CHAPTER 5

936 Words
Monday I can’t help but pray habang naglalakad sa quadrangle na sana pumayag si Kei. Sana pumayag sya. Sana pumayag sya. Sana pumayag... "Yannnaa!!!" Natigil ako sa pagdadasal nang may tumawag sa'kin. Agad akong lumingon. "Beshies!" Tili ko sabay lapit at yakap sa kanila. Sila ang mga pinakamamahal kong kaibigan. Ang mga gwapo sana kaso mas malalandi pa sa'king mga kaibigan ko. Sina Harry, Eloise, at Gab. Mga babae na natrap na katawan ng mga lalaki. Mahal na mahal ko ang tatlong ‘to kahit mas maaarte pa sila sa’kin. "Beh, tumaba ka!" Sabi ni Gab sa'kin. Tumango sina Harry at Eloise biglang pagsang-ayon. "Ba yan! Ganda ng bungad ha?" Sumimangot ako kunwari. "Charot lang! 'to naman!" Sabi ni Gab saka kumapit sa braso ko. "So anong ganap sa life nyo?" Tanong ko sa kanila. In-occupy namin ang isang marble table sa gilid ng quadrangle. 7:30 am pa lang naman. 9 pa talaga pasok namin. Maaga lang kami pumasok para magtsismisan. "Ay girl! May bagong jowa si Harry. Yummy!" Kwento ni Eloise na kinikilig. "Ako lang ba? Eh ikaw? Kamusta yung ka-date mo nung pasko?" Sabi naman ni Harry. "Masarap beh!" Sabay tili nilang dalawa. Si Gab biglang naging busy sa phone nya. Kinalabit ko sya. "Oh ikaw? Sino na naman yang katext mo?" Tanong ko. "Sino pa ba? Eh di yung Thomas nya," sabat nina Harry at Eloise. May mga jowa kasi 'tong mga 'to. Ang kaso si Gab loyal sa jowa nya. Two years na kasi sila. Eh itong dalawa, naku! Every week iba-iba ang nakikita kong minamy-day. "Sus! Maghihiwalay rin kayo ny— aray!!" Binatukan ako ni Gab. Nagtawanan sina Harry at Eloise. "New year na new year napaka-nega mo! Kaya wala kang love life eh," asa nya. "Di ko kailangan ng boyfriend or whatever noh! Masaya kaya maging single! No complications. Pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin," I answered. "Wehhh?" Sabay-sabay nilang react. "Oo nga! Wala kasing forever!" Sagot ko. "Sino nagsabi sa'yo?! Bakit, nainlove ka na ba?" Tanong ni Eloise. "Hindi pa. Pero I don't need to fall in love just to experience how it feels like. Eh lahat ng mga nakikilala ko niloloko lang eh. Lahat sila in the end umiiyak. Tsaka kung may forever, bakit hindi na-achieve yun ng mga magulang ko?" Nagtinginan sila tapos niyakap ako namg mahigpit. "Okay lang yan, beh. Naiintindihan ka namin. We’re here for you," sabi nila. Binatukan ko sila. "Mga baliw! Di ako nagdadrama noh! I'm just saying the truth," sabi ko pero aamininin ko nung nabanggit ko yung mga magulang ko, may naramdaman pa rin ako. Maya-maya napadaan sa harap namin si Albert. Nag-"hi" sya. Tumango ako to be polite. Mamaya magsumbong pa sa nanay nya na in-snob ko sya. "Uy!!! Ikaw ha! Pumapag-ibig si Yana!!!" Asar nilang tatlo sa'kin. "Him? No!" Sunod-sunod akong umiling. Nagtawanan sila. "Eh sino yun?" Tanong ni Gab. "Kapitbahay ko yun. Nirereto kasi sa'kin nung mama nya tsaka ng mga kapitbahay namin. Kasi di ko type eh, inyo na lang?" Biro ko. "No way!" Si Eloise. "Wititit beh. Chakabels!" Dagdag ni Harry. "Nevermind. Mahal ko si Thomas." - Gab. Nagtawanan kami. I missed them so much! Sila talaga isa sa mga happiness ko. "Uy Eloise, meron ka ba—" natigil yung sasabihin ko nung nakita kong nakatingin sila sa kung saan at kilig na kilig. Pati yung mga schoolmates kong babae todo pa-cute bigla. Pagtingin ko sa tinitignan nila napangiwi ako. Yung mga gwapong-gwapong pala sa sarili nila na sina Zac, Lance, Cal, at "the p*****t" Kei. "Beh! Nakatingin sa'kin si Kei!" Sabi ni Harry na agad hinampas si Eloise. "Ambisyosa! Sa'kin kaya!" Sagot naman ni Gab. Loyal si Gab sa jowa nya kaso bumibigay sya pag andyan na si Kei. Di ko talaga alam kung anong nakita nila sa lalaking yun. Gwapo? Whatever! "Girls! Papunta sa'tin!" Tili ni Eloise. Naghair flip silang tatlo. Natawa ako. Akala mo talaga ang hahaba ng buhok eh! "Hi babe,” nakangiting sabi ni Kei na diretsong nakatingin sa’kin. Nakita ko yung eexaggerated na lingon sa'kin ng mga kaibigan ko. "B-bakit?" Don't get me wrong. Nautal ako dahil nagulat ako at hindi dahil sa kilig. Naupo sya sa tabi ko saka *tsup* Did he just kiss me? Di lang ako ang nagulat kundi pati na ang mga kaibigan ko, at lahat ng estudyante sa quadrangle. Kung yung mga babaeng "bitchy-b***h" siguro yung kiniss nya, kahit sa pisngi lang, hindi magrereact nang ganito 'tong mga 'to. Eh kaso ako ‘to eh. Sino ba naman ako? *slap* Nagulat ako sa ginawa ko. Lalo na yung mga nasa paligid namin at si Kei. Ang kaso imbes na magalit, ngumisi lang sya. "Di mo pa ba ako napapatawad, babe? Sorry na nga di ba? Gusto mo lumuhod pa ako eh," sabi nya saka bumaba para lumuhod. Napanganga na naman at nanlaki yung mga mata nung mga schoolmates ko. Shet! Wait lang! Ano ba ginagawa nya? Napansin kong nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga nakatingin sa'min. They’re looking at me with disgust. What the heck?  Never kong pinangarap na maging kami ng aso na 'to. "Tumayo ka nga!" Sabi ko sa kanya. "Sabihin mo munang okay na tayo," sabi nya na nagpout pa. Pucha! Nag-inarte pa! "Sige na Yana. Batiin mo na!" Sulsol naman ng mga kaibigan ko. Isa pa 'tong mga 'to. "Oo na sige na!" Sagot ko na lang. No choice. Pinagtitinginan na kami. Bigla nya akong niyakap. “Payag na ako," sabi nya na pabulong. Kumalas ako sa pagkakayakap nya saka ngumiti sa kanya nang malapad. “Talaga?” Tumango sya saka ngumiti rin. And the game has officially started.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD