"Anong kabaliwan ba yung kanina ha?" Tanong ko sa kanya pagtapos ko syang hilain papunta sa gilid ng stage “Bakit kailangan mo pa akong halikan sa pisngi?"
"Sa'n ba gusto mo? Sa lips?" He smirked.
"In your dreams! Boyfriend lang kita kunwari. Kaya wag kang feeling dyan! Hindi kita gusto!"
He laughed. "Don't worry. Di rin naman kita gusto. You're not even attractive para magustuhan ko,” Sabi nya.
Grabe makapang-insulto? I rolled my eyes.
"Eh ba't ka nga ba pumayag?" Tanong ko na lang. Saka sya nagkwento.
Kei's POV
Flashback...
Saturday morning, kakauwi ko lang from a "hot night" with a girl na nakilala ko sa bar nung pagpasok ko sa bahay may nakita akong babaeng mukhang familiar na kausap nina mama at papa. Sino nga ulit sya? Hmm... Anne? Abby? Alexa? Ugh! Whatever!
Bigla akong hinila ni papa papunta sa study room nya. Sumunod si mama.
"What?" Tanong ko. Mukha syang galit eh and I hate confrontations like this with him.
"You got home early in the morning mula pa nung umalis ka kahapon! Gawain ba ‘yan ng matinong estudyante?” He yelled.
"I’m on my break," sagot ko saka naupo sa couch.
"And that girl! Alam mo ba kung bakit sya nandito?”galit na tanong nya.
"I don't know. Kayo kausap kanina hindi nyo pa tinanong?"
"Aba't namimilosopo ka pa ha!" Susuntukin sana ako ni papa pero inawat sya ni mama.
"That girl is pregnant! At ikaw ang ama!" Si mama na may halong disappointment ang boses.
"What?" Imposible! I am always protected when I go out with girls.
"Oh bakit? I-dedeny mo pa?!" Sigaw ulit ni papa. Pinipilit naman sya kalmahin ni mama.
"Because I am sure that I am not the father! Pa, wala ba kayong tiwala sa'kin?"
"Wala!" Why did I even bother to ask?
"Pero pa, I am hundred percent sure na hindi akin yun. Bakit? Ilang months na raw ba yung tyan nya?" I asked. Kasi kung tama yung pagkakatanda ko, 6 months ago pa mula nung huli kong nakita yung babaeng yun.
"She's 3 months pregnant," si mama yung sumagot.
"See? 3 months? Eh I have a girlfriend for 5 months now!" I said without even thinking. s**t! 5 months? Teka, sa'n ko nga narinig yun? Oh right! Dun sa babaeng nagpakilala sa'kin sa mga kapitbahay nya as her boyfriend.
Wait, this is a good chance. Since she needs my help, I think it'll benefit me too.
"T-totoo ba yan?" Tanong ni mama.
"Yes ma. I can bring her here tomorrow night. But that girl na kausap nyo kanina, I swear na hindi sa'kin yung anak nya." I insisted.
Tumingin ako kay papa dahil bigla syang tumahimik.
"Okay. We'll think of something to get you out of this basta siguraduhin mong dadalhin mo dito yung girlfriend mo. Kung hindi, ipapakasal kita sa babaeng nasa labas. Malaking kahihiyan ‘to sa negosyo natin. Your brother is doing his best for our company pero ikaw-" Di ko na narinig ang iba pang sasabihin ni papa dahil agad akong lumabas ng kwartong yun.
I was compared to him again.
End of flashback
Yana's POV
Natawa ako pagtapos nyang magkwento.
"Anong nakakatawa?" Sigaw nya.
"Di ka kasi nag-iingat," asar ko.
"Hoy! Protected ako palagi noh!" Sagot nya.
"Eh bakit nabuntis mo yung girl?"
"Are you not listening? Hindi nga akin yun!" Naiinis na sabi nya.
"Weh?"
Tinignan nya ako nang masama.
"Fine! Hindi na sa'yo yun! Masyado naman 'tong pikon!" Sagot ko na lang,
"What did you say?"
"Wala! Pero teka, pupunta talaga ako sa inyo mamaya?"
"Yeah. My parents want to meet you."
“Hindi man lang ako ready."
"Bakit, ako ba ready nung bigla mo na lang hinatak at ipinakilalang boyfriend mo? Buti nga nasabihan pa kita eh. Eh Ako?"
"Tss. Oo na!" Lakas mangunsensya!
"Here!" May inabot sya sa'kin na papel.
"Ano 'to?"
"Basahin mo."
"Init ng ulo!" Binasa ko na yung nakasulat sa papel.
"Rules and Regulations?"
Tumango sya.
"Para saan?" Tanong ko.
"Para safe."
Tinaasan ko sya ng kilay saka ko binasa yung mga nakasulat sa rules and regulations na yun.
Rules and Regulations
Rule 1. Thou shall not meddle on each other's personal affairs. Rule number 1 talaga 'to ha?
Rule 2. Thou shall not touch each other's personal stuff. As if namang pinangarap kong pakialaman yung mga gamit nya.
Rule 3. Thou shall act as lovers ONLY in front of family/neighbors/schoolmates. Specific talaga?
Rule 4. Thou shall not assume unless stated. Excuse me! Hindi ako assumera!
Rule 5. Thou shall NOT FALL IN LOVE. Talaga! As in NEVER EVER! Di ko pinangarap!
Signed by: Keillun Yusef Torres
Pumirma na rin ako dun.
"Ayan na oh!" Binalik ko na sa kanya yun.
"Wag mong kakalimutan yung mga nakasulat dun ha! Lalo na yung last rule. Pag nakalimutan mo yun bahala ka. Ikaw lang din ang masasaktan. Remember, laro-laro lang 'to. I'm not capable of loving someone."
Natawa ako dahil ang seryoso nya.
"Don't worry. I don't believe in love. So, okay na tayo?" I said.
He smiled, then hugged me.
"What was that for?" kunot-noong tanong ko.
"Ang daming nakatingin sa'tin. Ikaw kasi sigaw ka ng sigaw kanina." Bulong nya. "Ihahatid na kita sa room nyo?" Sabi nya pagbitiw nya sa'kin.
"At bakit?"
"Rule number 3, remember?' Paalala nya.
I rolled my eyes. “Okay!"
Alright, Yana! Let’s do this!