Yana's POV
Pagbalik ni Kei sa tabi ko ay sinimulan na syang i-interrogate ng mga kapitbahay ko. Kung ano-ano ang itinanong nila rito.
"Ilang taon ka na ba?"
"Taga-saan ka?"
"Anong trabaho ng mga magulang mo?"
"Magkano sinusweldo nila?"
"Magkano baon mo sa isang araw?"
Natawa ako sa last na tanong nila. Seriously? Pati baon tinanong? Pero sinagot naman ni Kei lahat ng yun.
"I’m 20 years old at taga-Quezon City ako. My parents own *insert a famous company name here*. I don't know how much they're earning but more or less, millions. At hindi ako nagbabaon. I have credit cards," sagot nya.
I rolled my eyes. Napakayabang!
Nagtinginan ang mga kapitbahay ko.
Maya-maya nagsalita si Aling Esther. "Ilang months na kayo ni Yana?" Tanong nya kay Kei.
Sheez! Eto na.
"H—" si Kei na magsasalita sana pero di ko pinatapos. Ako yung sumagot.
"5 months na po kami," sagot ko.
"Ha? 5 months? Eh di matagal ka ng naglilihim sa'min?" Sabi nung isa kong kapitbahay.
Grabe makareact? Daig pa talaga si Tita Emma ng mga 'to!
Ngumiti lang ako.
"Pa'no kayo nagkakilala?" Tanong ni Tita Emma.
"Kani—" si Kei ulit.
"Kasi po schoolmates kami. Basta ganun...hehe," sagot ko ulit.
"Eh di schoolmate ka rin ni Albert?" Sabi ni Aling Esther saka sya tumingin kay Albert na pagtingin ko eh ang sama ng itsura.
Tumingin din ako kay Kei na naka-kunot yung noo. Ako na lang ulit yung sumagot.
"Ah opo. Schoolmates kami. Sige po, aalis na po kasi sya," sabi ko sabay hatak sa kanya palabas ng compound namin.
Medyo nakahinga ako nang maluwag paglayo namin sa scrutinizing eyes ng mga kapitbay ko pero pagtingin ko sa kanya, sya naman ang nakatingin sa akin nang masama.
"What the hell just happened there?" Bulyaw nya.
"Wag ka ngang sumigaw!” iritableng sagot ko. “Anong nangyari? I introduced you as my boyfriend," I said, smirking.
"What the?! Kelan pa naging tayo?!" Sigaw nya ulit.
"Kanina lang...Babe," I answered giving emphasis to the word babe para maasar sya lalo.
"Have we ever had s*x?" Tanong nya.
The heck? Loko 'to ah!
"Nope!"
"Then you're not my girlfriend," sagot nya.
Wait, don't tell me lahat ng nakakarelasyon nya may nangyayari sa kanila? Ew. Perverted jerk!
Nakita ko syang napangisi. Nakita nya siguro yung reaction ko.
"Wag ka ngang ngumisi! Para kang aso!" Bulyaw ko sa kanya.
"What did you just call me? Aso!?" Tanong nya na halatang inis na.
"Gusto mo ulitin ko? Oo! Mukha kang aso!" Sabi ko para mas maasar sya.
Nilapit nya pa yung mukha nya sa’kin. Halos mag-nose to nose na kami. Hindi ko pinangarap na madikit ang ano mang parte ng katawan ko sa kanya kaya...
"Aww! f**k!” Napahawak sya sa noo nya matapos ko syang I-headbang. “You-"
“What?” sigaw ko sa kanya.
Hinatak nya ako at pinasakay sa loob ng kotse nya saka nya yun pinaandar.
"Hoy, teka! Sa'n tayo pupunta ha? Ibaba mo 'ko!!!" Sigaw ko.
"Bakit? Karga ba kita?" Tanong nya habang nagmamaneho pero yung isang kamay nakahawak pa rin sa noo nya.
Pilosopo!
"Eh di ihinto mo yung sasakyan!" Sigaw ko. Naaasar na rin kasi ako.
At inihinto nya nga. Kaso inihinto nya dun sa may mga nagpapaputok pa kaya muntik ng madali yung sasakyan nya.
"f**k!" At nagmura na naman sya. Kasalanan nya naman.
Pinaandar nya ulit yun at inihinto sa tapat ng isang saradong convenient store.
"f**k! f**k! f**k! f**k this day!" sigaw nya.
Parang alam ko na yung favorite word nya. Naiiling na lang ako. Tumingin sya sa'kin nang masama.
"Ano bang kasalanan ko sa'yo ha?" Tanong nya bigla.
Seryosoa akong tumingin sa kanya. Naalala ko tuloy nung natapunan nya ng shake yung research paper ko na pinaghirapan at pinagpuyatan ko ng isang buwan.
Pa'no nangyari? Nakaupo ako sa study area malapit sa library at kino-compile ang ibang part ng research paper ko nung dumating sya with a girl at naupo sa tabi ko. Nag-aral din naman sila. Pinag-aralan nila? Exploring each other's body: touching here and there and moaning all the way. Lumayo ako nang kaunti sa kanila for their “privacy.”
Kahit kinikilabutan na ako sa mga naririnig kong dirty talking nila di ko na lang pinansin. Kaya lang pagkuha ko nung statement of the problem na part ng research ko... holy cow!! Basa? Paglingon ko sa pinaglagyan ko nun. Natapunan pala nung iniinom kong shake. At ang may kasalanan? Yung lalaking yun na umusog pala.
