Juana.
Tulala at tila ang aking isipan ay okupado dahil sa lahat ng nabasa ko sa unang pahina ng talaarawan. Kaba sa 'di malamang rason at pangamba ang aking nararamdaman sa t'wing hahawakan ko ang talaarawang iyon. Natauhan ako bigla nang marinig ko ang boses ni Manang.
"Luna bumaba kana riyan, nais kayong ipakilala ng inyong ama sa ating mga bisita" rinig kong sabi ni Manang sa akin. "Manang, may nais po sana akong itanong" tumango naman ang Mayor Doma senyales na maaari na itong magtanong. "Matalik po bang kaibigan ni Ama si Gobernador Filipe?" tanong ng dalaga. "Bakit mo naman natanong hija?", "Wala po Manang, nais ko lang pong malaman kung lubos na kakilala ni Ama si Don Filipe, dahil nais ko pong mapabuti ang relasyon nilang dalawa at hindi maghantong sa pagkasira ng ating mga bayan pag meron silang hindi pagkakaunawaan. Nababalitaan ko po kase, na sa ibang lungsod sa Maynila ay nagkakawatak at nagkakaroon na ng gulo ng dahil sa hindi pagkakaunawaan." may kung anong bumabagabag sakaniya habang siya'y nagsasalita. "Hindi mangyayari iyon Hija,
si Don Filipe Buencamino ay isang mahusay na diktador sa bayan ng Cavite. Tunay na kahanga-hanga ang galing n'ya sa pamumuno sa kabilang bayan. Ang iyo namang Ama ay tunay din na maipagmamalaki hindi lang sa bayan ng Carmona pati na rin sa lalawigan ng Cavite. Napapanatili n'ya ang kapayapaan at higit sa lahat hindi n'ya pinababayaan pang mga manggagawa at magsasaka na magkaroon ng maayos na hanapbuhay. Tiyak na mas lalakas pa ang ating bayan pag nagsanib-pwersa sila." saad ni Manang Juana upang pagaanin ang loob ng dalaga.
Tuluyan ko nang nilisan ang aking silid. At bumaba papunta sa salas na kung saan matatanaw mo agad ang napakaraming tao at magandang ayos ng salas. Pagbaba ko ay tanaw ko na agad ang aking ina't ama na nakikipagsalo kina Tiyo Armando at Tiya Julieta.
"Señor, narito na po sila." panimula ni Manang kay Ama. "Maraming salamat, Juana." tipid na ngiti at umalis na si Manang. "Talagang kaylalaki na ng aking mga pamangkin" magiliw na bati sa amin ng aming Tiyo Armando. Tanging ngiti ang naging sagot naming tatlo.
"Tunay ka dyan Armando. Malalaki na nga ang inaanak mo at tunay na maipagmamalaki mo na ang mga iyan" patawang sabi ni Ama. "Parte na ng pagamutan sa ating bayan si Elisa. Si Danilo naman, ay tunay na kahanga-hanga sa paraan ng kaniyang pananalita at mahusay s'ya sa pagpipinta. At ang aming prinsensa, si Luna, siya ang swerte at yamab ng aming pamilya " may pagmamalaking saad ni Ama na siyang nagpangiti kina tiyo.
"Tunay ngang kahanga hanga ang aking mga pamangkin. Talagang kayo ay nagmana sa inyong ama, mula sa talento ng inyong ama hanggang sa katalinuhang taglay ng inyong ina" saad ni Tiya Julieta. "Ikaw talaga Julieta, may pambobola ka pa talaga d'yan" natatawang sabi ni Ina at napuno na ng tawanan ang usapang iyon.
Patuloy pa rin ang pagdating ng iba pang mga opisyales na siyang sinasalubong ni ama nang mainit na pagbati. Mga ngiti sa labi ang siyang makikita sa bawat isang dumalo sa kasiyahang ito. Kaniya-kaniyang pakikipag-usap at sayawan ang mga bisita dahil sa nakakaindak na tugtugin.
Hindi ko na mawari kung gaano katagal ng naguusap sina ama't tiyo at tiya. Kuwentuhan at tawanan ang siyang namamalagi sa lamesang aming pinagsasaluhan. Tanging sila-sila lamang ang nagkakaintindihan dahil tila ako'y wala sa aking sarili. Masyado akong okupado at may kung anong bagay na bumabagabag sa akin.