Di ko na napigil yung sarili ko.
"Puchanggala naman oh! Maghanap kayo ng bakanteng room nang hindi kayo nakakaistorbo! Lumayas kayo! Layas! Malalandi!!!" Sigaw ko sabay tulak sa kanila palayo sa study area.
Tinignan nila ako nang masama bago naglakad paalis.
Naipasa ko pa rin naman yung research paper ko that day. Ang kaso naubos yung baon ko for reprinting kaya gutom ako buong araw. Kasalanan talaga yun nitong m******s na 'to eh.
"Hoy! Tinatanong kita kung anong kasalanan ko sa'yo!" Sigaw nya.
I took a deep breath sabay sabi ng "Wala.”
"What the hell!?" Sagot nya na feeling ko ay second favorite word nya.
Napatingin ako sa kanya nung tumahimik sya. Baka kasi may pinaplano na syang masama sa'kin. Nagtama yung paningin namin.
"What?" Pareho naming tanong.
"Why did you f*****g tell them that I am your boyfriend?" Tanong nya na may kasama pang mura.
"Kailangan may kasamang mura?" Sagot ko.
"Just answer me!" Galit na ata talaga sya.
"Eh kasi kailangan ko ng magpapanggap na boyfriend ko! Eh ikaw una kong nakita," Sagot ko pero actually hindi sya yung una kong nakita. Sya lang talaga yung mukhang kapani-paniwala kapag pinakilala ko.
"Eh di sana nagboyfriend ka na lang ng totoo!"
"Eh ayoko eh!" At nagsisigawan na kami.
"Sabagay, wala talagang papatol sa'yo,” sabi nya saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"Hoy manyak! Kung makapagsalita ka parang ang linis ng budhi mo ah?”
"Ako manyak? Bakit, minanyak na ba kita? Baka kapag ginawa ko sa'yo mag-thank you ka pa!" He smirked.
"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo. Hindi ko pinangarap!"
Naiinis na talaga ako sa kapal ng mukha nitong taong 'to. Pasalamat sya kailangan ko ng tulong nya.
"Okay, let’s be serious for a moment. Why do you need a boyfriend?" Tanong nya in a calm tone.
"Eh kasi si Aling Esther, yung ang daming tanong sa'yo kanina, nirereto ako sa anak nya," Sagot ko.
"Who? That Albert guy?"
Uy! Talas ng memory ah?
"Oo, sya nga."
"Eh bagay naman kayo ah?" Tumawa pa sya kaso sinamaan ko sya ng tingin kaya tumahimik sya. I know he’s being sarcastic.
"Di ko sya type!"
"Eh sinong type mo? Ako?"
"In your dreams! Kahit kailan hindi ako nagkagusto at hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo!"
"Really?" Sabi nya saka inilapit yung mukha nya sa'kin.
Itinaas ko yung kamao ko. "Really!"
Tumawa sya nang malakas
"Happy ka?" Sarcastic na sabi ko.
"Eh bakit kasi di mo na lang i-reject? Bakit kailangan mo pa ng pekeng boyfriend?"
"Eh kasi pag binasted ko without a valid reason baka palayasin kami sa tinitirahan namin," Sagot ko.
Mama's boy kasi si Albert, gusto kong idagdag.
"Eh ikaw naman yung papalayasin eh. Di naman ako," sabi nya.
"Wala ka talagang puso noh?"
Natawa sya sandali saka sumeryoso sya ulit.
"If I agree to you, anong mapapala ko?"
Ano nga ba?
"Ah...eh... wala akong pera eh."
"Tsk tsk. You should have at least thought of something in exchange of the favor you're asking me," Sabi nya saka ako tinignan ulit mula ulo hanggang paa.
"Nevermind! Di ko na pala kailangan ng tulong mo!" Sagot ko saka ako napatakip sa dibdib ko. Pa'no kasi parang alam ko na yung iniisip nya.
He smirked.
"No need to cover yourself. Di naman kita type eh. Pero pag-iisipan ko," Sagot nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Talaga? Salamat!" Sabi ko kahit medyo nainsulto ako sa una nyang sinabi.
"Hindi pa ako pumapayag. Pag-iisipan ko pa di ba?" Sabi nya.
"At least pag-iisipan mo," Sagot ko.
After that, inihatid na nya ako sa'min. It’s already 3 am.
"Hoy! Pag-isipan mo ha? Sabihin mo yung sagot sa Monday!" Paalala ko sa kanya bago sya umalis.
"Sa Monday? Pa'no kita makikita?" Tanong nya.
"Schoolmates tayo!"
"Really? Well, okay," sabi nya saka umalis na sakay nung magara nyang kotse.
Baliw yun ah! Parang hindi pa makapaniwalang schoolmate kami.
Pag pasok ko sa compound namin, kinausap ako ni Albert na medyo amoy-alak. Sigurong nag-inuman sila ng mga kapitbahay namin.
"Boyfriend mo ba talaga yung Torres na yun?" Tanong nya.
"Y-yeah! Bakit?"
"Hindi ako naniniwala," sabi nya saka pumasok na sa bahay nila.
Eh ano kung hindi ka naniniwala? Gusto ko sanang isagot.
Sana talaga pumayag yung lalaking yun.