"Ama at Ina nais ko po munang magpahinga sa aking silid" bigla akong natauhan ng magsalita at magpaalam si ate. "Masama ba ang iyong pakiramdam, Elisa?" pagaalala ni Ina. "Hindi naman po ina, ayos lamang po ako. Ramdam ko lang po na tila pagod po ang aking katawan." pagliliwanag ni Ate. "Manang Juana" tawag ni Ama. "Bakit po Señor?" sagot ni Manang. "Pakihatid si Elisa papunta sa kaniyang silid at tumawag ka rin ng doktor para masuri ang kalagayan n'ya." may pag-aalalang utos ng Señor. "Masusunod po Señor." ani ni Manang. "Samahan ko na din po si Ate Elisa sa kanyang silid at tulungan ko po si manang magbantay kay ate." paalam ni Danilo.
"Ako den po Ama, sasam-" hindi ko pa natatapos ang aking pagpapaalam ng biglang nagsalita si Ama. "Luna, ikaw nalang muna ang ipapakilala ko sa pamilya Buencamino." nakangiting sabi ni ama ng may ngiti sa labi kasabay no'n ay ang paglingon niya na nagsasabing sumunod ako sakaniya.
Naroon kami sa salas kung saan natatanaw ko ang isang makisig at matangkad na lalaki, bilog na mga mata at makapal rin ang kaniyang kilay na siyang nagbibigay kilabot sa kungsinong kaniyang makakaharap. "Magandang gabi, Don Filipe. Masaya akong inyong pinaunlakan ang aking paanyaya." masayang tugon ni Ama. "Nais kong ipakilala sa iyo ang aking pangalawang anak na si Luna." dagdag ni ama sabay turo saakin. "Magandang gabi po, Don Filipe", pagbati ko sa kaniya at ginawaran siya ng isang tipid na ngiti. "Masaya akong makilala ka, Binibining Luna. Narito rin pala ang aking anak." bati niya pabalik. Ngayon ko lang napansin ang isang ginoong nasa kaniyang tabi.
"Magandang Gabi sa iyo Ginoong Eduardo, ito nga pala ang aking anak, si Luna" pagpapakilala ni Don Cabrejas sa kaniyang dalagita. "Nagagalak akong makita ka muli Binibini." magalang na sabi ng binata ngunit isang tipid na ngiti lamang ang tugon ko sa kaniyang pagbati.
Nagsimula nang tumugtog ang orkestra ng mga nakakaaliw at nakakaindak na tugtugin, maging ibang panauhin ay napapaindak sa mga masisiglang musika na bumabalot at naririnig sa buong mansyon.
Kita sa mga ngiti ng mga binibini ang pagsasaya sa musika habang isinasayaw sila ng kani-kanilang mga kapareha.
"Binibining Luna, maaari ba kitang maisayaw?" kinakabahang alok ni Eduardo. "Maraming salamat Ginoo sa iyong alok, ngunit paumanhin hindi ako sumasayaw" pagtanggi ko. Bakas sa mukha ni Eduardo ang paghihinayang at lungkot dahil hindi n'ya maiisayaw ang babaeng matagal na nyang napupusuan. "Naiintindihan ko, binibini." saad n'ya at binigyan n'ya ako ng matipid na ngiti. "Maiwan muna kita, Ginoo." tugon ko, at isang tango lamang ang kaniyang naging tugon.
"Ama at Ina, nais ko munang magpahangin sa labas." tumango naman sila bilang tugon. Lumabas ako sa salas na kung saan ginaganap ang pagsasalo.
Madilim na sa hardin na kung saan do'n ako nagpapahangin, tanging buwan ang nagbibigay liwanang at ingay ng kuliglig ang nagbibigay ng ingay sa paligid. "Napakagandang mga pulang rosas san-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko na may bigla akong may narinig na pamilyar na boses mula sa aking likuran.
"Alam mo ang mga pulang rosas na iyan ay sumisimbolo sa tunay na damdamin ng pagibig " aniya. "Binibini para sa'yo" dagdag niya pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko at tanging bilis ng t***k ng aking puso ang naririnig kong bumabasag sa tahimik na paligid. Tila bumagal ang paligid at tumigil ang oras nang iabot sa akin ng isang Ginoo ang kapiraso ng rosas.
"Eduardo.."